•°• Kabanata 9 •°•

17 5 1
                                    

March 30, 2017

Here I am again 😅😅😊 Kaway-kaway para sa inyo 😂✋ Nandito na po talaga ako sa part na wala na akong maisip 😢😅 Nababaliw na ako sa kakaisip kung ano ang isusunod at kung ano ang hindi 😣 Kulang na lang po ay ipadala na po ako sa mental baka sakaling makagawa ako doon nang Kabanata 😂😅 Ahaha basa ka na 😅 Wala namang saysay ang mga sinasabi ko 😂 Binabasa mo pa 😉😉😂

Pagpasensyahan ang mga mali ko 😉 minsan kase bulag ako sa sarili kung kamalian 😂😅

Kabanata 9

Sa limang taon na namalagi ako sa aking kwarto ay wala na akong namumukhaan sa mga kakilala at kaibigan ko. Sa limang taong pagkukulong ay maraming nagbago sa mundong akala kuy kinamumuhian ako.

Pero isa lang ang sigurado ako. Hindi ko kilala ang lalaking nasa tabi ko.

Tutuk na tutuk pa rin ako sa mukha niya at inaalala kong kilala ko ba siya o sadyang nakalimutan ko lang siya. Walang imik kaming nakatingin sa isa't isa. Gusto kong magtanong pero walang lumabas na salita sa aking bibig.

"Hijo.. Salamat at pinasilong mo siya sa payong mo."

Rinig kong pasalamat ni Mama sa lalaking ito. Sa sasakyan pala ni Kuya Aris galing ang ilaw na tumama sa aming dalawa.

"Walang anuman po." Magalang nitong sagot.

"Halika na Jenevva.. This is enough for today."

"P-pero Ma.." Pigil ko sa kanya.

Pero hinila lang ako ni Mama palayo. Napapalingon naman ako sa lalaki kanina at tudo hila naman si Mama sa akin.  Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pakiramdam ko'y may ibig sabihin ang tingin niya.

Ayoko ma'ng lisanin agad ang lugar. Wala akong magawa dahil si Mama na ang pumipigil sa aking magtagal.

"Alam mo ba'ng nag-alala ako ng biglang bumuhos ang ulan. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo."

"Sorry Ma." Paumanhin ko.

Tiningnan niya lang ako at tumango. Hindi ko man lang namalayan ang sariling hinahanap ang lalaking kausap lang namin kanina. Ano itong nararamdaman ko?

Ayoko ma'ng isipin. Pero pakiramdam kuy ito ang plano niya upang maging masaya ako ulit. Pero paano ko masasabing tama ang aking kutob kung isang beses ko lamang siya nakita.

Hindi ko nga alam ang pangalan niya. Ni hindi nga niya magawang ibigkas agad ang pangalan niya. Ako ba'y nahihibang na o mga akala ko lang ang nasa isip ko.

Hindi ko maiwasang mapailing. Nasasaktan pa rin ako. Napahawak ako sa aking dibdib. Sa pagkawala nang taong pinakamamahal ko. Ang siyang unti-unting dumudurog sa pagkatao ko. Ang taong lubos kong pinaglaban. Nakahit sarili kong pamilya ay hinarap ko upang makasama lang siya.

Pero sa isang iglap ay nawala nalang siya sa akin... sa amin. Hindi ko nagawang tanggapin agad ang pagkawala niya. Ang naging dahilan upang kitilin ko ang buhay ko na hindi naman natutuloy. Pakiramdam ko nga'y pinipigilan niya ako sa mga balak ko. Pero nanaig ang pagmamahal at pangungulila ko. Hindi ko mabilang kong ilang ulit kung pinagtangkaan ang buhay ko at mas pipiliing sumama sa taong mahal ko.

Pero ayaw sumang-ayon ng tadhana. Kahit masakit tinanggap ko. Tinanggap ko ang katotohanang iniwan na nga niya ako. Nakahit anong gawin ko ay hindi na siya babalik sa tabi ko.

Ito ang patunay na kami nga'y nakatadhana sa isa't isa pero ito'y panandalian lamang.

Kailangan kong tanggapin at maging malakas para sa pamilyang naiwan ng aking asawa. At hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Everything Has a ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon