Chapter 24: Death

1 0 0
                                    


Akesha's POV

I WAS ALONE HERE AT  PARK WAITING FOR DARREL. May usapan kasi kami na mag kikita kami ngayon. Nga pala 2 months past at nagdecide kami ni Darrel na magpakasal na.Bilis diba? hahaha.Kumakain ako ngayon ng mangga again.Ewan ko ba hilig ko talaga to. Medyo nagbago ang katawan ko ang daming nagsasabi na tumataba daw ako.Pero siguro sa katakawan ko na yon. Pero syempre mag papacheck up na rin ako sa Doctor kasi ilang araw na akong nagsusuka at delay na rin ako. Ilang oras na akong nag aantay wala pa rin si Darrel hanggang sa may na receive akong text mula kay Alex na nasa ospital si Darrel.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o anong gagawen ko.Sinabihan ako ni Alex na wag akong aalis dito at pupuntahan niya ako. Pumunta kami sa ospital at nasa ER siya. Oh God please wag nyo siyang kukunin sa akin. Iyak ako ng iyak niyakap lang ako ni Alex at pilit na pinapatahan. Lumabas ang doctor at kinausap ang Mommy ni Darrel. Umiyak naman ito. Ano ba anong nangyayari kay Darrel? lumapit ako kay Tita at niyakap niya ako. Tinatanong ko siya pero ayaw niyang magsalita. Pumasok ako ng ER at nakota kong tulog si Darrel na may nakakabit paring oxygen. Lumapit sa akin si Tita.

"Konti na lang ang natitirang buhay niya. Sabi ng Doctor mahina na talaga ang puso niya."

Dinala na si Darrel sa isang private room at ako eto na sa tabihan niya. Gabi na at hanggang ngayon binabantayan ko pa rin siya. Hindi pa rin kasi siya gumigising.Tulog na sina Tita at si Alex naman umuwi na.

"Mahal gising kana... Magpagaling ka... labanan mo yung sakit mo please. Labanan mo ang puso mo."

Nagsimula na naman lumuha ang mga mata ko at kahit hindi niya ako naririnig alam kong nararamdaman niya ako.

"Mahal na mahal kita Darrel. Please wag mo akong iiwan. Please Darrel."

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito.Napakalamig ng kamay niya.

"Darrel kung naririnig mo man ako please wag mo akong iiwan.Madami pa tayong pangarap diba? magpapakasal pa tayo. Bubuo pa tayo ng pamilya ah? tapos tatanda pa tayo. Please Darrel wag kang sumuko lumaban ka"

Napansin kong gumalaw ang mga kamay niya at tinawag ko agad ang Doctor.









Loving A Casanova ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon