After nine days...
Enzo's POV
Lumipas ang siyam na araw pero hindi pa rin nagigising si Ell. Madalas pa nga akong magpuyat para lang mabantayan siya at sa oras ng paggising niya, ako agad ang makita niya.
Katulad ko, nagbabantay din dito ang mga katropa ko. Siyempre naging bahagi na rin si Ell sa mga buhay nila kahit parang ilang oras lang yung naging samahan nila. Minsan nga, papauwiin nila ako sa bahay at sila na daw ang magbabantay. Maaasahan ko talaga sila.
Hindi na naman nagtanong si Rex tungkol sa kanya. Nawala na siguro sa isip nun dahil sa banta ng grupong iyon. Hindi na rin siya halos makaalis sa UA dahil kailangang maging alerto. Peke naman kasi yung pagsugod na banta nila. Ang kaso, nalaman din nila na isa palang bagong mafia group ang isang iyon. Kaya ang banta nila, tinanggap bilang isang babala na hindi pwedeng balewalain.
Iniisip nga nila kung gagawin nilang mafia organization ang UA at papalitan ang pangalan. Meron rin kasi kaming maiimpluwensiyang kasama katulad na lang ni Chaos. Kung mangyari man yun, magkakaroon kami ng boss at hindi si Rex iyon. Kaya pinag-uusapan nila ang lahat.
Sinabihan din nila ako na wag na daw akong mag-alala tungkol doon. Pagtuunan ko na lang daw ng pansin ang bagong member ko. Kung alam lang nila na ang babaeng ito ay ang target nila, malamang hindi nila masasabi iyan. Pero siyempre, wala akong balak ipaalam.
Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto. Nakng. Gumising ka na naman, Ell! Nagsasawa na ako sa puting kwartong ito!
Tumayo muna ako at pumunta sa table dito. Nagugutom na ako at ako lang mag-isa ang nandito. Pumasok kasi ang mga kasamahan ko. Kahit naman basagulero kami, may pangarap pa rin kami sa buhay no! Pero siyempre, uunahin ko muna si Ell. Yakang-yaka ko naman ang mga subjects ko eh!
Kumuha ako ng masanas sa mesa at binalatan. Grabe, ito na naman. Sa loob ng siyam na araw, wala na akong kinain kundi ang mga prutas dito. Saka gustuhin ko nang kumain ng iba o magluto, hindi ko naman maiwanan ang babaeng ito.
"Kahit kelan talaga ang takaw mo Kuya!"
Nabitawan ko ang mansanas at dali-daling lumingon para lang makita ang nakaupo, nakahalukipkip at nakasimangot na si Ell.
"Ellisse!!" Tumakbo agad ako sa kanya at binalot siya ng yakap. "Namiss kita!!" Yes! Sa wakas! Mawawala na sa paningin ko ang nakakatakot na puting kwarto na ito at higit sa lahat, makakain na ako ng ayos!
Siyempre, joke lang iyon! Namiss ko lang talaga ang kapatid ko.
"Ack! Ku-kuya!! I can't breathe!"
Ay.
Dali-dali ko naman siyang binitawan. Tinititigan niya ako ng masama. Napakamot tuloy ako sa batok. Masama bang makamiss? Tsk.
BINABASA MO ANG
The Fallen Empress (Book 1) [COMPLETED]
AksiOne Empress. One Traitor. One accusation. One revenge. Ellisse is a typical kind of student with an interesting past. She's a gang leader. A leader with a painful past. Fell in love once, and betrayed at the same time. She's lost. She's on the run...