Chapter 5

37 8 0
                                    

Avril POV

"Avril! Avril!"

Sigaw ni Selena habang patakbong lumalapit sa akin kaya hayan hingal na hingal na naman siya. Wala na bang bago sa kanya? Lagi na lang ganito ang entrada niya.

"Bakit?!" Tanong kong nakanoot noo.

Bago siya sumagot ay ngumiti siya ng napakalapad. Ano bang meron? Mukhang napakasaya niya. Itinuloy ko na lamang ang ginagawa kong pagbubura sa blackboard.

"May nagpapabigay nito."

Tumingin ako sa iniaabot niyang kulay puting bagay. Isa iyong papel na nakatupi.

"Kanino galing?!" Tanong ko ng matapos ako sa aking ginagawa.

"Kay Adam!" Kinikilig niyang sagot. "Love letter yata."

Napanguso naman ako. Bakit naman niya ako bibigyan non?

"Dalian mo na para mabasa natin!" Mas excited pa siya sa akin. Di ba pwedeng sariling love life na lang niya ang isipin niya?

"Bakit natin? Ako lang!" Sabi ko naman sabay talikod sa kanya palayo subalit hinatak niya ako.

"Please?" Pagsusumamo niya habang nagpapacute.

"Sige na nga!" Sabi ko pagkatapos ay binuklat ko iyong papel.

See me in the rooftop <3

"Omg.. Nakikipagkita siya sa iyo" tili ni Selena pagkatapos ay nagtakip siya ng kanyang labi. Kilig na kilig na talaga.

"Sigurado ka bang sa kanya galing ito?" Paninigurado ko. "Baka nagkakamali ka lang at pinagtriripan lang ako ng ibang tao."

"Oo naman!" Nag-swear sign pa siya. "Siya mismo nagbigay sakin niyan. Ano kayang meron no?" Kunot-noo niyang tanong.

As if naman alam ko din. Ako nga rin ay naguguluhan din. Ano naman kasi ang sasabihin niya at bakit sa may rooftop pa?

"Baka magtatapat siya sa iyo" nakangiting giit ni Selena dahilan para bumuka ng malaki ang aking mga mata.

"Ano ka ba!" Sabi ko sabay palo sa kanya. "Malayo naman yatang mangyari iyon" dagdag ko pa habang tumatawa ng malakas. Napatingin pa iyong mga nasa labas. Kris Aquino laugh kasi as in ha..
Ha.. Ha..

"Kunwari ayaw pero kinikilig naman." Sabi niya kaya tumigil ako sa pagtawa. Medyo OA lang kasi.

Tumitig akong muli sa papel at hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi naman April Fools day ngayon.

"Ang ganda ng sulat kamay niya no?" puri ni Selena na sa ngayon ay nakatitig ring muli sa sulat.

"Oo" sagot ko na lamang.

Pati ba naman sulat ni Adam napakapogi din. Napakaperfect naman niya masyado.

"So, papaano? Pupunta ka ba?" Curious niyang tanong.

Tumango ako. Syempre naman, oo. Nakakacurious lang kasi.

--

Huminga muna ako ng malalim pagkatapos ay kinapa ko ang aking puso bago ko pihitin ang malamig na seradura ng pintuan. Sa ngayon ay hindi naman ako kinakabahan, ewan ko lang kapag nakaharap ko na mag-isa si Adam.

Pagbukas ko ng pintuan ay agad na bumungad sa akin si Adam. Bagama't nakatalikod siya sa akin ay alam kong siya iyon. Pati kasi likod niya ay kabisado ko na rin. Pati ata size ng paa niya at buhok niya sa kili-kili ay alam ko kung ilang piraso.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Hindi ko alam ang aking gagawin dahil bigla akong tinubuan ng hiya. Tumikhim na lamang ako.

"You're here!" Nakangiti niyang bati dahilan para mapatulala ako.

Suot niya ang school uniform ng Wrecking Ball High. Dahil doon ay mas lalong lumitaw ang pagiging gwapo niya. Sa lahat ng lalake dito sa school ay sa kanya lang nababagay ng labis ang uniporme. Napakalinis niyang tignan gaya ng buhok niyang bahagyang nakabrush up.

"Oo.." Mahina kong bigkas pagkatapos akong tumabi sa kanya.

Sa ngayon ay parehas kaming nakatingin sa ibaba, sa mga estudyanteng nakatambay at naglalaro.

"Belated happy birthday!" Masaya niyang turan.

Napatingin ako sa kanya. Papaano niya nalaman?

"Sinong nagsabi sa iyo?" Tanong ko.

"Uh.. Basta alam ko lang" nakangiti niyang sagot.

Sa totoo lang ay hindi ako makapaniwala lalo na ngayon at magkasama lang kaming dalawa. Walang stalker. Walang fan girl o fan gay. Dahil sino ba naman ako para sa kanya?

"Para sa iyo ito."

Iniabot niya sa akin ang isang maliit na kahon na may kulay pink na pabalat. Hindi naman siguro ito engagement ring diba? Charot!

"Ano ito? Dapat ay hindi ka na mag-abala pa" sabi ko.

"Buksan mo" utos naman niya.

Napahigpit ang hawak ko sa maliit na box habang kinakabahan.

"Hindi iyan singing pero magugustuhan mo iyan" sabi pa kaya napayoko ako.

Nahiya tuloy ang Lola niyo. Masyado bang halata sa pagmumukha ko?

Binuksan ko ang binigay niyang regalo at tumambad sa akin ang kulay silver na chain. Isang chain na may heart pendant.

"Ang ganda..." Mangha kong bigkas. Ngayon lang may nagbigay sa akin ng ganito. Well, di naman ako mahilig pero bakit ang saya-saya ko?

Kinuha niya iyon at isnuot sa nanginginig kong kamay.

"Bagay sa iyo.." puri niya pagkatapos niyang maisuot.

"Salamat.." naiiyak kong turan. Hindi ko kasi inaasahan.

"Belated Happy Birthday ulit!" nakangiti niyang bigkas.

Pakiramdam ko dahil sa nangyari ngayon ay mas lalo akong nagkagusto sa kanya.

Thank You For Reading!

Vote and comments!

My Happy Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon