Chapter 7

31 7 0
                                    

Avril POV

"Ang ganda.." patuloy na pagpuri ni Selena sa aking bracelet. "Totoo bang binigay iyan ni Adam sa iyo?"

"Oo, di ka ba naniniwala?" Pang-iinggit ko sa kanya.

"Hindi, mukha kasing napulot mo lang sa daan" sagot niya kaya tinitigan ko siya ng masama. "Joke lang! Naniniwala ako" agad niyang bawi.

Ano kayang tingin nito sa akin sinungaling? Eh, ayaw ko nga sa taong sinungaling.

"Pero alam mo ba ang ibig sabihin ng bracelet na may heart pendant?" tanong niya pagkatapos ay umayos siya ng upo at tuwirang tumitig sa akin.

Nangunot ang noo kong hindi naman kakinisan dahil sa sinabi niya. Mayroon pa lang ganon? Ngayon ko lang alam.

"Hindi ko alam" sagot ko. "Mukhang hindi naman na importante" dagdag ko pa. Ang importante ay masaya ako.

"Ibig sabihin niyan ay pag-ibig. Nagpapahiwatig ito ng pagmamahal. Sa tingin ko ay gusto ka rin ni Adam."

Agad na namilog ang aking mga mata. "Hindi nga? Iyon ba talaga ibig sabihin nun?"

Tumango siya. "Nabasa ko minsan sa may library."

Bumuntong-hininga ako ng napakalalim kahit na deep inside ay tuwang-tuwa ako. Kung totoo iyon ay ibig sabihin ay maaaring maging kami.

"Pero bakit wala siyang sinasabi?" Tanong ko pagkatapos ibalik ang tingin sa bracelet na nakakabit sa kamay ko.

"Kaya diba sabi ko na sa iyong ikaw na ang unang umamin? Baka iyon ang hinihintay niya!" Napakamot pa siya ng ulo.

Maaring tama nga si Selena. So, kailangan ko na talagang magtapat? Iyon lamang ang paraan para nalaman namin ang totoo.

"So, anong gagawin mo?"

"Magtatapat na ako" buong tapang kong sagot. "Aamin na ako sa kanya!"

"Yehey!" Tuwang-tuwang saad ni Selena habang niyayakap niya ako. "Goodluck sa iyo!"

Tumango ako at nagpasalamat sa suportang binigay niya. Huminga ako ng malalim. I know I can do it! Alam ko ring magiging maganda at maayos ang lahat.

"Bakit napakasaya niyo?" Salubong na tanong ni Shawn.

Di ko namalayan na nandito pala siya sa loob. Wala naman akong paki muna sa kanya eh. Naglakad pa ako kaninang umaga.

"Wala kang pake don" giit ko pagkatapos ipasok sa bag ang mga kwaderno at iba pang gamit ko.

"Kain tayo! Libre ko" sabi niya habang todo ang ngiti. Karne pa ata ng manok iyong nasa pagitan ng ngipin niya.

"Ayoko! Di ako nagugutom" sagot ko.

"Teka lang nag-away ba kayo?" Tanong ni Selena habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Ewan ko diyan. Nireregla na naman yata." Sagot ni Shawn dahilan para batuhin ko siya ng ballpen.

"Tumahimik ka nga diyan!" Singhal ko.

This is no time for a joke. Di kami bati kaya hindi nakakatuwa.

"Tignan mo para siyang nireregla di ba?" Patuloy ni Shawn dahilan para mapahagikgik si Selena.

"Pero hindi naman ako ganyan" panggagatong naman nitong isa.

Ang sarap-sarap tuloy nilang pag-unttogin.

"Pero bakit kaya siya ganyan?" Si Shawn.

Patuloy lang sila sa pagbibiro sakin pero di ko na sila pinansin pa. Ang kailangan kong isipin ay iyong pagkikita namin ni Adam mamayang hapon sa may rooftop.

My Happy Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon