Chapter 5 : Mopery

364 14 11
                                    

Chapter 5 : Mopery
"Let's go to a place we don't know."

----------

LOTUS CLARKSON's POV

Nasapo ko nalang ang noo ko at isang patak nanaman ng luha ang lumabas sa mata ko nang matandaan mo muli na wala na si Celine. Ang kaisa-isa kong kaibigan na babae.

Wala na sya. Sabi niya sa akin, magpapakatatag sya para sa akin. Huminga nalang ako nang malalim at kinuha ko ang handphone ko. I dialed Junhyung's number pero hindi niya ito sinagot.

I dialed Clark's too but he didn't answered too. I just sighed in defeat and I dialed Shaun's because I don't have any choice now.

"Uhmm. Lotus? Is this you?" Tanong ni Shaun sa kabilang linya kaya mas lalo akong humagulgol

"Pwede ba akong pumunta sa inyo? Kailangan ko ng kasama ngayon." Saad ko at huminga ako nang malalim

"Wala ako sa bahay ko talaga pero I'll drop by. Call me if you're there." Huling sambit ni Shaun at ibinaba na nito ang tawag

Tumayo ako at nagbihis ng ibang damit. Iniisip ko na namatay din si Charline dahil sa pambubully nila Shaun at namatay din sila isa-isa. Mamamatay din sila Aaliyah?

I just shrugged and went outside. Maglalakad lang ako papunta kina Shaun dahil malapit lang naman ang bahay nito

"Heeeey! I bought some ice cream Lotlot." Biglang sambit ni Celine nang tabihan nya ako sa bench ng school namin, "Hey? Why is my Lotlot crying? A penny for your thoughts, perhaps?" Dagdag nito kaya natawa ako ng konti.

"Stop calling me Lotlot. It sound like the '40s." Reklamo ko sa kanya pero tinawanan nya ito.

"Nag-break na kayo ni Clark, 'no?" Bigla nitong tanong kaya natahimik ako.

"Lotlot, remember, Silence means Yes." Dagdag nito sambit kaya natahimik nanaman ako muli.

Nagbreak kami ni Clark kasi gusto ko si Shaun. Pero gusto ni Shaun si Rylle. Poor me.

"You know what Lotus, maybe Mr. Ice Cream can cheer you up." Biro ni Celine sa akin at binigay ang ice cream na nakapint-cup sa akin

"Sige. Ako'y magpapaalam muna saglit, aking Lotlot Clarktot. Ang awkward ng apelyido mo diba?" Biro pa nito sa akin at agad na itong kumaripas ng lakad palayo

Naluha nanaman ako muli nang matandaan mo ang huling oras na magkasama kaming dalawa ni Celine.

Nakarating na ako ng bahay ni Shaun pero ang ama nitong nagdidilig ng halaman ang nadatnan ko.

"Hello po." Tawag ko sa kanya

"Oh? Lotus! Long time no see haha. Si Shaun ba hinahanap mo? Naku, kina Rylle na kasi nakatira yun." Saad ni Tito kaya mas lalo akong bumusangot. Ang hirap kasi na magkaroon ng interest sa taong may mahal nang iba at alam mong hanggang kaibigan lang ang kaisa-isa nyong hantungan.

"Natatandaan ko pa ang mga araw na sinabi ni Shaun sa akin na wala siyang ni isang balak na makipagrelasyon pero tignan mo nga naman ang tadhana, mahal na mahal nya ang kababata nyang si Rylle. Si Rylle ang nagpabago sa pilyong bata na iyon. Ako lang ang nagpalaki kay Shaun dahil namatay na ang ina nito at wala kaming ideya kung nasaan na ang isa pang kapatid nito." Saad nito pero nagulat ako sa huling linyang binitawan nito. May kapatid si Shaun?

"I thought Shaun was your only son?" Gulat kong tanong kaya nakita ko ang pag-iba ng expression nito sa akin.

"Ikaw at si Rylle ang nakakaalam nito Lotus. Wag na wag mo itong sasabihin kay Shaun, nagmamakaawa ako Lotus." Pakiusap ni Tito

"Bakit po? Mas maganda na malaman ni Shaun na may kapatid s---" Agad akong naantala sa pagsasalita nang biglang sumigaw si Tito.

"Hindi namatay ang nanay ni Shaun dahil sa panganganak nya kay Shaun! Namatay sya dahil sa kuya nya!" Sigaw nito sa akin

THIRD PERSON's POV

Masayang naglalakad ang limang taong gulang na Shaun kasama ang kanyang ama't ina sa isang pampublikong parke.

