Chapter 17 : Broken

0 0 0
                                    

Alex pov

Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit kailangan hindi malaman ni Akesha ang lahat na kailangan ko pang ibigay tong fake letter na to na ginawa ng Mama ni Darrel kay Akesha.Naawa ako kay Akesha lalo na nung isang araw na umiyak siya sa harapan ko.Nakokonsensya na ako siguro kung gising si Darrel ngayon hindi niya ito gugustuhin.Papunta ako ngayon sa park andon sigurado si Akesha. Don siya lagi nag aantay, nag aantay kay Darrel.

Lumapit ako sa kaniya at bakas sa mga mata niya na kaiiyak niya lang habang hawak hawak ang isang kwintas.Tumingin siya sa akin at pinunasan ang mga luha sa mga
mata niya. Ngumiti siya ng may pait tinanong kung bakit ako nandito.Inabot ko ang isang sulat na hindi ko alam ang laman.Tinanong niya ako kung kanino galing pero nabasa niya na galing kay  Darrel.Nakokonsensya na ako pero sabi sa akin ni Tita ako na ang bahala kay Akesha.

AKESHA POV

ISANG sulat mula kay Darrel? Nagtataka akong binuksan ang puting papel na to.Nakatingin lang si Alex habang binubuksan ko ang sulat.

Dear Akesha,

Pasensya kana kung hindi na ako nakapag paalam sayo. Akesha lagi mong iingatan ang sarili mo tuparin mo ang pangarap mo. Salamat sa pagmamahal na binigay mo sa akin pero hindi mo ako deserve.Isa akong playboy pagdating ng araw maiintindihan mo rin kung bakit ako nawala. Minahal kita sa ngayon mababasa mo ito nasa America na ako.Umalis ako nung pagka uwi natin mula sa Cebu.

Paalam

Darrel,

Dahan dahang pinupunit ang puso ko at hindi ko napigilan ang emosyon ko niyakap ako ni Alex at umiyak nanaman ako.Ayokong maniwala at hindi ako maniniwala mahal ako ni Darrel alam kong mahal niya ako.Sinabi niya yun nangako siya.Mahal niya ako pero ang katotohanan wala na siya.Bakit niya ako iniwan? Bakit siya umalis ng hindi nag papaalam? Bakit kailangan niyang paniwalain ako na hindi niya ako iiwan tapos bigla naman siyang aalis.Nasan kana Darrel? totoo kayang nasa America na siya.


ALEX POV

Hinatid ko na pauwi si Akesha sa bahay niya. Tahimik lang siya habang nakasakay sa kotse. Gusto ko siyang samahan at icomfort pa pero sabi niya gusto daw niyang mapagisa.Kailangan kong ingatan si Akesha kasi yun ang bilin sa akin ng Mama ni Darrel.

Halos dalawang buwan na ang lumipas at nag sisimula na ang school year.4rth  year na pala kami.Si Akesha medyo okay na naman siya.Madalas umiiyak siya ng biglaan pero andito naman ako lagi para sa kaniya. Lagi kaming magkasama kasi pareho naman kaming BSA student.Nag focus sa pag aaral si Akesha hanga ako sa tapang niya.Ngayon andito kami sa library at tinititigan siya na kasalukuyang nag aaral.

"Kanina mo pa ko ninanakawan ng tingin"

Pang aasar niya at tumingin siya sakin ng nakangiti.

"Mag aaral kaba o titigan mo lang ako?nagagandahan ka sakin no?hahaha"

Hanla ? nangasar pa.Binalik ko nalang ang mga tingin ko sa libro. Ngayon alam ko na kung anong nagustuhan ni Darrel kay Akesha.

"Alex uwi na ako may report pa kasi ako bukas."

Inaya ko siya na ihated siya dalwang buwan ko na rin siyang pinagsisilbihan hahah.Hatid sundo ko si Akesha at ako lang ang lagi niyang kasama hindi ko rin mapigilan na mahulog sa kaniya.Habang nag mamaneho kami nakatulala nanaman siya siguro iniisip niya nanaman si Darrel.

"Nasan na kaya si Darrel?"

Aray.Ang sakit namang isipin na ako yung kasama niya pero iba yung iniisip niya.

"Nevermind."

Ngumiti lang siya sa akin na alam ko naman na fake.Namuo nanaman ang mga luha sa mga mata niya pero agad niya itong tinanggal.Hinatid ko na siya sa bahay niya.
At nanatiling ganito kami sa loob ng isang taon.

Loving A Casanova ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon