Avril POV
Malamig ang simoy ng hangin dito sa taas kaya niyakap ko ang aking sarili. Ramdam kong papalapit na talaga ang pasko.
"Are you alright?!" Adam asked as he seats in the steel bar.
"Huh?!" Wala sa sarili kong tugon.
"Kanina ka pa hindi umiimik. May nangyari ba sa iyo?" Kinuha niya ang isa kong kamay pagkatapos ay pinisil niya iyon.
Bago ko siya sagutin ay inilibot ko muna ang tingin sa baba. Wala ng katao-tao.
"I'm okay!" Pinilit kong ngumiti kahit na nahihirapan ako.
I don't know why pero ang iniisip ko pa rin ay si Shawn at Miley kahit na kasama ko naman si Adam. Nadidistract ako sa kanilang dalawa. Kahit pilitin ko ang aking sarili na tanggalin ko sila sa aking isipan ay hindi ko magawa.
"I know something that will make you feel better." Sabi niya pagkatapos niyang ipulupot ang magkabilaan niyang braso sa may balakang ko.
Gulat man ay hindi ako nagpahalata. Ito ang unang beses na nagkadikit kami ng masyado. Nakakakaba pala.
Isinayaw-sayaw niya ako gamit sa himig na nagmumula sa kanya. Ilang minuto rin kami sa ganoong ayos.
"Tadan!!"
Nagulat na lang ako ng umikot ako at makaharap sa kanya ay may inilabas siyang toblerone.
"Gusto mo ito diba?!" Itinaas-taas niya iyon na para bang gusto niyang ipaabot sa akin at aaminin kong nahihirapan ako kasi mas matangkad siya.
"Akin na!" Pilit ko iyong inaabot habang nagmamakaawa na para bang isang bata. Ibang usapan na talaga kapag chocolate bes.
Tumalon-talon ako para makuha iyon hanggang sa nagtagumpay ako.
"Yes!" Sigaw ko.
Kasabay ng tuwa ng ako ay tumingala ay agad naman iyong napalitan ng gulat. Para akong isinaksak sa isang outlet dahil ramdam ko ang paggapang ng kuryente sa buo kong katawan. Ano ito at magkalapat na ang labi namin ni Adam?
Pinikit-pikit ko ang aking mga mata. Totoo! Nag-kiss kami shocks! Napakalambot pala ng labi niya at kaysarap.
"Ayos ka lang?" He asked.
Di ko namalayan naghiwalay na pala kami. OMG shocks talaga.
Napatango na lang ako.
"First time mo?" Nakangisi niyang turan habang hinahaplos ang pisngi ko.
Ewan ko subalit bigla akong nanginig. I felt so strange.
Bigla akong napaatras dahilan para maramdaman ko ang malamig na bakal sa likuran ko.
"Bakit?" Nakataas kilay niyang tanong.
Ramdam ko ang dagundong ng aking puso. Wait?! Bakit ganito.
Muli niyang pinuluputan ang baywang ko hanggang sa muli ay naglapat ang aming mga labi.
Kung kanina ay parang idinuduyan ako ng kung anong mahika ay iba naman ngayon. Masyadong marahas ang halik na binibigay niya sa akin. Gusto kong lumayo sa kanya subalit hindi ko magawa dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
Hindi ganito ang halik na gusto ko!
"Adam.." usal ko.
Nasasaad sa boses ko na gusto kong itigil niya ang ginagawa niya sa akin.
"Adam.." pag-uulit ko.
Hindi ko alam kung papaano ko siya naitulak. Nang tumingin ako sa mga mata niya ay kita ko ang labis na pagkagulat. Malamang ay hindi niya inaasahan iyon.
"Ginulat mo kasi ako sa ginawa mo" sabi ko pagkatapos ay nagyoko ako ng aking ulo.
Hindi ko alam subalit bigla akong nangamba. Dahil doon ay di ko maiwasang kagatin ang kuko ko.
"Ako si Adam.." Matigas niyang turan habang nakatitig sa aking mga mata. "No one says no to me."
