AKESHA POV
Ang bilis ng panahon grabe!Imagine summer na ngayon.One year na lang makakagraduate na ako.
By the way andito ako ngayon sa loob ng campus namin katatapos ko lang mag pasign ng clearance.April 2 nga pala ngayon at eto nag iisa akong nakaupo dito at nag aantay kay Darrel.Nasan na kaya yon? nagpaalam kasi siya sakin kanina na aasikasuhin niya lang din ang clearance niya.
-phone rings-
//mama//
Aba si Mama pala, ay oo nga pala summer na it means uuwi na ako sa probinsya namin!owow!
"hello anak?"
"oh mama kamusta na po!ma andito ako sa school may inaasikaso lang po."
"Akesha uwi kana dito bukas para hindi naman sayang yung bakasyon mo at mahaba haba."
-yieee si mother excited! ^^
"Ma sige po tataposin ko lang po ito tapos aayuson ko na rin po ang gamit ko."
Nakita kong papunta na ang aking mahal sa akin at hinahapong lumapit sakin.Sabay sabing sino daw ang kausap ko.
"Sige anak.Sige maya na lang ulit may gagawin pa kasi ako."
-end of call-
Nakita kong nakatingin lang siya sa akin.At nagtataka kung sino yung kausap ko.
"Mahal sinong kausap mo?"
Habang hawak niya ang kamay ko at hinahaplos haplos ang kamay ko.Pahed talaga to haha.
"Si Mama pinapauwi niya na ako bukas."
Nagbago ang ekspresyon ng muka niya at tumingin sa akin.Grabe naman natutunaw nanaman ako.
"Mahal aalis kana?Hindi ko kayang mapalayo sayo."
Sinabi niya un na may namumuong luha sa mata niya.
"Darrel kailangan ko kasing pumunta sa family ko eh."
Tumingin lang siya sa baba at nanahimik.Nagtatampo na yan parang bata eh.
Tapoa bigla niya akong inaya na umuwi na at magaayos pa kasi daw ako ng gamit ko.Para na rin daw makapagpahinga ako.Habang nagmamaneho siya ng kotse nanatiling ang mga mata niya na nakatingin sa harapan at napakaseryoso ng mukha.Ano ba ito hindi ako sana'y na makita siyang ganan.Hindi ko na napigilang magsalita at magtanong kung ano bang problema at sinagot naman niya ako ng ngiti at ekspresyong wala daw.Pero ang awkward alam ko naman na nagtatampo siya kasi aalis na ako bukas.
Pagkarating ko sa dorm hinatid niya lang ako sa loob at tinawag niya ako.Lumapit naman ako at niyakap siya.Sabi niya siya na lang daw ang maghahatid sa akin bukas sa airport 8am kasi ang flight ko bukas. Nakabili na ako ng ticket last week pa.Yakap yakap niya lang ako ngayon hayy napakasarap talagang magstay sa kaniya bukod sa napakabango feeling safe ako lagi at comfortable pag yakap niya.Tapos bigla siyang nagsalita at inalis ang pagkakayakap sa akin.Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nakatitig lang siya sa akin.
"Mahal na mahal kita Akesha"
Aww sa tuwing sinasabi niya na mahal niya ako ay para akong lumilipad sa tuwa.
"Sige mahal magpahinga kana alam ko may gagawin ka pa.Sunduin na lang kita bukas ha?"
Nag nod na lang ako at hinalikan niya ako sa forehead.Iba pa rin talaga pag hinalikan ka ng isang lalaki sa forehead for me ito ang the best kiss lagi na pinaparamdam niya sa akin.
Umalis na siya at nagwage sa akin bago sumakay ng kotse.Bakas pa rin sa mga mata niya ang lungkot hayy kung dalawang ticket nga lang ang binili ko edi sana inisama ko na siya.
BINABASA MO ANG
Loving A Casanova Man
Teen FictionPaano kung ang isang taong mahal na mahal mo ay bigla na lang mawala sayo dahil sa kaniyang sakit na hindi mo inakala na mangyayari magagawa mo bang magmahal ng isang taong alam mo ng mawawala sayo? o tuluyan mong pipigilan ang nararamdaman mo.