Avril POV
Nagising ako dahil sa mumunting katok na nagmumula sa labas ng aking silid.
"Anak nandito si Shawn" boses iyon ng aking pinakamamahal na mommy.
"Opo," sagot ko habang kinukusot ko ang aking magkabilaang mata. Teka, anong oras na ba?
Alasais na pala ng hapon. Masyado akong napagod sa school kanina kaya di ko napansing nakaidlip pala ako. At sa pag-idlip ay muli ko na namang napanaginipan ang araw kung saan kami nagkakilala ni Adam.
Nag-inat ako at tumayo. Ano na naman kaya ang ginagawa ni Shawn ngayon? Malapit ng maghaponan ha? May balak na naman bang makikain samin ang kolokoy na ito?
Pagbukas ko ng pintuan ay agad ko siyang nabungaran na abala sa pagkalkal sa sariling ilong. Eiw! As in. Nangungulangot siya. Talaga namang nakakadiri. Pagkatapos niyang makakuha ng dumi ay binola-bola niya iyon at ipinitik lang kung saan. Dogyotin talaga. Magkakalat pa siya dito sa bahay.
"Oh, bakit anong kailangan mo?" Tanong ko habang humihikab. Inaantok pa rin kasi ako.
"Pakopya ako ng assignments natin" agad niyang sagot habang nagpapuppy eyes. Di naman bagay sa kanya.
Napabuntong-hininga ako ng napakalalim. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa tamad na gaya niya? Napapaisip tuloy ako kung papaano kami naging magbestfriends. Lahat ng talento ko ay kabaliktaran ng sa kanya.
Kinuha ko iyong bag ko para kunin ang hinihiling niya. Nang makuha ay inihampas ko iyon sa mukha niya dahilan para siya ay mapaaray. Mas mabuti na rin iyon para magising siya sa realidad.
"Huwag mong kopyahin lahat ha?" Paalala ko pagkatapos maupo sa upuang nasa tapat niya. "Magtataka sila kung bakit mataas ang makukuha mong score. Boplaks ka pa naman" sabi ko pa kasi iyon naman ang totoo.
"Grabe ka naman" saad naman niya.
Nang tumingin ako sa kanya ay nakasimangot na siya habang abala na sa pagkuha ng larawan sa assignments namin. Tamad talaga.
"Oh eto! Salamat!" Ngiting-ngiti niyang sagot habang iniaabot sa akin ang kwaderno ko.
"Alam kong inulam mo" sabi ko.
"Ano?" Tanong naman niya habang nagtatakip ng bunganga na para bang sisingaw ang amoy ng kinain niya.
"Malunggay?" Confident kong sagot dahil nakita kong nakadikit iyon sa ngipin niya.
Tumawa siya ng napakalutong. "Mali! Kahapon pa kaya iyon!"
Hindi na lang ako umimik sa sinabi niya. Diyos ko naman! Uso magtoothbrush.
"Gusto mo bang lumabas ngayong gabi?!" Maya-maya ay tanong niya habang nag-iinat. Rinig ko pa ang paglagutok ng mga buto niya.
"Saan naman?" Tamad kong tanong.
Obvious namang diyan lang sa labasan para mailibre niya ako ng tigpipisong betamax kapalit ng pangongopya niya ng assignment namin.
"Basta.." pabebe naman niyang sagot.
Nginisian ko siya pagkatapos ay tumingin ako sa labas ng bahay. "Ayoko, nakakatamad."
"Paano kung sabihin kong mayroon akong surpresa para sa iyo?" ngiting-ngiti niyang bigkas.
Naku naman! Nakita ko na naman iyong dahon ng malunggay na nakaipit sa ngipin niya.
"Magpapaalam lang ako" sabi ko agad.
I admit that I love surprises. Baka bibigyan niya ako ng chocolates. Iniisip ko pa lang ay naglalaway na ako.
Pagkatapos kong magpaalam ay lumabas na kami ni Shawn. Palakad-lakad sa may kalsada at habang ginagawa namin iyon ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Para kasi kaming magjowa nitong bestfriend ko. Pero bestfriend lang talaga ang turing ko sa kanya dahil para sa akin ang bagay lang ay si Adam. Alam kong siya ang itinakda ng Dyosa ng pag-ibig para sa akin.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending (COMPLETED)
Short StoryKung mahal mo ang isang tao sabihin mo na dahil baka magsisi ka kapag huli na.