Ellisse POV
"Nandito ka lang pala. Ang tagal kitang hinanap. Night Empress."
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig ko. Kahihiga ko pa lang sa kama nang marinig ko ang boses na yun. Hindi ako nagkakamali. Kilala ko ang boses na yun kahit matagal ko na iyong hindi naririnig.
"R-rex?" Bakas ang panginginig sa boses ko.
Lumingon ako sa paligid ng kwarto at nanlaki ang mata ko ng mahagip ng mga mata ko ang isang lalaking nakasandal sa pader malapit sa pintuan. Ngumisi siya nang mapansing nakatingin na ako sa kanya. I swallowed the invisible lump on my throat. He is holding something. Something sharp.
Napaatras ako nang unti-unti siyang lumapit. Gumuhit ang malaking ngisi sa mukha niya nang makita ang reaksyon ko. Napatayo ako sa kama nang gumuhit ang kaba sa dibdib ko.
"Afraid?" Parang nanunuya niyang saad.
Kinakabahan na ako. Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pawis mula sa noo ko. Wala akong kalaban-laban ngayon! Pagod ako sa lakad ko ngayon at isa pa, paano niya nalaman na ako at si Night Empress ay iisa!?
"Oras na para magbayad ka!"
Sa sinabi niyang iyon, dali-dali kong tinungo ang pinto ay tumakbo palabas. Hinabol niya ako. Muntik pa akong matalisod sa hagdan sa sobrang takot. Anong nangyayari sa akin? I shouldn't react like this!
"Kuya! Kuya!" Sigaw ko, umaasang marinig ni Kuya. Pero wala siya, bagay na ipinagtaka ko. Nasan siya!? Nasaan si Kuya!? Anong ginawa nila sa kanya!?
Mangiyak-ngiyak na ako habang bumababa ng hagdan. Lumilikot ang isip ko kung anong ginawa nila kay Kuya. Bakit wala siya, bakit hindi siya sumasagot sa tawag ko!? Bakit nakapasok si Rex dito!? Paano niya nalaman!? Hindi kaya sinabi ni Chaos? Eh paano nalaman ng lalaking iyon!?
Pakiramdam ko mababaliw na ako lalo na nang makarating ako sa sala ng bahay. Kahit madilim, kita ko ang limang bulto ng lalaki na nakatayo. Imbis na matuwa, nanginig ako sa takot. Paanong--!? Nandito rin ang Death Scythe para tugisin ako!?
Hindi na ako dumaan sa front door dahil sa kanila. Isa na lang ang maaari kong labasan. Ang back door!
"Wag ka ng tumakbo, Night. Mapapagod ka lang!"
Hindi ko siya pinansin at dali-daling tinungo ang backdoor. Paglapit ko dito, pinihit ko agad ang doorknob at binuksan ang pinto.
"Wala ka ng kawala."
Nanatili lang akong nakatayo ng buksan ko ang back door. Pakiramdam ko, nanigas ang paa ko at tinakasan na ng kulay ang mukha ko. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang kaba.
Nasa labas kasi ng pinto ang mga miyembro ng UA Breakers. Paglingon ko sina Rex naman at ang Death Scyhte ang nakaharap ko. Wala na nga akong kawala. Pinikit ko ng madiin ang mga mata ko. Hindi! Panaginip ito! Bangungot! Imposibleng malaman nila agad gayung hindi pa silang ginagawa!
BINABASA MO ANG
The Fallen Empress (Book 1) [COMPLETED]
ActionOne Empress. One Traitor. One accusation. One revenge. Ellisse is a typical kind of student with an interesting past. She's a gang leader. A leader with a painful past. Fell in love once, and betrayed at the same time. She's lost. She's on the run...