Chapter 8

27 6 0
                                    

Avril POV

Isang linggo ang mabilis na lumipas kaya naman isang linggo na rin kaming lihim na nagkikita ni Adam sa may roof top. Lagi kaming nagkwekwentuhan at kumakain at kadalasan ay nanonood ng movie dahil nagdadala siya ng laptop niya.

Hindi namin muna sinabi sa mga tao sa school para maiwasan ang tsismis. Maging kay Selena ay wala akong sinasabi kung anong kinalabasan ng pag-amin ko last week. Mas maganda na rin iyon para mas tahimik ang buhay.

"Tigilan mo na ang pakikipagkita sa kanya!" Matigas na turan ni Shawn.

Alam kong siya iyon kahit na hindi ko siya tignan. Isa pa ay amoy pa lang kilalang-kilala ko na.

"Naririnig mo ba ako?"

Ibinaba ko ang librong binabasa ko at tinitigan ko siya. "Oo dahil hindi ako bingi gaya mo. Lagi akong naglilinis ng tenga ko."

Bumuntong hininga siya kaya bumuntong hininga rin ako. Isang linggo na rin pala kaming hindi nagsasabay papasok at pauwi dahil di pa kami bati. Nagtataka na rin sila sa bahay kung bakit di niya ako sinusundo.

"Tigilan mo na ang pakikipagkita sa may roof top sa kanya."

Agad nanlaki ang aking mga mata. Papaano niya nalaman?

"Sinusundan mo ba ako?" Inis kong turan na agad naman niyang tinanguhan. "Bakit mo iyon ginagawa?"

"Inilalayo lamang kita sa kapahamakan. Huwag kang magtiwala sa kanya" napakatigas niyang turan na akala mo may alam siya. "Itigil mo na."

Dahil sa sinabi niya ay tinapik ko ng malakas ang lamesa dahilan para lumikha iyon ng malakas na ingay sa library. Wala na akong paki kahit na papalapit na ang librarian sa mesa namin.

"Ano bang pakialam mo?" Bulyaw ko. "Wala kang alam kaya bakit ka ba nakikialam?"

Tumayo ako at dali-daling lumabas ng library. Hindi ko alam subalit naiiyak ako. Napakapakialamero niya. Bakit di na lang ang buhay niya ang atupagin niya? Ang pakikipagrelasyon niya kay Miley?

Hindi ko alam kung sila na dahil mabilis din ang mga nangyari gaya sa amin ni Adam. Basta lagi ko na lamang nakikitang magksama sila at laging nagkwekwentuhan.

Hindi ko rin alam kung ano ang ginawa ni Shawn at nagawa niyang paamuhin si Miley kaya naman naiinis ako ng labis-labis.

Patakbo akong lumabas ng school dahil pakiramdam ko ay biglang sumama ang pakiramdam ko.

--

Pagkatapos kong mag-emote kuno ay bumalik din ako sa loob ng school. Hindi ko na rin nakita si Shawn sa paligid. Mas mabuti na iyon para naman gumanda-ganda ang mood ko.

Tumunog ang phone ko dahil may nagtext. Si Adam magkikita raw kami mamaya ulit. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

Pagkakuha ng mga gamit ko sa library na naiwan ko kanina ay tumuloy na ako sa susunod kong klase. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Wala rin doon si Shawn. Siguro ay nagcutting class na naman siya.

Hahakbang na sana ako ng matanto kong nakatingin sa akin si Miley. Hindi naman siya galit. Parang wala lang. Kung galit man siya sa akin at gusto niya akong awayin ng dahil kay Adam ay wala akong pake. Matagal na silang tapos kaya wala siyang karapatam para saktan ako. At lahat ng taong against sa amin ni Adam ay aawayin ko ng bonggang-bongga. Wala akong paki kahit best friend ko pa.

"Avril!" Kaway sa akin ni Selena.

Kumaway din ako habang lumalapit sa kanya.

"Nagawa mo ba ang assignment natin? Pakopya naman ako."

"Sandali lang." Kinuha ko ang kwaderno ko pagkatapos ay iniaabot ko sa kanya. "Bahala ka ng maghanap diyan" sabi ko pa dahil nawala bigla ang good mood ko.

Pumasok kasi si Shawn at agad naman tumungo para tumabi kay Miley. Imbyerna lang dahil kitang-kita ko sila dahil nasa bandang kanang harap ko sila.

"Weird no?" Bulong ni Selena sakin. "Isang linggo na silang ganyan. Mukhang may something na sila."

Dahil sa sinabing iyon ni Selena ay mas lalo akong nainis. Siguro ay hindi na maipinta ang itsura ko. Hindi ko rin alam kung bakit ba ganoon ang nararamdaman ko. Parang naninikip ang dibdib ko.

Natapos ang buong klase na wala man lang akong naiintindihan. Mukhang lumipad kung saan ang utak ko.

"Tara na!" Yaya ni Shawn kay Miley. Agad silang lumabas ng silid.

"May something talaga" giit ni Selena habang nakakunot ang noo. "Sila na kaya?"

"Ewan, magsama sila total bagay naman sila!" Giit ko habang naglalagay ng gamit sa bag. Sa sobrang inis ko ay nasira ang zipper ng aking bag habang sinasara iyon.

"May problema ka ba Avril?"

Umiling ako. "Bakit mo natanong iyan? Hello! Napakablooming ko kaya this past few days." Biro ko.

"Pero umiiyak ka" giit niya sabay sundot ng hintuturo niya sa pisngi ko.

"Huh?!" Naguguluhan kong turan.

Kinapa ko ang pisngi ko at basa nga. Shit! Dahil lang ba nasira ang zipper ng bag ko?

"Siguro umiiyak ka dahil nawalan na ng oras sa iyo si Shawn." Mahina niyang giit pero tumawa lang ako.

"Hindi! Ano ka ba? Nasira kasi ang bag ko oh?!" Pinakita ko ang zipper. "Paborito ko kasi ito at tiyaka bakit naman ako maiiyak kung ganoon man?"

"Baka nagseselos ka?" Taas kilay niyang sagot kaya naman di na lang ako umimik.

Nang maayos ko ang mga gamit ko ay lumabas na ako para hindi na magtanong pa si Selena. Hindi ko rin alam kung bakit naluluha ako. Nababaliw na ata ako.

Pagliko ko ng pasilyo ay nakita ko si Shawn at Miley na masinsinang nag-uusap. Ngumiti ako sa best friend ko dahil gusto ko na sanang makipagbati sa kanya subalit wala akong natanggap na tugon sa kanya. Dahil doon ay hindi ko maiwasang manlumo.

Lumunok ako na para bang may matigas na bagay sa lalamunan ko.

Okay fine! Kung gusto niya ng deadmahan di gagawin ko. Magsama sila ng Miley niya.

Umakyat na lamang ako sa roof top dahil sigurado akong naghihintay na sa akin si Adam.

Thank You For Reading!

Vote and comments! <3

My Happy Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon