DARREL POV
Andito ako ngayon sa parking lot pinahabilin ko na muna itong sasakyan at ibinaba ang maleta ko at ilang mga gamit. Sasama ako kay Akesha sa Cebu hindi ko kayang malayo sa kaniya.Gumawa ako ng paraan kahapon makabili lang ng ticket buti na lang si Mommy maraming connections kaya madali akong naibili ng ticket. Walang kaalam alam si Akesha kaya natatawa na lang ako sa kaniya kanina.Pero yung kanina?hmm yung totoo nagandahan ako sa kaniya.Naakit ako sa ganda niya muntik ko na ngang magawa ang hindi dapat buti na lang malakas ang self control ko.Mataas ang respeto ko sa babaeng yon eh.Ngayon naglalakad ako papuntang waiting area.Nakita ko si Akesha nakaupo at nagsasoundtrip.Malapit na ako sa kaniya at mukang nabigla siya sa dala dala ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at tiningnan niya rin ang dala dala kong mga gamit at maleta.Hahahaha
"Tara na malelate na tayo sa flight naten."
Aya ko sa kaniya na hanggang ngayon clueless paren at tulala.Hinawakan ko ang kamay niya at itinayo siya.
"pano----" -Akesha
Takang taka talaga siya ha?hahaha
Hinawakan ko na lang ang kamay niya at kinausap ang mga mata niya na nagsasabing tara na umalis na tayo.Hanggang sa makasakay na kami ng eroplano.Nakatingin lang siya sa harapan at tulala hahahaha." Mahal?" sabi ko. Tumingin siya sa akin at tumaas ang kaliwang kilay niya wahahahaha!Ang cute niya talaga.
"Hindi ko maintindihan? Darrel ?pano---"
Pinutol ko na ang sasabihin niya alam ko pag nag salita to dirediretso na .
"Bumili ako ng ticket kahapon para makasama sayo. Ayokong mapalayo sayo Mahal."
Nag iba ang ekspresyon ng muka niya at namula ang mga pisngi niya.Hayy nako ang mahal ko talaga.Sumandal siya sa balikat ko at hindi ko namalayan na tulog na pala siya.
Pagkatapos ng almost 1 hour nakarating na kami ng Cebu City Airport. Pero tulog pa rin ang mahal ko.
"Mahal gising na andito na tayo"
Minulat niya ang napakaganda niyang mga mata at tumingin sa relos niya nagulat siya kasi 10 am palang. Bumaba kami ng eroplano at kumain sa isang foodshop.Pagkatapos naming kumain sumakay na kami sa taxi papuntang Mactan.
Tabing dagat pala ang bahay nila Akesha.Nang nasa loob kami ng taxi para siyang kinakabahan na ewan ang lamig lamig ng mga kamay niya.
"May problema ba?"
"Kinakabahan ako sa reaksyon ng mga magulang ko pag nakita ka nila.Hindi pa kasi ako nagpapaalam na may boyfriend na ako.Sorry Mahal"
Nag aalala niyang sagot.Well wala talaga siyang alam no?hahaha tinawagan ko lang naman ang Mama niya kahapon at kinausap kung pwede akong sumama.Matagal ng alam ng mga magulang niya na may boyfriend na siya.Hinawakan ko lang ang nga kamay niya at tiningnan siya sa mga mata na sinasabi na wag kang mag alala.
Tumigil kami sa isang maliit pero simpleng bahay.Dalwang palapag siya at makikita ang natural na disenyo ng bahay napaka simple.Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok ng gate.Sumalubong sa amin ang isang nasa 45 na taong gulang na babae at isang bata na siguro ay nasa pitong taong gulang palang.
Niyakap agad ni Akesha ang Mama niya siguro na para bang miss na miss na nila ang isat isa.Nakakatuwa naman at ang bata naman ay nakayakap din kay Akesha. Napatingin sa akin ang Mama ni Akesha at bumitaw sa pag kakayakap niya.Nag iba ang ekspresyon ng muka ni Akesha na natatakot na at inaabangan ang sasabihin ng kaniyang ina."Hello po Mrs.Perez ako nga po pala si John Darrel Ford Santos.Nice to meet you po Mam"
Diba parang na sa school lang?haha ngumiti siya at hinawakan ang mukha ko? hanla?
BINABASA MO ANG
Loving A Casanova Man
JugendliteraturPaano kung ang isang taong mahal na mahal mo ay bigla na lang mawala sayo dahil sa kaniyang sakit na hindi mo inakala na mangyayari magagawa mo bang magmahal ng isang taong alam mo ng mawawala sayo? o tuluyan mong pipigilan ang nararamdaman mo.