Chapter 13: With you

1 0 0
                                    

AKESHA  POV

May naramdaman akong yumayakap sa akin at nararamdaman ko ang pag hinga niya sa akin.Napakabango naman nitong nilalang na ito.Amoy pa lang alam kong ang lalaking pinakamamahal ko na ito.Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at tama nga si Darrel nga tong kayakap ko ngayon.Ang aga naman niya pumunta madilim pa ah? May susi kasi siya ng dorm ko at nakakapasok siya dito anytime.Napansin niyang gising na ako.

"Goodmorning mahal I love you."

Sinabi niya yan habang nakatingin sa akin at pinagpatuloy niya ang paghaplos sa buhok ko. 2 a.m na ang aga niya pumunta dito.Nanatili kami ng ganon  ng ilang minuto tapos bumangon na rin siya at pinabangon na rin ako para maligo.

Pagkatapos kong maligo  na mahigit isang oras nakita ko na may nakaready ng breakfast sa lamesa.How sweet naman this boy!

Napatingin siya sa akin oh my andito nga pala siya sa couch.Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.Ano ba yan nakalimutan ko nga pala na nakatowel lang ako ngayon.Nakatowel lang yung middle part ko.Shemaks !
Lumapit siya sa akin.Ee anong plano nito?
At lumapit ng lumapit ng lumapit hanggang sa ramdam na ramdam ko na ang paghinga niya.

"MAGBIHIS KANA."

HUWHAT!? sabay tawa niya.Tawa lang siya ng tawa parang sira? akala ko kung ano na eh.Nagbihis na ako at kumain na kaming dalawa.At habang  kumakain kami nakangiti pa rin siya ng nakakaloko.Hanggang sa umalis na kami ng dorm sa biyahe tahimik lang siya at nakangiti.Habang hawak niya ang isang kamay ko habang nag mamanaho.Delikado to ah? pero sabagay magaling naman siya magmaneho.Bakit kaya ang saya saya niya? dahil ba ito sa nangyari kanina? o excited lang talaga siyang umalis ako kasi makapangbabae siya!?Hindi ko na napigilan magtanong kasi nakakacurios talaga ang mga ngiti niya.



"Mahal?"

"hmm why mahal?" /sabi niya habang ngiting ngiti pa rin.

"Masaya ka ba kasi aalis na ako?at magiging malaya ka na?"

At tumawa na naman siya ng napakalakas.Tawa siya ng tawa ee muntanga muka ngang masaya siya pag umalis na ako.Hayy nako.Inalis ko ang kamay ko sa pagkakapit niya at tumingin na lang ako sa bintana.After half hour nakarating na kami ng airport. Binaba niya ang mga gamit ko.

"Wait mo ako sa waiting area ha? may bibigay lang ako sayo bago ka umuwi."

Sabi niya habang bumalik na siya sa kotse at pupunta ata sa parking lot. Okay na paaga kasi kami eh 6:40 pa lang ngayon. Dumiretso na ako sa waiting area. Hay mamimiss ko si Darrel may part na gusto kong umalis gawa ng family ko.May part rin na ayoko kasi mapapalayo ako kay Darrel ng isang buwan.May na kasi ako makakauwi for the enrollement.Hay nako....

Loving A Casanova ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon