Ellisse POV
Napaiwas na lang ako nang tingin sa folder na nakabuklat sa sahig sabay buntong-hininga. Pinatong ko ang hawak kong cellphone sa may bintana at sumulyap sa labas.
Naalala ko na naman siya. Alam kong hindi dapat pero bumabalik lahat sa isip ko. At masakit para sa akin na alalahanin ang lahat makalipas ang tatlong taon.
Napabuntong-hininga ulit ako sabay tingin sa nakabuklat na folder sa sahig. Lumapit ako dito para pulutin at naupo ulit ako sa kama ni Kuya.
Pinasadahan ko ng aking mga daliri ang imahe niya. Pinagmasdan ko din ang mukha niya na seryosong-seryoso. Bukod dun, wala nang nagbago pa sa kanya.
Ibinato ko ang folder sa katapat na pader at sinabunutan ang aking sarili. Tingin ko'y nababaliw na ako! Bakit ba kasi ang tindi ng tama ko sa lalaking iyon!?
Pabagsak akong humiga sa kama sabay pahid sa mga luhang umaagos mula sa mga mata ko. I shouldn't feel this way. Hindi ko na dapat siya iniiyakan pa.
Hindi ko na dapat iniiyakan ang lalaking nag-utos na habulin ako nung gabing yun...
Hindi ko na dapat pinag-aaksayahan ng luha ang lalaking nag-utos na sugurin ako sa aking teritoryo para ipapatay...
Hindi ko na dapat inaalala ang lalaking dahilan ng pagkamatay ng mga gangmates ko...
Hindi... Hindi na dapat. Pero ano 'to?
Dapat isinusumpa ko na siya. Dapat nagpaplano na ako para patayin siya just to get even and avenged my members' death. Pero hindi... Dahil alam kong wala siyang alam.
At hindi ko din matanggap na hindi siya naniwala sa akin gayung kanang kamay ko siya noon.
Tama. Si Rex ang kanang kamay ko. Ako na nangunguna noon sa ranking ng UA sa loob ng tatlong taon.
At lalong hindi ko matatanggap na hindi siya naniwala sa akin. Sa akin na girlfriend niya noon...
***
Flashback
Tandang-tanda ko pa ang mga araw na ako pa ang namumuno sa UA. Kung tutuusin, sobrang bata ko pa nun at hindi pa dapat ako nakapapasok sa ganung klase ng organisasyon.
Tingin nila, ang mga nararapat para sa babaeng labing-dalawang taong gulang na katulad ko ay mag-aral ng piano, matutong magballet, matutong umawit at kung anu-ano pa. Pero mas pinili kong maging gangster. Hindi para maging mayabang. Mayroon akong dahilan noon kaya ko pinasok ang mundong ito.
Tutol ang pamilya ko sa pinasok ko noon. Sobra nila akong pinagalitan. Pero hindi ako nakinig. Umabot pa sa puntong nag-rebelde ako dahil sinubukan nila akong ikulong sa bahay. Kaya't wala na silang nagawa kundi ang hayaan ako sa gusto ko.
BINABASA MO ANG
The Fallen Empress (Book 1) [COMPLETED]
AcciónOne Empress. One Traitor. One accusation. One revenge. Ellisse is a typical kind of student with an interesting past. She's a gang leader. A leader with a painful past. Fell in love once, and betrayed at the same time. She's lost. She's on the run...