Hindi ko magawang makalayo sa kanya dahil nasa gilid na ako.
"Hindi ikaw ang Adam na nakilala ko" sabi ko.
Bigla siyang nag-iba. Ang dating Adam na nakikita ko na para bang isang anghel ay biglang nagbago. Mukha siyang isang ulol na aso ngayon.
"Adam.." nanginginig kong bigkas. "T-tinatakot mo ako."
"Tinatakot? I'm not." Sabi niya habang tumatawa ng mahina.
Sinubukan kong tumakbo palayo sa kanya subalit hindi ko nagawa ng higitin niya ako sa may braso.
"Saan ka pupunta?" Nakadila niyang tanong.
Tuluyan na akong natakot. Hindi ako makagalaw.
Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Naramdaman ko na lamang na marahas niya akong sinisiil ng halik sa may labi pababa sa may leeg.
Hindi ako makapanlaban dahil tuluyan na akong nanghina.
Nangilid na rin ang aking luha ng maramdama kong binuhat niya ako sa kung saang bahagi ng rooftop. Bakit ganito? Bakit hindi ako makagalaw?
"Umeepekto na" natatawang turan ni Adam habang pinadadaan ang isa niyang daliri sa may pisngi ko.
Kahit namamanhid ang buo kong katawan ay nagawa ko pa ring makapag-isip. Hindi kaya?! Alam ko na! Iyong juice na binigay niya kanina. Nilagyan niya ng gamot. Kaya hindi ako makagalaw at makasigaw. Ang tanga ko.
"Mag-eenjoy ka sa gagawin natin!" Ngiti niyang saad dahilan para ako ay mangilabot.
Alam ko ang tinutumbok niya. Magsesex kami! Pero alam niya sigurong hindi ko gusto. Kung ganoon ay this will be rape.
Habang tinatanggal niya ang butones ng damit ko ay hindi ko na napigilan ang pagragasa ng aking luha. Ito ba ang dahilan kung bakit ako pinapalayo ni Shawn? Maging si Miley? Hindi ito ang pinangarap ko. Diyos ko! Iligtas niyo ako.
Kahit hirap ay sinubukan kung ibuka ang aking labi pero walang lumalabas na boses dito.
"You're gonna love this so so much" pagkasabi niya dun ay nagtanggal siya ng belt.
Napapikit na lamang ako. Dapat ay naniwala ako kay Shawn. Dapat ay naniwala ako sa best friend ko. Dapat ay hindi ako nagalit sa kanya dahil sa pangingialam niya sa akin. Ngayon ay nagsisi ako bigla.
Natawag ko na lahat yata ng santong kilala ko hanggang sa makarinig ako ng isang napakalakas na kalabog. Dumilat ako at nakita kong nakahandusay na sa sahig si Adam. Sa harap niya ay nakatayo ang isang bulto ng galit na galit na tao.
Pinagsusuntok niya si Adam hanggang sa mapuno ng pasa ang gwapong mukha nito. Maging ang gilid ng kanyang labi ay pumutok na rin.
"Sa tingin mo papalampasin ko ang ginawa mong ito?" Tumatawang bigkas ni Adam pagkatapos ay dumura. "Ipakukulong kita!" Banta pa niya.
Sa ngayon ay hindi pa rin ako makagalaw kaya hindi ko makilala ang lalake.
"Gawin mo ang gusto mo!" Sabi naman ng isa at muli ay tinadyakan niya si Adam.
Malabo na sa mga mata ko ang sumunod na nangyari. Basta may pumasok na magandang babae at kinompronta si Adam. Sinabing may mabigat silang ebidensya laban sa kanya at handa silang kasuhan ng rape ito.
Napapikit akong muli. Kahit di ko kilala ang mga dumating ay alam kong ligtas na ako.
Thank You For Reading!
Vote and comments! <3
BINABASA MO ANG
My Happy Ending (COMPLETED)
Short StoryKung mahal mo ang isang tao sabihin mo na dahil baka magsisi ka kapag huli na.