Akesha POVAntagal naman ata ni Darrel magbihis. Andito ako ngayon sa beach. Naglalaro kami ni Aaron ng buhangin gagawa daw kasi siya ng casel para sa prinsesa niya daw.
"Baby aalis muna si Ate ha.Don't go to the beach without Ate ha? puntahan ko ng si kuya mo para madame kang kalaro"
"hmmm Yes po Ate"
Tumayo ako at papunta ako ngayon sa room namin ng makita kong kalalabas lang ni Darrel sa kwarto at naka short at sando lang siya.Ngumiti siya sa akin at inakbayan ako.Inaya niya na akong lumabas at magswimming na. Si na Mama at Papa ay nasa pool sa Pansacola Resort sawa na daw sila sa dagat kaya don na muna sila.Pinuntahan namin si Aaron at naglaro kami sa dagat.Nagtampisaw kami at nagswimming.Inaya niya rin ko na sumakay ng bangka at wala akong ginawa kundi magselfie ng magselfie.
Nag aya naman si Darrel na pumunta sa isang souvenir shop. Nagpakamalan pang anak namin si Aaron.Bumili siya ng couple shirts, key chains , t shirts para kay Mama at Papa pati na rin kay Aaron.Whole day magkasama lang kami hanggang sa dumilim na si Mama at si Papa nasa room na nila at tulog kasama na nila si Aaron.Ako naman andito sa labas nakatingin sa karagatan at nakaupo sa buhangen.Si Darrel? hinated niya si Aaron sa kwarto ni na Mama kasi nakatulog na sa balikat niya.Ewan ko lang kung bat hindi pa siya nabalik.Ang saya saya naman pag nakasama mo ang mahal mo. Yung pakiramdam na sana wag ng matapos. Sana wag siyang magbago. Hayy dati dati hindi ako naniniwala sa love na yan. Tulad nga nung sinabi ko noon choice mong magmahal so choice mo rin masaktan. Nararamdaman ko ang sobrang saya pero bakit parang mawawala siya sa akin. Bakit parang namimiss ko aiya kahit kasama ko naman. Ayokong masaktan sana wag niya akong iwan. Sana bukas ako pa rin ang mahal niya.
Biglang may tumabi sakin.Si Darrel na inakbayan pa ako at sinamahan ako sa pagkakaupo ko.Tinannong ko kung nasan na si Tutoy at tulog na daw ito.Sumandal ako sa balikat niya pero agad niya ring hinawakan ang mukha ko at tinapat sa mukha niya.
"Akesha mahal na mahal kita. Salamat sa pagmamahal na binibigay mo. Ikaw lang ang mamahalin ko"
Lumambot naman ang puso ko ng halikan niya ako sa noo... sa ilong... at sa lips.Sinagot ko naman ang mga halik niya ng matamis na halik rin.Parang kami lang ang tao at punong puno ito nang pagmamahal.
"I love you" bulong niya sa akin.
Mga isang oras ang kumipas inaya niya na ako na mahiga na kasi masyado na daw gabi at natulog na kami ng magkatabi sa kama.
BINABASA MO ANG
Loving A Casanova Man
Teen FictionPaano kung ang isang taong mahal na mahal mo ay bigla na lang mawala sayo dahil sa kaniyang sakit na hindi mo inakala na mangyayari magagawa mo bang magmahal ng isang taong alam mo ng mawawala sayo? o tuluyan mong pipigilan ang nararamdaman mo.