Chapter 10

33 5 0
                                    

Avril POV

Pagmulat ko ng aking mga mata ay agad kong narealize na nasa hospital na ako.

"You're awake." Nakangiting bungad ni Selena.

Kahit na nakangiti siya ay alam kong nag-aalala siya sa nangyari sa akin.

"What happened?" Tanong ko pagkatapos ay bumangon ako at sumandal sa headboard ng higaan.

"That stupid jerk tried to rape you!" Maluha-luha niyang sagot.

Ay! Oo nga pala. Napangiti na lang ako ng mapait.

"I'm sorry Avril!" Agad niya akong niyakap pagkatapos ay humagolgol. "Hindi dapat kita pinagtulakan sa kanya. Muntik ka ng mapahamak."

Imbes na maiyak dahil sa sinabi niya ay natawa na lang ako. Siguro ito ang napapala ng mga taong padalos-dalos.

"It's not your fault" alo ko sa kanya habang niyayakap siya at hinihimas-himas ang kanyang likod. "Ginusto ko iyon kaya dapat sarili ko ang sisihin ko."

"Kahit na may kasalanan pa rin ako" giit niya.

Tumigil siya sa pag-iyak at tumingin sa mga mata ko.

"What?" I asked.

"Alam mo ba kung sino ang nagligtas sa iyo?" Tanong niya habang nagpapahid ng kanyang luha.

Umiling ako at napapikit. Pagkatapos kong makaramdam ng panghihina ay malabo na sa aking isipan ang mga nangyari.

"It was Shawn" sabi niya. "He risked his life saving you."

Agad akong napamulagat at deretsung tumingin sa kanya.

"Totoo.." Sabi niya. "His the one who saved you."

Napahawak na lamang ako sa aking ulo. After what I did to him, nagawa pa rin niya akong iligtas. Kahit na hindi ako naniwala sa kanya. Kahit na inaway ko siya ay hindi pa rin niya ako iniwan.

"Iyong babae? Sino iyong babaeng kasama niya?" Tanong ko. I'm sure it was a girl.

"Si Miley."

"But why?" Bigla akong naguluhan dahilan para mapabuntong-hininga ako. "Bakit nandon silang dalawa? Dahil ba sila na talaga?"

"Hindi, wala silang relasyon ni Shawn" sabi niya.

Bigla tuloy akong nabuhayan ng loob. Naramdaman ko na lamang ang labis na tuwa sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.

"How can you say that?" Tanong ko pa rin.

Napabuntong-hininga rin siya. "Because they were trying to catch Adam."

--

Pagbaba ko ng tricycle ay huminga muna ako ng napakalalim.

I'm standing in front of our house. Bigla akong napadasal na sana ay hindi ako mapagalitan dahil sa hindi ko pag-uwi kagabi.

Well, sa hospital na ako natulog. Sinabi na lamang ni Selena kina mama gamit ang text na natulog ako sa kanila. Pero di ko pa rin alam ang mangyayari dahil hindi ako mismo ang nagpaalam.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Nadatnan kong nag-aalmusal na ang parents ko.

"Halika na anak" tawag sa akin ni mommy.

Kahit na natetense ako dahil baka malaman nila ang nangyari sa akin kagabi ay ngumiti pa rin ako ng bonggang-bongga.

"Busog pa ako ma. Kumain na ako kina Selena." Pagsisinungaling ko.

This is called white lie. Napangiwi na lang ako.

Pagkatapos kong humalik sa pisngi ng parents ko ay umakyat na ako ng kwarto ko. Dumiretsu ako ng banyo at nagtoothbrush ng ilang ulit. Nagmouth wash din ako. Gusto kong mawala sa bibig ko ang kababuyang ginawa sa akin ni Adam. Tinanggal ko din ang bracelet at itinapon ko sa basurahan.

Nang matapos ay tumungo ako sa baba ng aking kama. Umupo at niyakap ang dalawa kong tuhod.

Hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Ang taong minahal ko ng ilang taon ay isa pa lang dakilang manyakis! Ganito pala kapag nabrobroken hearted. Napakasakit! Ang masakit pa ay narealize ko ngayong napakatanga ko. Walang silbi ang pagiging matalino ko dahil nagiging bobo at bulag ako sa pag-ibig.

"Adam is a rapist.." panimula ni Selena. "His doing things for past 3years here in Wrecking Ball High. Ang mga mahilig niyang ginagahasa ay iyong mga gaya nating hindi pansinin sa school.."

"What do you mean?" I frowned.

"Kung sasabihin mo bang ni rape ka ng gaya ni Adam sa tingin mo ba ay maniniwala ang ibang tao? Hindi diba? Dahil ang mga gaya natin ay hindi nababagay sa isang tulad niya."

Biglang naging malinaw sa akin ang lahat. It was the reason why he approached me. Dahil walang nagkakagusto sa akin. At malamang hindi talaga sila maniniwala kung gaya ni Adam ang isang rapist. Isang gwapo at perfect na tao.

"Gaya ng sabi ko sa iyo kanina ay walang relasyon si Shawn at Miley. Nagkampihan lang sila! They were trying to caught in the act si Adam and they succeed."

Napatango na lang ako habang naiiyak. So everything Shawn did is for me.

"Pero papaano kung balikan ni Adam so Shawn?" Hindi ko tuloy maiwasang ang mag-alala. "Mayaman sina Adam kaya marami siyang alam na makakatulong sa kanya."

Umiling siya. "Sa tingin ko ay hindi. Meron silang ebidensya. Miley recorded everything. Kaya sa tingin ko ay hindi n babalik pa si Adam sa school. Binantaan na siya ni Miley."

Nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman kung ganoon.

Hindi ko tuloy maiwasang mainis sa sarili ko. Pinagtulakan ko palayo ang mga taong tutulong pala sa akin.

Masyado akong naging makasarili. Masyadong naging bulag sa nakatagong katotohanan. Dumating pa sa puntong nakagawa na ako ng mali.

Napaigtad ako mula sa malalim na pag-iisip ng may kumatok sa kwarto ko.

"Bukas iyan" sagot ko.

Si mama pala. Pumasok siya bitbit ang isang lumang shoe box.

"Ano iyan ma? Binilhan mo ba ako ng bagong sapatos?" Biro ko dahil obvious namang hindi dahil luma nga iyong box di ba?

"May nagpapabigay" sagot ni mommy pagkatapos niyang ilapag iyon sa harapan ko.

"Sino?!" Kunot noo ko namang sagot.

Wala naman akong ibang friends aside sa best friend ko at kay Selena.

"Si Shawn, aalis na daw kasi sila dito sa Santa Monica. Ewan ko ba kung bakit biglaan."

Napatayo ako habang gulat na gulat.

Hindi maari. Hindi maaring malayo si Shawn sa akin. Dahil sa puntong ito ay alam kong may dapat akong sabihin sa kanya.

Thank You For Reading!

Vote and comments! <3

My Happy Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon