ALEX POVNasa airport na kami ni Akesha at sasakay na.Napakadami niyang dala para sa family niya nakakatuwa lang talaga tong babaeng to napakabait niya. Napakaswerte talaga ng lalaking mapapangasawa niya. Sumakay na kami ng airplane at hawak hawak ko lang ang kamay niya habang hindi mawala sa mga labi niya ang saya na pilit niyang tinatago pero hindi naman maitago haha.Im happy kasi nakamove on na siya kay Darrel. Speaking of Darrel wala na akong balita sa kaniya after niya umalis ng Pinas. Hinanap ko siya sa America para malaman niya na nasa America na si Akesha pero hindi ko naman siya nakita. Siguro nga hindi niya na mahal si Akesha. Ako eto patuloy pa ring umaasa na mapansin niya. Niya na nakasandal sa balikat ko. Mapansin mo na sana na mahal kita. Mahal kita Akesha. Yan ang dalwang salita na hindi ko masabi sabi sa kaniya.
Ilang oras pa ay nakarating na rin kami sa Pilipinas. Ang ganda nga niya eh. Nakafit skinny jeans white siya at formal blouse sinamahan pa ng napaka natural niyang ganda. Para nga siyang artista ang laki ng pinagbago ni Akesha. Masaya ako para sa kaniya.Sinalubong kami ng mga kamag anak niya pati ng Daddy niya. Si Aaron naman tumakbo agad sa akin. Umuwi kami sa bahay ni Akesha at nagkwentuhan. Umuwi na rin ako sa bahay namin. Pero eto nanaman wala nanaman ang parents ko. Si Ate Hazel lang ang nandito. Ang kaisa isang kapatid ko. Sinalubong niya ako at niyakap. Ang laki na daw ng pinagbago ko. Naman? nangbola pa eh no? Hanggang sa naitanong nanaman niya sa akin si Akesha.
Si Akesha na minahal ko sa loob ng dalwang taon. Si Ate Hazel lang ang nakakaalam ng nararamdaman ko para kay Akesha. At inasar niya ako ng malaman niya na hanggang ngayon hindi pa rin alam ni Akesha na mahal ko siya. Natatakot kasi ako natatakot ako na malaman na si Darrel pa rin ang mahal niya. Natatakot na baka lumayo siya sa akin.AKESHA'S POV
Im back ngayon lang ako nakarating dito sa mansion na pinatayo ko. Sa picture ko lang kasi ito nakita. Graduating na pala si Aaron ng elementary. Si Mama naman nagpaplano ng magpatayo ng restaurant na tutulungan naman ni Papa. Si Daddy naman bumalik na ulit sa America. Si Alex ayon nasa bahay na niya at bukas na lang kami magkikita sa office. Excited much! to manage a company.
Sino ba kasing accountant ng company na yun at nag kaganon.May makakapartner pala kami ni Alex para maging guide daw namin. Hindi ko pa siya nakikilala pero bukas na namin mamemeet.Sina Mama excited at tuwang tuwa sa mga pasalubong ko. Sa kabila ng success life ko parang may kulang pa rin. Hindi ko alam kung ano pero ang alam ko lang may kulang pa.
KINABUKASAN
Maaga ako nagising.Hindi ako nakatulog na ayos sanay kasi ako na may katabi si Alex.Namimiss ko na agad ang kumag na yon hahaha. Naligo na agad ako at pagbaba ko luto na pala yung breakfast namin. Si Mama at Papa tulog pa si manang ang nagluto ng breakfast ang agad. Ah after kong kumain inayos ko na ang sarili ko for the business meeting mamaya. First time kong gagamitin tong kotse ko. I love it!
Pagdating ko sa office nakita ko na ang sasakyan ni Alex. So ibig sabihin late pa ako ng lagay na ito? hahaha.
Pag pasok ko ng building napakadaming nakatingin sa akin bumati ng goodmorning mam.Taray feeling may ari ng company.
14th floor. Nakarating nako sa wakas. Bakit parang kinakabahan ako ngayon.Bubuksan ko na ang sliding door. Tanaw ko ang dalwang lalaki na masayang nag uusap. Aba lalaki pala ang partner namin. Pumasok na ako atDARREL?
END OF POV
BINABASA MO ANG
Loving A Casanova Man
Fiksi RemajaPaano kung ang isang taong mahal na mahal mo ay bigla na lang mawala sayo dahil sa kaniyang sakit na hindi mo inakala na mangyayari magagawa mo bang magmahal ng isang taong alam mo ng mawawala sayo? o tuluyan mong pipigilan ang nararamdaman mo.