Ellisse POV
Nagising na lang ako na puting kisame ang bubungad sa akin. Kahit hindi na sabihin, alam ko kung nasaan ako. I'm in a freaking hospital.
Nung sinubukan kong gumalaw, biglang may bumangon sa tabi ko. Nagulat na lang ako nang naaninag kong si Rex yun.
Napaiwas na lang ako ng tingin nung titigan niya ako. Ramdam kong uminit ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi naman ako lasing para hindi ko maalala kung anong nangyari.
He kissed me. He confessed to me. And... I also did. Nakakailang!
"How are you feeling? Ayos ka na ba? Walang masakit?" Sunod-sunod niyang tanong.
Umiling lang ako sa tanong niya at sunod ko na lang na narinig ang paghinga niya ng malalim. Hindi pa rin ako nakatingin sa kanya.
"Hay, buti naman." He sighed. Naramdaman kong umisod siya palapit sa akin kaya napaatras ako. He chuckled. "Ang ganda mo pala pag walang ayos."
Nanlalaki ang matang napaharap ako sa kanya. "What!?" Bulalas ko.
Dali-dali akong tumayo para dumiretso sa c.r. Narinig ko pa ngang tinawag niya ako pabalik pero hindi ko siya pinansin. I immediately look for a mirror at nang makakita ako, tiningnan ko agad ang repleksyon ko. I sighed nang hindi naman nila iyon binura. Dali-dali akong lumabas ng c.r para sugudin siya.
Tawa siya nang tawa nang lumabas ako. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na binatukan siya. "Aray!"
Pinandilatan ko siya ng mata. "Wag ka ngang magbiro ng ganyan."
Tumigil siya sa pagtawa at tinitigan ako. "Hindi ko ba pwedeng nakita ang totoong itsura mo?"
Napaiwas na lang ako ng tingin.
"Hindi ko ba pwedeng makita ang totoong anyo ng taong mahal ko?"
I sighed. "Sorry but it's for my safety."
Napabuntong-hininga na lang siya. "I see. You don't trust me enough."
"Hindi naman sa ganun--"
"Then I'll have to earn your trust. I already have your heart. Madali na lang yun." Ngumisi na lang siya sa akin.
Napailing na lang ako. Siraulo talaga ito. Pero aiminin kong natuwa ako sa pahayag niya.
I looked at him and smiled. "Don't worry. Ipapakita ko sayo ang totoong ako. Not now, but sooner."
Napangiti na rin siya. "Ngayon ko lang napansin. Nagtagalog ka."
Maging ako ay nagulat. Ow. Hindi ko rin yun napansin agad. I guess magaan na ang loob ko sa kanya like what I feel with my gangmates.
BINABASA MO ANG
The Fallen Empress (Book 1) [COMPLETED]
ActionOne Empress. One Traitor. One accusation. One revenge. Ellisse is a typical kind of student with an interesting past. She's a gang leader. A leader with a painful past. Fell in love once, and betrayed at the same time. She's lost. She's on the run...