Avril POV
"Avrillll!!!"
Umalingawngaw iyon sa buong hallway kaya naman ay agad akong napalingon. Si Selena ang tumatawag sa akin.
Sa sobrang bilis ng pagtakbo niya papunta sa akin ay hindi niya alintana ang mga taong nababangga niya. Halatang wala siyang pake kahit na magkaroon siya ng kaaway.
"Avril!!" pag-uulit niya habang hangos na hangos dahil sa ginawa niyang pagtakbo.
Ako naman ay napatakip ng tenga dahil sa lakas ng boses niya. Para siyang nakalunok ng speaker.
"Bakit?" tanong ko ng siya ay mahimasmasan.
"Have you heard the news?" She asked while clapping. Halatang napakasaya niya at napaka-excited. Umiiral na naman ang pagiging gossip girl niya.
Napabuntong-hininga ako pagkatapos ay tumango.
Ang tinutukoy niya ay ang bali-balitang break up nina Adam at Miley. Nalaman ko iyon dahil iyon ang hot topic dito sa Wrecking Ball High maghapon. Kahit saan ka magpunta ay maririnig mo ang bulong-bulongan tungkol sa kanila. Baka trending na rin sila sa Twitter ngayon. Macheck nga mamaya.
Talagang pagchichismisan iyon ng buong school dahil silang dalawa ang Royalty Couples, ang King and Queen ng eskwelahan. Nakikita naman namin na masaya sila kaya nagulat ang karamihan ng pumutok ang balitang hiwalay na sila. Wala yata talagang FOREVER mga bes.
"Anong plano?" kanyang tanong habang nakangiti ng malapad. I already knew what she was thinking.
Hindi muna ako sumagot. Mas hinigpitan ko na lamang ang pagyakap sa mga gamit ko at pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad palabas ng school building namin.
"So ano na?" paghihimutok ni Selena habang nakatitig sa aking mukha. Sumunod na rin siya sa paglalakad dahil same way naman kami ng uuwian.
Bumuntong-hininga akong muli. "I don't know." I honestly answered kasi iyon naman talaga ang totoo.
"Ano ka ba!?" sigaw niya pagkatapos niya akong paluin.
"Aray!" sabi ko naman habang tinitignan ko siya ng masama. Ang sakit kaya ng palo niya. Napakalapad kasi ng mga kamay niya. "Kailangan talaga mamalo? Nanay kita? Nanay?!"
"Sorry!" tumawa siya ng mahina habang nagpipeace sign. "Gusto ko lang naman sabihin kasi na this is your chance my dear friend! Admit that you like him!" bulalas niya.
Napatitig tuloy ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ako aamin? Hindi ba niya alam ang sinasabi niya? Hindi ganoon kadali ang pag-amin na may gusto ka sa isang tao. Nakakatakot ang umamin. Masakit ang mareject. Ang malala pa ay ang nakamamatay na awkwardness na mamamagitan sa aming dalawa ni Adam kapag nalaman niyang may gusto ako sa kanya, kaya hindi! Kahit single siya ay hinding-hindi muna ako aamin sa kanya. Kuntento na akong natatanaw ko siya sa mula sa malayo. Masaya na ako doon.
"Huwag na.." sabi ko na lamang habang pumapara ng tricycle.
Nakita ko ang bahagyang paglungkot sa mga mata ni Selena. Alam ko kasi na gustong-gusto niyang maging kami pero gaya nga ng sabi ko ay kuntento na ako kung anong meron kami ni Adam ngayon. Kesa naman mabago ang lahat kapag nalaman niya ang totoo.
"Hindi ka pa ba sasabay sa akin?" Tanong ko kay Selena ng tumigil ang kulay blue na tricycle sa aming harapan. "Naghihintay si manong."
Umiling siya habang nakangiti ng napakalapad. "Magkikita kami ni Justin sa may labas. Mamasyal lang kami."
Ngumiti na rin ako ng makasakay. "Good for you. Mag-enjoy kayo ha?! Siyanga pala, magdala kayo ng condom." Biro ko dahilan para matawa rin so manong driver.
"Sira!" Biglang namula ang kanyang mukha.
"I'm serious" sabi ko habang nagpipigil ng tawa.
Syempre kailangan nila ng condom dahil baka bigla silang mag-init. For safetiness at para di siya mabuntis. Kawawa din naman itong friend ko kung magiging mudra ng napakaaga. Di pa bagay sa kanya. Isa pa ay napakahirap ng buhay ngayon.
"Sige na umalis ka na nga!" Bugaw niya sakin pagkatapos ay binalingan niya ang driver. "Kuya, ihatid mo na nga iyan."
"Sige! Bye!" Kumaway pa ako sa kanya.
Bago kami makaalis ay nagsalitang muli si Selena. "Aminin mo na Avril. Baka sa bandang huli ay magsisi ka."
Napadila na lang ako habang papaalis itong tricycle. Nang makalayo ay napasandal ako. Kailangan ko bang gawin iyon?
Thank You For Reading!
Vote and comments! <3
A/N: This story is dedicated to all little blackstars out there from the Philippines! Let's support Avril Lavigne for her new upcoming album! :) BTW, this will only be a short story.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending (COMPLETED)
Short StoryKung mahal mo ang isang tao sabihin mo na dahil baka magsisi ka kapag huli na.