Akesha POV
5 a.m in the morning
Ang aga ko namang magising.Nakahiga lang ako ngayon at nakatingin sa kisame.Mamayang 7am andito na ang family ko para sa Graduation ko mamaya.
Grabe gagraduate na ako.Anim na buwan nalang matutupad ko na ang pangarap ko.Hindi naging madali sa akin ang ilang buwan na nagdaan na hanggang ngayon pinagdadaanan ko pa rin.Lalo na nung mga unang linggo na malaman ko na umalis na si Darrel.Iyak lang ako ng iyak gabi gabi akong hindi nakakatulog at madalas hindi kumakain. Lagi kong iniisip kung ano bang naging kasalanan ko kay Darrel bakit niya ako iniwan? saan ba ako nagkulang? nasan siya? anong ginagawa niya? bakit?Eto nanaman ang mga luha ko.Pumapatak nanaman ang sakit kasi eh.Ang sakit sakit akala ko siya yung lalaking magmamahal sa akin ng totoo.Yung lalaking hindi ako iiwan ung hindi nang iiwan sa ere. Pero hindi pala, tanggap ko na wala na siya kasi isang taon na ang lumipas. Maswerte pa rin ako kasi nanjan si Alex lagi para sa akin. Si Alex na lagi kong kasama.
Hay tama na nga ang drama.Tumayo ako at inayos ang kama ko.Naligo nako at nag ayos ng sarili ko.Biglang may kumatok sa at dumating na si na Mama.
Pumunta na kami ng school at si Aaron hangang hanga sa school namin.Gusto niya rin daw mag aral dito.Hinanhanap naman niya ang kuya niya na nagpasikip ng puso ko.Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila na wala na kami.
"Nak nasan si Darrel?"
Ayan na nga ba sinasabi ko.
"Ahh .. ehhh ... ma tara na?male late nako."
Tumingin siya sa akin at si Papa naman inakbayan na ako.Mukang nakuha na nila ang gusto kong sabihin.Pag pasok namin ng gym.Sinalubong kami ni Alex.Nagpakilala siya kay Mama at Papa.Si Aaron naman si Kuya Darrel pa rin daw ang hanap niya.
Natapos ang graduation at kumain lang kami sa labas ng family ko inaya ko sila na pag nakapag trabaho na ako.Dito na sila titira.Habang nakain kami sa isang fastfood dito sa mall may biglang lumapit sa amin na nagpalaki ng mata ko.
Si Daddy na may dala dalang pink roses at small box.Aba kelan pa umuwi ng bansa si Daddy? hindi naman ata nababalitaan.Pinuntahan ko siya at yumakap ako agad sa kaniya.Namiss ko ang tatay ko.Ngayon ko lang ulit siya nakita.
"Anlaki laki ng prinsesa ko ah? Congratulations Akesha.Im so proud of you"
Niyaya ko siya na sumabay sa amin pero tumanggi siya inabot niya sa aking mga pink roses at isang small box.Ano to?
pagbukas ko isang susi.Huh? at isang certificate."Daddy? ano to?"
Pinagpaalam niya ako kina Mama at sina mama naman pumayag uuwi na rin daw sila sa dorm ko pagkatapos.Sumama ako kay Daddy at dinala niya ako sa isang garahe.At nakita ko ang isang red car na mau ribbon sa unahan.
"Gift ko sayo anak."
"what!waaaa thank you daddy!Thank you!"
Agad akong sumakay sa kotse at inistart ito.Pinasakay ko si Daddy at nagdrive ako.Bumaba kami at bumalik sa garahe.May nakalimutan palakong basahen pa yung certificate.Nakita ko na isa siyang certificate na tinatanggap ako sa ibang bansa bilang CPA ng isang company.Agad agad? Kahet hindi pa ako nakakapagtake.Wow may trabaho na agad ako! Niyakap ko si Daddy at sobrang saya ko.
After 7 months
Andito ako ngayon sa harapan ng laptop inaabangan ang result ng board exam.Kinakabahan nanaman ako ano ba yan.Kailangan kong makapasa para matuloy ako sa pagpunta ng America next year.
loading...
loading...
loading...
result
Nagtype ako ng letter p at hinanap ang name ko.PEREZ, AKESHA MAINE DAINE
waaaaaaa!!!!!!
Nakapasa ako CPA na ako!waaaa!
Tinawagan ko agad si na Mama at Papa para sa balita.Si Daddy naman kinausap ko na sa skype at sabi niya ayusin ko na daw ung visa ko para makaalis na ako ng bansa. Tinawagan ako ni Alex at inabangan niya rin pala ung result pareho kaming nakapasa. Gusto daw niyang sumama sa akin sa America.Hayy sana kung nandito si Darrel kasama ko siya sa tagumpay ko kaso wala eh
BINABASA MO ANG
Loving A Casanova Man
Teen FictionPaano kung ang isang taong mahal na mahal mo ay bigla na lang mawala sayo dahil sa kaniyang sakit na hindi mo inakala na mangyayari magagawa mo bang magmahal ng isang taong alam mo ng mawawala sayo? o tuluyan mong pipigilan ang nararamdaman mo.