Nakuha ang pansin ng ama ni Shaun nang makita nito ang dati nitong nakarelasyon na si Antonette, kasama ang sampung taong gulang nitong anak na si Harper. Pinangalan ni Antonette ang anak nila ng Harper dahil sa hiling ni Antonette sa pagtugtog ng harp.

Inilayo nito agad ang tingin sa isa pang mag-ina nito. Disisyete anyos lang ang ama ni Shaun nang mabuntis nya ang katorse anyos na si Antonette. Hindi pa ito handa na maging ama sa mga oras na iyon at hindi nya inako ang anak ang pagiging ama kay Harper.

Ilang minuto ay tumakbo si Shaun sa paligid hanggang sa nabangga nya ang dalawang bata na naglalaro sa sandbox. Sumubsob ang mukha ng isang batang babae sa buhangin kaya agad din itong tinulungan ni Shaun. Ang batang ito ay si Rylle na ngayo'y anim na taong gulang palang.

"Torrryyyyy." Bulol na saad ni Shaun kay Rylle kaya tumango nalang ito habang dinudura ang buhangin na pumasok sa bibig nito. Ang kasama na batang babae din ni Rylle ay si Cassandra na limang taong gulang din.

"Lawoooo din tayoooo." Tawag ni Cassandra kay Shaun at umupo na din ito sa loob ng sandbox. Napangiwi nalang si Rylle sa inasta ng kaibigan nito.

Ilang sandali pa ay tinawag si Cassandra ng ina nito at umuwi na din ito. Kumaway si Rylle bilang paalam nito sa kaibigan nito.

Masayang naglaro ang dalawang bata nang biglang sumulpot ang nakangising si Harper sa harapan ng dalawang bata. Galit na galit si Harper sa ama at kapatid nito kaya lahat ay gagawin nito para madispatya ang dalawang ito. At sisimulan nya ito sa pinakamamahal nilang si Shaun.

"Bata bata. Tawag ka ng mommy mo dun oh." Sambit ni Harper habang tinatapik nito ang balikat ni Shaun at itinituro ang kabilang kalye na may mga dumadaan na sasakyan.

"Mommy said Shaun--- shouldn't cross the--- road by himself." Saad nito kay Harper pero agad itong dinagdagan ni Harper.

"Kuya Harper will help you cross the road." Saad nito kaya hinawakan ni Shaun ang kamay ni Harper. Napangisi nanaman muli si Harper at naglakad na ang magkapatid papunta sa gitna ng kalsada.

Itinulak ni Harper si Shaun sa gitna ng kalsada ng marahas kaya nasugatan ang tuhod ni Shaun at hindi ito makatayo.

"Yung bata! Tulungan nyo!" Sigaw ng isang lalaki kaya narinig ito ng ina nito. Nanlaki ang mata nito at agad na tumakbo papunta sa gitna ng kalsada para iligtas ang anak nito pero nang bubuhatin na nya sana si Shaun ay may rumaragasang truck ang biglang dumaan at nabangga ang mag-ina nito.

Sari-saring tilian at sigawan ang nananig sa gitna ng kalsada.

"Yung mag-ina!"
"Tumawag kayo ng ambulansya!"

Ngumiti nalang si Harper nang makita nyang duguan si Shaun at ang ina nito sa gitna ng kalsada. Pero sa hindi kalayuan ay nakayukom na ang kamay ng ama ni Shaun dahil nakita nyang agad na umalis si Harper at Antonette na may mga ngisi sa mukha.

"I saw everything. The kid pulled the kiddo to the road and pushed him on his poor knees." Bulong ni Rylle sa sarili nya habang unti-unti nyang napipisat ang ulo ng doll nya.

"*Tap tap tap*" Nagulat nalang si Lotus nang may biglang kumatok sa pintuan ng bahay na kinaroronan nito.

"Ah. Si Shaun na ata iyon." Saad nito kay Lotus at tumayo para buksan ang pintuan ng bahay. Bumungad sa pinto ang nakabusangot na ni Shaun.

"You're here. Halika na." Saad ni Shaun kay Lotus at agad din namang sumunod si Lotus palabas.

Lumabas na silang dalawa at naglakad papunta sa kasalukuyang bahay ni Shaun.

Pero sa hindi kalayuan ay nakaabang na si Harper at nakayukom na ang dalawa nitong kamay.

"Una, si tatay ang inagaw mo. Ngayon, ang kaibigan ko naman." Galit na sambit nito sa sarili at padabog itong lumakad palayo.

End of Chapter 4

Thanks for reading!
Vote and Comment <3

Repost : New Era {under final revision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon