Darrel POV
Ilang linggo na ang lumipas at masaya ako na nakasama ko at nakilala ang pamilya ni Akesha.Ngayon pauwi na kami at nakasakay na sa eroplano.Umiyak pa nga si Akesha bago siya umalis.Nang nakarating na kami sa Manila hinatid ko na siya sa dorm niya at alam kong pagod na pagod siya.
Pag uwi ko hindi na kinaya ng katawan ko ang pagod at bumigay na ako.black out
Alex POV
Nakareceive ako ng tawag mula kay Tita na nasa hospital daw si Darrel. Hay nako ano nanaman kaya ang ginawa niya kaya siya nagkaganon.Papunta ako ngayon sa hospital para icheck kung okay lang ba siya.
Pagdating ko nakahiga lang siya at ang daming nakasaksak sa kanyang mga ibat ibang gamot.Natutulog siya at nakita ko si Tita na umiiyak.Pinuntahan ko siya at tinanong kung anong nangyare.Tatawagan ko na sana si Akesha pero pinigilan ako ni Tita. Ang bilin daw kasi sa kanya ni Darrel wag na wag sasabihin kay Akesha.Ano ba ito? nababaliw na ba siya.Girlfriend niya si Akesha bakit kailangan niyang itago.Sinabihan ako ni Tita na wag sasabihin at baka bukas ay dalhin na sa America s Darrel para sa isang operation.Akesha POV
Tanghali na pero me isang text wala pa akong narereceive na text sa mahal ko. Kanina ko pa siya tinatawagan pero unattended naman.Nag aalala na ako, kaya pumunta na ako sa bahay nila.
"Manang!manang!tao po!"
Kanina pa ako nag dodoorbell walang nalabas. Aba nasan sila parang walang tao o wala talagang tao. Hay Darrel nasan kana ba? Pumunta ako sa school kasi baka nag eenroll na siya kaso wala siya don pati sa private room.Wala rin ano ba to naiiyak nako.Si Alex baka alam niya kung nasan si Darrel.Nakita ko si Alex na may kausap sa phone.
"Alex!"
Tumingin siya sa akin at parang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya napara bang kinakabahan.Lumapit ako sa kanya.
"Nakita mo ba si Darrel? kanina ko pa kasi hinahanap ih"
"ahh...eh... hmm hindi eh"
Aray...bakit ganon parang pumipiga sa puso ko.Nasan kana ba Darrel? Hindi ko namalayan na may pumapatak na palang luha sa mga mata ko.Umiiyak na pala ako.Niyakap ako ni Alex at lalo akong umiyak. Darrel nasan kana...
BINABASA MO ANG
Loving A Casanova Man
JugendliteraturPaano kung ang isang taong mahal na mahal mo ay bigla na lang mawala sayo dahil sa kaniyang sakit na hindi mo inakala na mangyayari magagawa mo bang magmahal ng isang taong alam mo ng mawawala sayo? o tuluyan mong pipigilan ang nararamdaman mo.