This is a work of Fiction. Names, Characters, businesses, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual Persons, Living or Dead, or Actual events is purely coincidental.
All Rights Reserved
Kabanata 1
"Jenevva... Gising na. Tanghali na't tulog ka parin."Iminulat ko ang aking mga mata at agad bumungad ang mukha ng Ate Athena. Tumaas ang isang sulok ng aking labi at napahawak sa aking noo.
Ang sakit naman ng ulo ko.
Umaksyon akong uupo upang maka-usap siya ng maayos ng bigla niya akong alalayan. Ramdam siguro nito na nahihirapan akong umupo.
Ang bigat pa rin talaga ng buong katawan ko. Nakakapagod tumayo. Nakita ko ang pagtiim bagang nito ng alalayan ako. Hindi naman ako mabigat eh! ngumuso ako pero ngumiti lamang ito at hinawi ang buhok niya na tinatabunan na ang kanyang mukha.
"Kung maliligo ka pa, bilisan mo ha? Para makakain ka na." Tinapik nito ang balikat ko. Bago umalis sa higaan ko.
"Sige po." Sagot ko.
Lumabas agad ito at sinarado ng dahan-dahan ang pintuan ng aking kwarto upang hindi makabuo ng malakas na ingay. Nawala agad ang ngiti sa aking labi ng mawala ito sa aking paningin. Dahan dahang nanghina ang aking mga tuhod kaya kesa mapaupo sa panghihina ay naglakad agad ako patungo sa Cr.
Nailibot ko ang aking paningin sa buong Cr. Sa hindi ko malamang dahilan ay marami akong alaalang naalala bigla.
Memories
Mga alaalang kay sakit kung maalala. Nasapo ko ang sarili kung noo at napailing.
"Enough Jenevva! Just like what Ate Athena said 'Bilisan mo'." Sabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin.
Marami na nga ang nagbago. Kahit ako ay unti-unti na ring nagbabago. Kunti na lang at kakayanin ko na ang lahat ng ito.
Dumeretso agad ako sa shower upang makaligo na. Napa-ungol ako dahil sa malamig na tubig na lumapat sa aking balat. Napangiti ako ng hindi ko namamalayan. Parang kahapon lang ay ang saya pa naming lahat. Yung walang iniisip na problema. Hindi ko man lang naisip na matatapos din pala agad ang lahat.
Inabot ko ang shampoo at naglagay ako sa aking kamay. Pinabula ko muna ito bago inilagay sa aking buhok. Mahaba na pala ang aking buhok, katulad ng gusto niya. Hindi ko man lang namalayan ang paghaba nito. Parang kelan lang ay hanggang balikat ko lang ito. Ngayon, hanggang bewang ko na.
Nagsabon ako ng sobrang tagal. Sa rami ng iniisip ay napapatagal ako sa aking pagligo. Minsan ay nawawala ako sa aking sarili dahilan para hindi ko namamalayan na nagtatagal na pala ako ng higit isang oras dito sa Cr.
"Anak? Okey ka lang ba dyan? Kanina ka pa kase dyan sa loob, nak. Nag-aalala na ako."
Napabuntong-hininga ako. I always failed not to make this family worried. Kahit ako ay nag-aalala sa sarili ko, hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin ko. Hinablut ko ang tuwalya na nasa Bath Tub. Pinaikot ko ito sa aking katawan. Bago ako lumabas ay napatingin muna ako sa salamin at napatingin sa aking buong mukha.
Binuksan ko ang pintuan ng Cr at tumambad sa akin si Mama na bakas sa mukha ang pag-aalala na kahit si Ate Athena at ang asawa nito ay ganon din.
Wala naman akong ginawa ah!
"Naliligo lamang po ako, Ma."
Hinawakan nito ang braso ko ng mahigpit. Nilalamig ako kanina pero nawala iyon dahil sa mainit na hawak ng Mama. Ramdam ko parin ang sakit sa kanya kase parehas lamang kaming nawalan. Aamba siyang sasalita pero umiling lamang ako at pilit na ngumiti sa kanya. Ito ang pinaka-ayoko ang may maalala tungkol sa kanya. At ang makita lamang si Mama ay naninikip na ang Puso ko.
"Okey lang po ako. Huwag po kayong mag-aalala. Magiging okey din po ang lahat."
Alam kung hindi magiging sapat ang sinabi ko para mawala ang kaba sa dibdib niya. Hindi ko siya masisisi sapagkat ilang ulit kong pinagtangkaang kunin ang buhay ko sa loob ng pamamahay niya. Ilang ulit ko rin siyang nasaktan at napaluha. Na kahit minsan ay hindi niya ginawa.
Nakita ko ang mga luhang dahan dahang dumadaloy sa pisnge niya. Umiiling ito at nahihirapang magsalita. Ramdam ko ang hirap sa kanya dahil sa mahihigpit na hawak niya sa aking balikat. Walang emosyon ko lamang siyang tiningnan, hindi ko alam ang dapat maramdaman. Sa araw-araw na ako'y umiiyak ay unti-unti ring nauubos ang aking luha. Ito nga ba'y nauubos? Mapakla akong tumawa sa utak ko.
Pinunasan ko ng tahimik ang mga luha sa kanyang pisnge. Tahimik na nakamasid lamang sa amin ang mag-asawa at walang balak na sirain ang senaryo naming dalawa.
"Pangako Ma.. lahat ng ito ay matatapos din."
Nakatingin ako sa mga mata niya ng bigkasin ko iyon. Napayakap siya sa akin at napahagulhol. Kung ito ang kapalit ng lahat.
Bakit mas pinili mo ang lumayo at hindi na bumalik pa?
A.N:// What do you think, Readers? Bakit nga ba? Sa susunod ulit. Annyeong 😁😀😊👋
Acaflojah4444 is signing off..
BINABASA MO ANG
Everything Has a Reason
RomantikWithout you has a reason. All the Pain has a reason. You wont leave me without a reason. I know Everything Has A Reason. And later on Everything will be answered by a Reason. But wait.. there's more. I can only accept valid Reason.