Avril POV
Such a blessing day!
Napasimangot na lamang ako habang nakatitig sa karga-karga kong kulay pulang medium size na box na punong-puno ng napakadaming papel. Sa dami ng estudyante sa room ako pa talaga ang nautusang magdala nito sa Principals Office. Destiny lang? Kailangan ko pa tuloy bumaba sa limang palapag ng school building namin.
Habang naglalakad sa may pasilyo ay hindi ko nakita ang mga nagtatakbuhang estudyante, dahil doon ay natapon ang dala ko pagkatapos ay napaupo pa ako. Nakakatawa lang dahil tinitigan lang nila ako at hindi manlang tinulungan. Bongga diba? Gusto ko tuloy silang kulamin.
Tumayo na lamang ako at pinulot iyong mga papel. Nang matapos ay tumayo na ako subalit bumalik iyong nagtatakbuhan kaya natapon na naman iyong mga papel. Striked two!
"Ano ba!" nanggigil kong sigaw. "Wala ba kayong mga mata?! Nakakasakit na kayo ha!?" Siguro mukha na akong dragoneta.
"Sorry manang!" pang-aasar nila habang nagpipigil ng tawa dahil sa itsura ko. Nakakabwisit tuloy.
"Umalis nga kayo dito" utos ko. "Mga walang galang sa nakakaganda." Charot lang!
Agad silang nagsitakbuan palayo ng makita nilang tinatanggal ko ang luma kong sapatos. Ihahampas ko talaga ito sa kanila. Bwisit!
Nang sila ay makalayo, pinulot ko na lamang muli iyong mga papel. Maya-maya ay napangiwi ko dahil iyong iba ay nadumihan at nalukot na. Mukhang important papers pa naman ang mga ito. Baka mapagalitan ako kaya dahil sa takot ay pinailalim ko na lamang ang mga iyon. Pinagpatuloy ko ang pagpulot hanggang sa may isang maputing kamay na tumulong sa akin.
Agad akong napatitig sa kamay na iyon. Sadya namang napakaputi at napakakinis. Nahiya pa tuloy ako.
"Patawarin mo na sila. Ganyan talaga ang mga iyon." Tumingin ako sa mukha ng taong nagsalita. Ngumiti siya dahilan para ako ay mapanganga.
Sino itong gwapong nilalang na ito? Nakakaloka. Bakit mala-out of this world ang peslak niya?
"By the way I'm Adam." Ngumiti siyang muli pagkatapos ay iniabot niya ang kanyang maputing kamay.
"Ako naman si Avril" pagpapakilala ko rin pagkatapos ko iyong tanggapin. Medyo nahihiya pa ako.
Nakakahipnotismo ang napakaganda niyang ngiti lalo na at pantay-pantay ang kanyang ngipin.
"Ang cute naman ng name mo, gaya mo." Sabi niya.
Napangiti naman ako kahit hindi naman totoo. Nangjojoke lang iyan. Well, I'm not pretty bes. Wavy-wavy ang buhok ko, kutis kahoy, tapos sungki-sungki pa ang ngipin ko. Idagdag pang di rin kakinisan ang skin ko. Wala kasing pampaderma. Kinakailangan ko pang mag-ipon.
"Ako ng magbubuhat niyan." Di na ako nakaangal pagkatapos niyang agawin ang box sakin. "Saan ka pupunta?"
"Sa Principals Office" sagot ko habang nakatitig pa rin sa kanya. Namagnet lang ang ateng niyo?
Talaga namang napakagwapo ni Adam. Hindi ko inaakalang nag-eexist pala ang ganitong lalake. Napakaganda ng hugis ng kanyang mukha na medyo V, matangos ang ilong at mapupulang labi, at ang mga mata niya ay abuhin na kapag tumitig ka ay para kang naiinlove at nahihipnotismo dahil pupungay-pungay iyon.
"Ayos ka lang?" Kanyang tanong. "Bigla ka kasing natahimik."
"Uh.. Oo" sabi ko na lamang.
Bakit ba napakabilis ng tibok ng dibdib ko? Abnormal na ba ako?
"Ako na lang ang bahala dito." Sinubukan kong kunin ang karton subalit hindi pa rin niya binibigay.
"Hindi, ihahatid kita hanggang sa loob. Napaka-ungentleman ko naman kung hahayaan ko ang isang babaeng magbuhat nito." Rason naman niya kaya hinayaan ko na lang.
Napakagentleman naman niya. Ngayon ko lang ito naranasan dahil karaniwan kasi ay pinapabayaan lang nila ako dahil hindi naman ako kagandahan. Pero iba itong si Adam. Wala siyang paki kahit na mukhang naexpired na ang mukha ko.
Ako ang kumatok sa silid ng Principal. Nang pinayagan kami ay pumasok na kami at inilapag ang box.
"Aalis na kami sir" paalam ko. Kailangan exit agad dahil baka kalkalin niya iyong box.
Naglakad na kami palabas ngunit bago pa man kami makalabas ng pintuan ay tinawag na kami ni Mister Prins-epal este prinsipal. Patay kang Avril ka!
"Bakit marumi ang mga ito?" Iwinagayway pa niya ang papel.
"Ah.. Eh.. Kasi sir.." Utal kong sagot. First year pa lang ako dito at first day e, mukhang magkakabad record na agad ako.
"Kasi nadulas ako sir!" Sabat ni Adam kaya napatingin ako sa kanya. Anong nangyayari? "Kasalanan ko sir kaya I'm sorry."
"Bueno, wala na akong magagawa. Nandiyan na iyan. Mag-ingat ka na lamang sa susunod" sabi ni Principal habang iiling-iling na nakatitig sa mga papel.
"Sige sir" nagyoko si Adam ng ulo pagkatapos ay hinila niya agad ako palabas ng kwarto.
"Bakit mo ginawa iyon? Bakit ka nagsinungaling?" Tanong ko.
"Ay, hayaan mo na." Ngiti niyang sagot kaya agad na nalusaw ang galit ko sa kanya. Super gwapo niya talaga.
"Salamat sa tulong at sa ginawa mo" nasabi ko na lamang. Hindi ko nga lang maiwasang malungkot dahil mukhang bad shot agad siya dahil sakin.
"Huwag mo ng isipin iyon." Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin dahilan para manigas ako. Sa aking tenga ay may binulong siya. "Balita ko kasi ay bakla si sir kaya hindi siya magagalit sakin."
Ewan ko pero natawa na lang ako. Mukhang possible naman iyon dahil bruskong-brusko si sir. Mukhang naggigym.
"So, papaano? Nice meeting you Avril!" Kumindat siya sa akin at naglakad na palayo.
Ako naman ay naiwang nakamaang pa rin. Kinirot ko ang aking sarili para siguraduhing gising ako. Nasaktan ako kaya hindi ako nananaginip.
Sa araw na iyon ay nagkagusto ako kay Adam ng biglaan dahil sa pinakita niyang kabaitan sakin.
Thank You For Reading!
Vote and comments! <3
BINABASA MO ANG
My Happy Ending (COMPLETED)
Short StoryKung mahal mo ang isang tao sabihin mo na dahil baka magsisi ka kapag huli na.