Ellisse POV
"Bumaba ka na, uy!" Pamimilit sa akin ni Kuya habang tinutulak-tulak ako.
Pilit ko namang sinasalubong ang pwersa niya para hindi niya ako mapababa. Kainis!
"Tsk. Dali na Ell! Malelate na kami! Hindi lang ikaw ang may pasok kaya bilisan mo na! Labas! Shoo! Shoo!" Dugtong pa niya at pinalalayas niya lang naman ako na parang aso.
Nandito kami sa kotse niya at sa back seat nakaupo ang tatlo sa kaibigan ni Kuya na sina Russell, Bret at Jun. Nakatingin lang silang tatlo sa amin tapos naiiling na lang. Sumabay lang kasi silang tatlo kay Kuya kaya ganyan sila. Siguro iniisip nila na malelate na sila. Boo them! Buy your own cars! Tsk.
At kanina pa kami nagbabangayan dito ni Kuya. Ayoko kasi pumasok, gusto ko muna magpahinga at isa pa, nakakatamad pumasok, makikita ko na naman ang maangas na lima. You know who I'm talking about.
Eto namang si Kuya, hindi maka-intindi ng salitang 'ayoko' kaya pinwersa niya ako kanina. Ginising ba naman ako sa pamamagitan ng paghila ng kamay ko para lang itayo ako. Tapos naligo lang ako dahil sa banta niyang hindi niya ibibigay ang one month allowance ko. At napilitan akong kumain ng breakfast dahil sinusubuan niya ako. Seriously!?
Gusto ko lang naman magpahinga kahit isang araw lang since kagagaling ko lang sa ospital pero sabi niya siyam na araw na daw akong tulog tapos gusto ko pang magpahinga. Ang baboy ko na daw. Hmph!
Nainis na ako sa pagtulak sa akin ni Kuya kaya wala na akong nagawa kundi lumabas na ng kotse niya. Padabog kong sinara ang pinto at naglakad hanggang sa nakapasok na ako ng gate ng Springfield.
"Ellisse!!" Narinig kong sigaw ni Kuya.
Bahala ka dyan! Mapaos ka kakasigaw!
Tuloy-tuloy lang akong naglakad at hindi siya pinansin.
Nagulat na lang ako dahil sa biglang pagsigaw ng mga babae sa campus. Kulang na lang maputol mga litid nila. Nakakarindi! Mga boses palaka! Aaahh! Ang sakit sa tenga!
'Kyaaahh!! Ang wafu! O-em! Aahh!!"
I tried to ignore them at tinuloy na lang ang paglalakad papunta sa building kung saan ang room ko pero nagulat na lang ako nang pumatong bigla sa isang balikat ko ang isang kamay mula sa likod.
"E.. E-Ellisse..." Hinihingal na sabi ni kuya nang lingunin ko siya.
Humalukipkip ako. Ano na naman kayang gagawin ng mokong na ito? Lalagyan siguro ako nito ng dog collar tapos kakaladkarin paputang room para masigurong a-attend ako ng klase. Hmph. Konti na lang talaga, bibigwasan ko na siya!
"Ano na naman ba?" Masungit kong tanong.
Nang makabawi na siya sa paghinga, umayos na siya ng tayo at inangat ang kamay niyang hawak ang...
BINABASA MO ANG
The Fallen Empress (Book 1) [COMPLETED]
AçãoOne Empress. One Traitor. One accusation. One revenge. Ellisse is a typical kind of student with an interesting past. She's a gang leader. A leader with a painful past. Fell in love once, and betrayed at the same time. She's lost. She's on the run...