Chapter 11

35 6 0
                                    

Avril POV

"Pero bakit? Saan? Kailan?" Sunod-sunod kong tanong kay mommy dahilan para magulat siya.

"Hindi ko alam. Basta binigay lang niya sa akin iyan" sagot naman niya. "Hindi ba siya nagpaalam sa iyo?"

Umiling ako pagkatapos ay napahawak ako sa aking ulo.

Why o why? I don't understand. We are best friends since elementary. Kahit na may tampuhan kami sa isat-isa ay hindi iyon sapat na dahilan para hindi siya magpaalam sa akin.

"Kailan sila aalis?" Muli kong tanong.

Biglang nangilid ng luha sa aking mga mata. Mabuti na lamang nagawa ko iyong pigilan bago bumagsak. Ayokong umiyak sa harap ni mommy.

"Pasensya ka na anak dahil hindi ko alam."

"Kailan niyo ba ito natanggap?" I asked while opening the shoe box.

"Kagabi, sa totoo lang ay nagmamadali siya ng iwan niya iyan."

Lumabas ng silid si mommy kaya kinalkal ko ang box. Nagbabakasakali akong may makukuha akong sagot doon pero wala.

Ang tanging nahahawakan ko ay mga larawan. Larawan naming dalawa ni Shawn kung saan ay napakasaya naming dalawa.

His a jerk! Hindi ko inaakalang ganito niya trineasure ang mga memories naming dalawa. Siguro nga ay gusto niya talaga ako at hindi siya nagbibiro noong umamin siya.

Habang nakatitig sa mga larawan ay naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ng aking mga luha.

"You're stupid Shawn!" Di ko maiwasang mainis. "Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?"

Kinuha ko iyong takip ng box. Pagbaliktad ko ay nakita ko ang isang nakatuping papel na nakadikit sa scatch tape. Agad ko iyong kinuha at binuklat.

Dear Avril,

Kung binabasa mo ito ngayon ay natutuwa akong ligtas ka. I'm sorry for everything. Patawad kung hindi ko sinabi sa iyo ang plano namin ni Miley. Gusto lang naming maging matagumpay ang lahat para matapos na ang kahayupang ginagawa ni Adam. I know his your everything kaya I'm sorry ulit. Hindi ko lang talaga kayang palampasin pa ang lahat-lahat.

Kung binabasa mo na rin ito ay malamang nakaalis na kami ng bahay.

Alam mo ba ang reason kung bakit ako aalis? Dahil mahal kita. Mahal na mahal. Alam ko namang hanggang kaibigan lang ang turing mo sa akin. Kaya naisip ko ng umalis para naman makalimot na ako. Masakit man ay kailangan kong tanggapin.
I will always treasure you. You are my one and only love of my life.

Shawn.

Tuluyan na akong napaiyak. Napaiyak dahil sa tuwa. My best friend loves me and I loves him too. I know it was too late to realize dahil masyado akong nabulag kay Adam. Pero ngayon sigurado ako sa sarili kong I love Shawn. I love him very much.

Kaya ako naiinis kapag may kasama siyang ibang babae at nawawalan siya ng oras sa akin. Now I know the answer, nagseselos ako. Iyon 'yun.

Agad akong nagpunas ng aking mga luha. Dapat hindi ganito ang ginagawa ko ngayon. Dapat ay hinahanap ko siya Para makapagtapat na rin ako.

Lumabas ako ng bahay at agarang tumakbo patungo sa bahay nila. I know its not that too late.

Habang tumatakbo ay buong-buo ang loob ko at naniniwalang magiging okay ang lahat. Na madadatnan ko pa siya doon. Dahil nandon siya at hinihintay ako.

"Shawn!" Sigaw ko sa harap ng bahay nila.

Pumasok ako ng gate at labis na lamang ang panlulumo ko ng makita ko ang nakapaskil sa harap ng kanilang pintuan. Nagsasabing wala ng tao doon.

"Shawn.." Umiiyak kong bigkas.

Ganito ba talaga ang mga bagay na nakatadhana sa akin? Bakit kailangang masasakit na bagay? Isa pa ay lagi kong narerealize na mali ako sa bandang huli.

