JOHN DARREL FOR SANTOS POV
Ang aga pumunta sa meeting namin ng bagong inasign ni Mr.Lee na magmamanage ng company nila. Dalwang couple daw sabi ni Mr. Lee. Pagdating ko sa office wala pa sila hanggang sa nagbukas na bigla yung door at nakita ko si ALEX?
Nabigla siya ng makita ako. Ilang segundo kaming nagkatinginan at lumapit siya.
"Darrel san ka galing? anong nangyare sayo?"
Hindi ako nakapagsalita at nagkwentuhan na lang kami at nagtawanan.
"Ay may girlfriend ka na pala? Alex sino naman yon? ha?"
"Huh?"
pagtataka niya? weird.
"Yung sabi ni Mr.Lee couple daw ang bago naming president eh"
Tapos biglang nagbukas ang door at si....
"DARREL?"
Si Akesha? ang babaeng ang tagal tagal kong hinanap. Natulala siya at nagkatitigan kami.Akala ko aalis siya pero ngumiti siya at nagkiss sa cheeks ni Alex.Anong ibig sabihin nito ? sila na ng bestfriend ko? habang nagdidiscuss ang secretary namin about sa company.Hindi ko maiwasang tumingin kay Akesha na tahimik na nakikinig sa secretary namin. Magkaholding hands pa talaga silang dalwa ni Alex ha? sa harapan ko pa?
Ang laki ng pinagbago ni Akesha. Ang laki ng ginanda niya. Nagmature na siya sobrang ganda na para bang isa siyang model o artista sa America. Ang swerte naman ni Alex kay Akesha. Siguro nga nakalimutan na ako ni Akesha nakalimutan niya na lahat lahat.
Pagkatapos ng meeting namin pumunta na si Akesha at Alex sa office nila. At ako pumunta na sa mga kasama ko. Hanggang ngayon tulala parin ako hindi ko lubos maisip na si Akesha ang boss ko.Napansin ata ng mga katrabaho ko tulala ako.
"Oy?napagalitan ka ba agad ?hahaha"
"Tanga hindi."
"oh eh? bat ka ganan? nakita ko ung bagong president natin ah.Ang pogi nung lalaki at ang ganda ganda naman nung girlfriend niya.Bagay na bagay sila ano Darrel?"
wow sige ipamukha niyo pa saken kung gaano ako katanga.Nainis ako at lumabas na ng building. Nung gabi na pumunta na lang ako sa isang bar at uminom. Grabe anong nangyare? alam kong bawal sa akin ang alak pero sa tingin ko ito ang kailangan ko ngayon.Ang sakit sakit makitang masaya na siya.Masaya sa piling ng iba.Shit! Ang tanga tanga ko!
Bumalik sa akin ang lahat ang lahat ng nangyare.
FLASHBACK
3 years Ago
Nagising ako at nakita ko ang isang babae? si Mommy.
"Doc okay na ba siya?"
"Hmm Yes Mrs.Santos need niya lang ngayon magrest at more medications para magtuloy tuloy na ang pag galing niya. Ngayon na gising na siya we should take him sa America para mas maganda ang operation na gagawen sa puso niya."
Nasa ospital pala ako. Hindi ako makapagsalita at medyo malabo pa ang paningin ko pero pilit ko pa rin hinahanap si Akesha. Nasan siya? bat wala siya dito.
Lumapit sa akin si Mommy at hinalikan ako sa noo.Sinabi niya sa akin na magpagaling ako at umiiyak pa rin siya.Kasalanan ko to hindi ko dapat inabuso ang katawan ko." Akesha?"
pagtatanong ko
Tumingin lang sa akin si Mama at sinabi na wala na si Akesha. Na hindi ko na kailangan hanapin si Akesha dahil masasaktan lang si Akesha sa oras na malaman na may malala akong sakit. Iyak ako ng iyak na lalong kinasama ng katawan ko. Humina lalo ang puso ko.Dinala ako ni Mommy sa America at hindi na ako nakapag paalam kay Akesha. Pero pinangako sa akin ni Mommy na may mag aalaga kay Akesha at yun ay si Alex. Inoperahan ako sa puso. Maliit ang chance na mabuhay ako pero sinubukan ko pa rin mag pa opera. Wala na rin namang kwenta kung mabubuhay ako wala na ang babaeng nagpapatibok ng puso ko. Pagkatapos ng halos isang taong operasyon. Gumaling ako at naghilom ang sugat sa puso ko. Mahina daw ang puso ko at mabagal ang pagtibok. Kaya doble dapat ang ingat. Nag pagaling ako sa America.Sa mga oras na to malamang nagtatrabaho na si Akesha. Sana maganda na ang buhay niya. Namimiss ko na ang babaeng yun. Ang babaeng mahal na mahal ko. Bumalik ako ng Pilipinas at hinanap siya pero nakalipad na daw si Akesha sa America.Hinanap ko ang pamilya niya sa Cebu pero lumipat na daw ito ng bahay. Hanggang sa nagtrabaho ako sa isang company bilang auditor. At nakaipon ako isang taon ulit ang lumipas bumalik ako sa America para hanapin si Akesha.Hanggang isang araw habang namimili ako ng pasalubong sa Mommy ko sa paguwi ko kinabukasan sa Pilipinas.Nakita ko si Akesha na sasakay ng taxi.Hinabol ko siya at tinawag pero sa dami ng tao hindi ko siya naabutan.Sure ako na siya si Akesha.
Umuwi na ako ng Pilipinas kasi may meeting pa ako bukas para sa bagong CEO president ng company.Pero hindi ko inakala na si Akesha at Alex pala sila. Nasasaktan ako dapat ko pa ba siyang ipaglaban kahit na alam ko sa sarili ko na maigsi lang ang buhay ko na kahit maging kami sa huli iiwan at iiwanan ko pa rin siya.end of flashback
Gusto kong sumigaw magwala ! at magtanong sa Diyos kung bakit nagkakaganito ako! nagagalit ako sa sarili kong katawan. Nasasaktan ako na nagpapahina ng loob ko. Ipaglalaban ko siya? o dapat ko na lang bang hayaan na maging masaya siya sa piling ng taong mag mamahal talaga sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Loving A Casanova Man
Genç KurguPaano kung ang isang taong mahal na mahal mo ay bigla na lang mawala sayo dahil sa kaniyang sakit na hindi mo inakala na mangyayari magagawa mo bang magmahal ng isang taong alam mo ng mawawala sayo? o tuluyan mong pipigilan ang nararamdaman mo.