Avril POV
Kinaumagahan ay syempre pasok na naman sa school. Paggising ko pa lang ay agad na akong naligo at nagbihis ng school uniform. Tinanghali ako ng gising kakanood ng Descendants Of The Sun. Ganda kasi ng istorya ng drama tapos ang gwapo pa ni Song Jong Ki kaya naman inabot ako ng madaling araw ng napakabongga.
"Anak kumain ka muna" agad salubong sa akin ni mama pagbaba ng hagdan.
"Late na ako ma" sabi ko naman habang nagsusuklay sa wavy kong buhok. "Mag-brunch na lang ako sa school" sabi ko pa.
Pumayag naman si mommy at binigyan ako ng pera basta daw siguraduhin kong kakain ako.
Lumabas na ako ng bahay at nakita kong hinihintay na ako ni Shawn. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pinaggagagawa niya sakin kagabi. Ulol talaga kahit di pa siya nakakagat ng aso.
"Hanep! Bagong paligo" Biro ko habang ginugulo ang mala Rizal niyang buhok.
Pero ang eiw lang kasi super lagkit ng hair niya dahil sa gel. Im sure na kinuha na naman niya iyon sa kapatid niya dahil itong si Shawn ay wala namang pambili.
"Ano ka ba!" nakasimangot niyang sigaw pagkatapos niyang paluin ang kamay ko. "Antagal ko kaya ng inayos to."
"E, di ayusin mo ulit! Problema ba iyon?" sabi ko naman.
Napakaeasy lang diba? Di suklayin niya ulit tapos may pagkabupols din ito kasi magmomotor naman kaming dalawa kaya siguradong magugulo lang.
Pero huweyt!? Motor? OMG! Agad akong napatingin sa inaangkasan niyang motor. Kailan pa nakabili ng motor ang shokoy na best friend ko? Halatang bago ito dahil nangingintab pa.
"Sa iyo ito? Finally! May matino-tino ka ng gamit!" masaya kong turan dahil sa totoo lang makikinabang din kasi ako.
"Sira! Di akin to!" natatawa niyang sagot habang bumababa. "Di ko alam kung kanino iyan dahil nakaparada lang diyan."
Agad akong nanlumo. Ang sakit naman pala talagang umasa. Ganito kaya ang mararamdaman ko kapag umamin ako kay Adam?
"Halika na!" tawag sakin ni Shawn.
"Oo," sagot ko habang lumalapit sa kanya.
Kinuha niya iyong bisikleta niyang nakasandal sa may poste. Ito iyong lagi naming ginagamit papuntang school. Natatawa na lang ako dahil akala ko level up na ang gagamitin namin.
Ipinasuot niya sa akin ang luma niyang helmet. Yes! Pinagsusuot niya ako ng helmet kahit na nakabisekleta lang kami. Napakacaring sakin ni best friend ko diba?
Kahit amoy anay na ang helmet niya ay sinusuot ko pa rin iyon dahil for safetiness naman. Baka mamaya maaksidente kami tapos mabaggok pa ulo ko di nabawasan na naman ang matatalino dito sa mundo. Oo, matalino at hindi maganda.
Pagkaangkas ay umalis na kami.
"Bakit napakabilis mo?!" Sita ko habang nakayakap sa kanya mula sa likod.
Aba! Ano itong matigas na nasa tiyan ni Shawn? Mukhang abs. Nagwowork out na ba siya o baka naman nagutom lang kaya lumabas?
"Kumapit ka ng mahigpit" utos niya.
May magagawa pa ba ako lalo na at mas binilisan pa niya ang pagpapadyak? Ayoko naman malaglag kaya pumikit na lang ako.
Maya-maya ay naging mabagal na ang takbo namin. Pagdilat ko ay wala pa naman kami sa school kundi nasa isang convenience store.
"Baba na" utos niya. Kahit naguguluhan ay sumunod na lang ako.
Tahimik ang buong labas dahil walang katao-tao. OMG! Hindi kaya ay ibebenta na ako ng best friend ko? Baka naiinggit siya doon sa motor kanina kaya kinakailangan niya akong ibenta para makabili siya. Nega lang.
"Oh bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Sabi niya habang nakapamulsa. Pa-cool lang talaga ang kolokoy.
"Uh, wala naman." Ngiti kong sagot habang naghahanap ng maaring takbuhan.
"Maghintay ka lang diyan."
Naglakad siya papasok ng store dahilan para marinig ko ang kalansing ng wind chimes. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatitig sa tahimik na kalsada. Wala talaga sigurong katao-tao dahil papasok itong kinalalagyan ng tindahan.
"Oh eto, kumain ka muna."
Tumingin ako sa iniaabot ni Shawn. Isang tinapay na mamon at isang tethra ng gatas.
"Ayaw mo?" Saad niya ng mapansin niyang nakatitig lang ako sa kanya. "Hindi ka pa kumakain di ba?"
Ay oo nga pala! Kinuha ko na lang iyong binibigay niya. Ang sweet naman ng best friend ko sa akin.
"Hinay-hinay lang.." Utos niya ng bahagya akong mabilaukon. Hindi naman sa pagkain ako nabulunan kundi dahil sa ginawa niyang paghawi sa ilang piraso ng buhok ko. Nakakaloka! Bakit bigla akong nailang?
Nang tumingin ako sa aking relo na hello kitty ang design ay napansin kong hindi pa naman kami late. Kaya siguro niya binilisan ang pagpapatakbo para lamang makakain ako.
Kakaiba si Shawn ngayon. Tahimik lang siya habang nakasuot sa kaliwang tenga niya ang isang earpiece. Kahit hindi ko masyadong maintindihan ang lumalabas na tunog doon ay alam kong nakikinig siya ng kanta ng k-group na Big Bang. Idol niya kasi sila. Minsan pa nga ginagaya niya ang mga dance steps nila kahit na nagmumukha na siyang tanga. Para siyang linta na nabuhusan ng asin. Imagine?
"Ikaw kumain ka na ba?" Inialok ko sa kanya ang mamon pero tinanggihan naman niya.
"Kumain na ako" sagot niya. "Isa pa ay masaya na akong nakikita kang kumakain" dagdag pa niya habang nakangiti ng malapad.
Infairness nagtoothbrush ata siya kasi nawala na iyong dahon ng malunggay sa ngipin niya. But wait, anong ibig niyang sabihin? Hmm, nakakatakot na siya lately huh?!
Tumayo na lang ako ng ako ay matapos.
"Tara na sa school" utos ko dahil baka ma-late pa kami.
Thank You For Reading!
Vote and comments
BINABASA MO ANG
My Happy Ending (COMPLETED)
Short StoryKung mahal mo ang isang tao sabihin mo na dahil baka magsisi ka kapag huli na.