Pumasok ako sa kanilang bahay. Kahit nagtataka ako kung bakit hindi iyon nakalock ay isinantabi ko muna iyon.

Wala na nga ata sila dahil kakaunti na ang mga gamit sa loob. Napakalinis na at iyong ibang gamit na naiwan ay natakpan ng puting tela.

Napaupo ako sa lapag dahil pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko. Nagtakip ako ng aking mga palad sa mukha at doon ako umiyak ng umiyak.

Strike two na ako pagdating sa pag-ibig. Una si Adam na niloko lang ako at ngayon si Shawn na umalis dahil napabayaan ko.

Ang tanga-tanga! Siguro ng magpasabog ng katangahan ang Panginoon ay nasalo kong lahat at buong-buo!

Paano na ngayon?

Habang umiiyak ay nakarinig ako ng lagitgit ng pagbukas ng pintuan sa may banyo. Napatingin ako doon habang nagpapahid ng luha.

Labis na lamang ang galak na aking naramdaman ng makita ko ang taong nagkukoskos ng mga mata. Si Shawn! Halatang kagigising lang niya.

Tumayo ako at patakbong niyakap siya.

"I'm sorry.." Lumuluha kong turan.

"Ha? Bakit ka umiiyak?" Gulat niyang tanong. "May nanakit ba sa iyo?"

Umiling ako habang mas hinigpitan ko ang ginawang pagyakap sa kanya.

"I'm sorry sa lahat ng masamang nagawa ko sa iyo at I'm sorry dahil ngayon ko lang narealize na mahal pala kita." Pag-aamin ko. "Mahal na mahal kita Shawn!"

Wala na akong paki kung anong itsura ko habang umaamin sa kanya.

"Huwag ka ng umalis. Huwag mo akong iwan." Pagsusumamo ko kasabay ng paghikbi.

Gumanti siya ng yakap dahil ramdam ko ang paghigpit ng mga braso niya.

"I'm sorry pero kinakailangan kong umalis."

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa mga mata niyang mayroong muta pa. Wala ba talagang forever?

"Pero bakit?" Naguguluhan kong tanong.

Ang akala ko ay magiging okay na ang lahat kapag umamin ako sa kanya.

"Kailangan kasi naming umalis." Napayoko siya ng ulo.

Naiyak na lamang ako. Wala pa ngang kami hiwalay agad? Lord naman!

Maya-maya ay ginulo niya ang buhok ko.

"Huwag ka ngang OA, kina Lola lang kami lilipat. Papapinturahan lang namin itong bahay. Masyado na kasing luma" isplika niya.

Agad na sumilay sa aking mukha ang napakatamis na ngiti.

"Seryoso ka?" I asked. "Hindi ka nangjojoke? Kahit na tubuan ka ng pigsa o kulani sa may pwet?"

Tumango naman siya sabay nagpromise sign.

"Psst! I love you" sabi ni Shawn.

Ito ang unang pagkakataon na may nagsabi sa akin ng ganoon. English version. Napakasincere at damang-dama ko.

"Ikaw mahal mo din ba ako?" He asked while smiling. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala ni Shawn.

Tumango ako sabay yakap sa kanya.
"Mahal na mahal kita! Patawad kung ngayon ko lang nasabi."

"It's okay." He answered. "Sabi nga ni Lola Tidora ay may tamang panahon."

Ngumiti na lang ako.

Bumaba ang mukha niya palapit sa akin hanggang sa namalayan kong naghahalikan na kami. Isang halik na hindi pilit dahil ginusto namin parehas.

Napakasarap ng mga labi ni Shawn at mas matamis pa kaysa sa toblerone na paborito ko. Maybe because this is a true love.

"Bakit naiwan ka dito?" Tanong ko ng maghiwalay kami.

"Tinanghali kasi akong gumising kaya naiwanan ako." Napakamot siya ng kanyang ulo dahilan para matawa ako.

May maganda rin palang naidulot ang pagiging tamad niya. Dahil kung hindi siya tinamad bumangon siguro ay wala kaming dalawa ngayon dito.

Thank You For Reading!

Vote and comments! <3

My Happy Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon