Epilogue

51 6 0
                                    

Avril POV

May chakang nagtext!

Agad kong tinakpan ang speaker ng cellphone ko pagkatapos akong makatanggap ng message.

Nakakahiya. Nakalimutan kong i-silent. Full volume pa naman.

Tinitigan ko ang nagtext. Si Shawn!

Agad na naman akong kinilig. Text pa lang niya ay masayang-masaya na ako. Ibang-iba itong feels ko ngayon over kay Adam dati.

"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi mahal?"

"Mahal ka diyan!" Bulong ko dahilan para mapatingin sakin si Selena.

"May sinasabi ka?" Kunot-noo niyang turan habang nagtutupi ng papel.

"Wala.." Sabi ko pagkatapos kong ibalik ang tingin ko sa phone ko para makareply.

"Oo naman mahal.." Sagot ko
Habang tinatype ko ang mahal hindi ko talaga mapigilang mapangiti at kiligin.

"Alam mo, mukha kang timang" sabi ni Selena pagkatapos ay kumuha siya ng panibagong papel.

Di ko na lang siya pinansin dahil ganoon talaga kapag in love mga bes. Walang paki sa sinasabi ng iba.

"Ang himbing nga ng tulog ko dahil sa iyo. Ikaw? Nakatulog ka ba ng maayos?"--message sent!

"Oo, may sasabihin ako."

"Ano?" - insert smile emoji.

"I love you with million heart emoji."

Napahagikgik na lang ako. Hindi naman niya kailangang sabihin iyon dahil nararamdaman ko naman.

"Para kayong mga baliw" agad namang bungad ni Miley pagkatapos ilapag ang napakadaming manila papers at maupo sa katapat kong upuan.

"Ganyan din ang sinabi ko" sang-ayon ni Selena pagkatapos ay ngumiti at nakipag-apir siya dito.

Ngumiti na lang ako. After the inccident, Miley and I became friends. Nakapagsorry at nakapag pasalamat na rin ako sa kanya.

She's such a great person. Mali ang pagkakakilala ng ibang tao kay Miley. Ang totoo ay mabait siyang tao. I already proved it to myself dahil hindi pa kami ganon kaclose noon at tinulungan niya ako.

"At bakit naman kami mukhang baliw, aber?" Pagtataray ko bigla.

"E, kasi inililihim niyo pang hindi kayo ni Shawn pero napaka-obvious niyo naman. I know, sa ilalim ng lamesang ito at magka-holding hands kayo!" Bulalas ni Miley habang iiling-iling.

Ay anak ng tokwa!

"Kaya nga, may patext-txt pa silang dalawa. Magkatabi na nga sila" sabi rin ni Selena.

"Grabe kayo! Kung ganito gusto namin. May magagawa ba kayo?" Salag naman ni Shawn.

Natawa na lang ako. As I said its all because we are both in love. Jeje na kung jeje but what can we do kung ganoon naman talaga?

"Ewan ko sa inyo!" Pagkasabi ni Miley ay tumayo siya. "Halika nga Selena."

"Bakit? Saan tayo pupunta?"

"Samahan mo akong bumili ng marker."

Pagkaalis nila ay tumingin ako kay Shawn na sa ngayon ay abala sa paglalaro ng candy crush.

I totally realized now that I am deeply in love to him. I don't know when and how it started.

I'm in love to this guy who is so lazy.

Sa lalakeng tamad maligo.

Sa lalakeng wala pang alam gawin kundi kumain ng junk foods at humilata lang sa may sofa.

Siguro kung hindi ako umamin sa kanya ay hindi ko mararamdaman ang saya na nararanasan ko ngayon. Talagang tayo minsan ang gumagawa ng tadhana natin.

After all the bad things happened I think this is my happy ending.

"Bakit?" Nakanuot-noo niyang tanong.

"Wala lang, I just realized how much I love you" sagot dahilan para mapangiti kami ng parehas.

Thank You For Reading!

Vote and comments! <3

My Happy Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon