Avril POV
Nagkwentuhan pa kami ni Adam ng medyo matagal-tagal. Pagkatapos ng masayang time kasama siya ay nauna na akong bumaba.
Pinapauna niya ako dahil baka daw may makakita sa amin. Syempre, ayaw ko din namang matsismis. Kapag nalaman ng ibang girls ang nangyari sa amin ngayon ni Adam ay tiyak na kakalbuhin nila ako. Madami kasi talagang nagkakagusto sa kanya. Napakagwapo niya kasi at napakabait pa. Kinikilig na naman ako habang iniisip siya.
Bago makarating sa pinakababa ay kinuha ko muna ang aking cellphone sa may bulsa. Wallpaper nun ay si Adam, stolen ba.
To: BFF Shawnggoy.
Where na u? Uwi na tayo.
Sent!
Pagkatapos kong matext ang kolokoy kong best friend ay ibinalik kong muli ang cellphone sa bulsa ko at itinuloy na ang paglalakad. Maya-maya ay may naaninag akong isang rebulto ng taong nakasandal sa may pader na akala mo ay may pictorial.
OMG! Si Miley!
At base sa itsura niya ay mukhang hindi siya masaya. Beastmode ba kumbaga. Taray talaga ng kilay niya.
Balak ko sanang huwag na lang siyang pansinin kahit na nakatitig siya sa akin ng napakasama pero wala akong nagawa ng hatakin niya ako at isandal sa malamig na pader. RIP bones, angsakit!
"Nagkita ba kayo ni Adam?" Agad niyang tanong. Yung lips niya red na red. Nivea brand cherry flavor. Nakita ko kasi noon.
"Hindi ah! Bakit naman kami magkikita?" Pagsisinungaling ko sabay iwas ng tingin.
"Alam kong nakita kayo" binitawan niya ako bigla pero wow lang kasi alam niya pala pero tinatanong pa niya.
Hindi na ako nakapagsinungaling pa ng ipakita niya sa akin ang isang footage na nag-uusap kami sa taas kanina. Scandal agad diyos ko! Wala pa ngang nangyayari sa amin.
"Layuan mo na siya habang maaga pa!" Utos niya.
Feeling ko ay nakame-hame wave ako dahil hindi ako makaiimik sa sinabi niya. Hindi dahil sa utos niya kundi sa pananalita niya. Malumanay at parang may gusto siyang ipahiwatig. Yes! Hindi siya galit. O baka naman nabingi lang ako?
"Makabubuti iyon sa iyo" dagdag pa niya.
Natameme na lang ako habang papaalis siya bitbit ang kulay red at mamahalin niyang bag. Ano kayang meron? Aba, mysterious ang ex ng destiny ko.
--
Paglabas ko ng building ay hindi pa rin mawala sa isipan ko iyong sinabi ni Miley. Bakit kailangan kong lumayo? Wala pa ngang nangyayari lalayo kaagad? Pero nakapagtataka lang kasi parang binabalaan niya ako in a good way.
Nakakainis! Nakakasakit ng ulo. Para di masira ang mood ko ay tumitig na lamang ako sa bracelet at ngumiti. Basta nasa akin ito magiging okay ang lahat.
Muli ay tumingin ako sa phone ko. Wala pang reply si Shawn. Asan na ba iyon? Idinayal ko ang numero niya ngunit nagriring lang at hindi niya sinasagot. Ano bang ginagawa niya?! Pagtingin ko sa oras ay lampas alasingko na. Kakain pa kami sa lomihan ni manang Beyonce.
Linibot ko ang buong campus at nakita ko siya sa may building ng mga sophomores.
May GOD! Malantod din itong best friend ko at nakikipaglandian pala sa isang second year student. Kaya naman pala todo gel siya ng buhok kaninang umaga.
Hindi ko alam pero biglang naningkit ang mga mata ko sa aking nakita. Para bang isang kuto na gusto kong pisitin ng bonggang-bongga iyong estudyante. Akin dapat ang oras na iyon!
"Shawnggo!" Sigaw ko.
Agad naman siyang napatingin pagkatapos ay bongga! Binugaw lang niya ako. Ano ako langaw?
Kaysa naman maghintay pa ako at makita ang kalandiang ginagawa niya which is nakaka eye sore ay tumalikod na ako at naglakad paalis. Uuwi na lamang ako. Nakakainis lang kasi tawa sila ng tawa with matching papalo-palo pa sa arms ni Shawn. Imbyerna lang mga bes!
Lumabas ako ng school area at mas pinili na lamang maglakad pauwi. Mas okay na rin ito dahil makakaehersisyo ako. Kailangan ito ng mga buto-buto ko.
Malayo na rin ako sa school ng bigla kong marinig na may sumisigaw sa pangalan ko. Hindi si Selena this time kundi ang onggoy slash kolokoy kong bestfriend. Buti naman at naisip pa niyang umuwi.
"Bakit naglakad ka? Bakit hindi mo ako hinintay?" agaran niyang tanong pagkatapos prumeno sa harapan ko.
"Tse! Hintayin? E, busy ka sa pakikipaglandian dun sa isang sophomore. Ayokong mamuti ng tuluyan ang mga mata ko" sagot ko naman. Mataray lang ang peg!
"Uh, si Arianna ba?"
Hindi na lang ako sumagot at wala akong pake kung Arianna man ang pangalan niya. FYI lang hindi ko naman tinatanong.
"Lumayo ka nga sakin! Tadtad ka ng pawis. Nangangamoy kalakal boys ka na naman!" Sita ko pagkatapos ay itinuloy ko ang paglalakad. Wala akong balak umangkas sa kanya ngayon.
"Grabe ka naman!" Napakamot siya ng ulo habang sinusundan ako. "Syempre, nagmadali akong habulin ka kaya pinagpawisan ako. Sakay na!"
"Tse!" Muli kong sagot. "Amoy kalakal!"
"Teka, huwag mong sabihing nagseselos ka sa kanya?!" Bulalas niya.
Agad ko naman siyang hinarap dahilan para bigla siyang mapapreno. Muntik pa siyang bumaliktad.
"Ako? Magseselos?" Sinundan ko iyon ng isang napakalutong na halakhak dahil mukhang nagpapatawa itong si Shawn.
As if naman mangyayari iyon. Kung mangyari man iyon ay dahil naiinis akong inagaw niya ang oras na sana ay para sa akin.
Isa pa ay si Adam ang gusto ko. Si Mr. Perfect. Si tall, white, handsome, super handsome at super duper handsome na si Adam.
"Hinding-hindi ako magkakagusto sa iyo" pinagdiinan ko ang mga katagang iyon kaya nakita ko ang bahagyang pagkawala ng kulay sa kanyang mga mata. Nalungkot ata siya pero wapakels ako kahit masaktan siya dahil iyon naman ang totoo. I know myself very well.
"Grabe ka naman!" Nasabi na lamang niya.
"Talaga!" Tinalikuran ko na siya at nagulat na lamang ako ng bigla siyang dumaan ng napakabilis sa tabi ko.
Ang loko! Iniwan talaga niya ako. Bigla at mas lalo tuloy akong nabeast mode.
Thank You For Reading!
Vote and comments! <3
BINABASA MO ANG
My Happy Ending (COMPLETED)
Short StoryKung mahal mo ang isang tao sabihin mo na dahil baka magsisi ka kapag huli na.