10 ::: At its finest
{ ------ }
Charline Elaine Lazaro’s POV
“Charline, mag-iingat ka dyan. Namimiss ko na ang Charleng ko.” Malungkot na sambit ni Jiana mula sa kabilang linya
“I don’t miss you.” Biro ko sa kanya. Ito pala ang pakiramdam ng namimiss mo ang taong napalapit na rin sayo. Pero hindi ibig sabihin nito ay titigil na ako sa paghihiganti at nais ko na pagpatay sa mga ibang tao.
“Still the same old and ugly Charleng. Sige na, nakitawag lang naman ako sa boylet ni Anastasha. By the way, Nicollo and Anastasha are not here eversince you left Zemirah City. Call me if you see them there. I think they already know something about the closure of Lilian Sebastian’s case.”
“Si Justine ang totoong boylet ni Tasha, hindi si Damian hahaha. I don’t care about them but sure. Gusto mo samahan ko pa ng bala ng baril sa ulo?”
“Pasa nalang sa mukha. Ugh, hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng kaibigan na killer pala.”
“Nagsalita ang hindi killer”
“Jiana Llamara is a killer. Killer looks!”
“I always give a ‘haha’ to your lame jokes.” Huli kong saad at ibinaba ko na ang tawag.
Tinignan ko ang orasan ko. Alas-syete palang naman ng umaga. Mageexercise ba ako o matutulog lang ulit? Tsk, istorbo kasi ’tong tawag ni Jiana!
Since kasama ako sa Prodigy Lane ng grupo ay hindi ako masyadong nakikisali sa mga mismong patayan. Sa laro namin ngayon, wala akong posisyon, pero kasama ako sa mismong laro. Dahil matagal na akong kasama sa grupong ito. Grupo ito ng mga taong gustong makapaghiganti sa mga gumawa ng masama sa kanila.
At least, hindi kami katulad ng mga typical killers that kill for fun and entertainment. We kill for a reason, a very deep and personal reason.
Ang pinakakawawa sa mga magiging biktima namin ay si Shaun. Apat na tao ang gustong pumatay sa kanya tsk tsk. Ako, si lost vocalist, si First Visual at si Leader.
Nagbihis ako ng jogging pants, cycling shirt at sweater. Mageexercise nalang ako sa bandang baywalk. Hindi na ako makakatulog nito.
Tumayo na ako at lumabas na ako ng bahay, na bitbit ang cellphone ko dahil baka tumawag si Leader sa akin.
Mabagal lang akong naglalakad. Sinuot ko ang headset ko at nakinig ako ng music habang naglalakad ako.
“* The glass bottle that breaks into pieces with a loud noise, is that how we are like *”
Nang makabalik ako sa lungsod ay hindi ako dumiretso sa bahay na hinanda ni Leader para sa akin, pero sa presinto ng nag-iisa kong kaibigan na lalaki; si Justine.
Bitbit ang paborito nyang cheesecake ay masaya akong pumasok at ipinatawag ng nakabantay na jailguard si Justine, na kasalukuyang may itim na itim na buhok.
Ngumiti ako sa kanya at inilapag ko ang pagkain sa lamesa. Agad-agad ko syang niyakap; namiss ko din ’tong gwapong singer na ’to.
Pero ni hindi ko man naramdaman ang pagyakap nito pabalik, at hindi ko din nararamdaman ang kasiyahan na bisita ko ’to. Parang ayaw nya na nandito ako?
Bumitaw na ako sa yakap at agad ko itong niyaya na umupo. Inirapan lang ako nito at umupo sa benches.
“Kamusta ka na?” Panimula kong tanong sa kanya at guguluhin ko sana ang buhok nito na lagi kong ginagawa sa kanya noon pero agad nitong tinabig ang kamay ko.
“I was fine until you came, it changed.” Malamig na saad ni Justine sa akin at inirapan ako muli.
“Justine naman. Akala ko ba ayos na tayo? Akala ko ba kakalimutan na natin ang dating nanyari?” Malungkot kong giit sa kanya pero umiling-iling ito sa akin.
“Pumatay ako para sayo. Pinatay ko ang mga tumuring sa akin na isang kaibigan. Dahil akala ko, akala ni Daile, at mas lalong akala ni Marco na patay ka na. Na nagpakamatay ka na. Pero anong ginawa mo Charline? Ginago mo lang kaming lahat. You made us stupid at its finest. You made us a monster, especially your brother! Isa lang ang gusto ng kapatid mo, is to avenge your death. Charline, what kind of person are you? Oh wait, you’re not a person, you’re an emotionless and merciless monster.” Malamig na saad ni Justine, dahilan kaya tumulo ang mga traydor kong luha mula sa mata ko.
“Justine..” Bulong ko at akmang hahaplusin sana ang pisngi nito pero agad syang tumayo.
“I don’t know you.” Malamig at matigas na saad nito at pumasok na ito sa selda nito.
Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha mula sa mata ko. Si Jiana nalang ang tangi kong kaibigan. Sya nalang.
“Owww.” I just growled in pain nang maramdaman ko na may bumangga sa akin.
“Sorry.” Sambit nito kaya tinignan ko kung sino ito. Nagulat nalang ako nang makita ko muli ang mukha nito
“Tasha..” Bulong ko at napansin ko ang panlalaki ng mata nito.
Agad-agad itong tumakbo palayo. Hahabulin ko sana ito pero inisip ko na huwag nalang dahil kahit mahirap man, ay hahayaan ko nalang sina Dorothy ang makaalam sa sikreto ng Zemirah at ni Lilian.
Nang makarating na ako sa baywalk ay nagsimula na ako sa pagjojogging.
"* We are like the clock hands at 12:30,
walking towards the place where we won’t be able to return to *”Maraming namatay dahil sa akin. Halos trentang buhay ang binawi basta-basta dahil sa pag-aakala nilang patay ako.
Maraming dugo ang tumahak sa mga kutsilyo't baril na hinawakan ng kapatid ko na ang gusto lang ay mapaghiganti ako.
Maraming sinundo si Kamatayan mula sa 4-B. But guess what..
Wala akong pakialam.
{ end of chapter 10 }
THANK YOU FOR READING!
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
Repost : New Era {under final revision}
Gizem / GerilimLips lie but eyes doesn't. 121413 - xxx