•°• Kabanata 10 •°•

10 5 1
                                    

May 10, 2017

Hello Readers! Pagpasensyahan niyo na't masyadong common ang ganitong istorya. Sadyang nagsisimula pa lang kaseng gumawa ng sariling salita ang utak ko.

Abangan na niyo na lamang ang susunod pa na kabanata upang maunawaan ang pinapahiwatig ng damdamin ko.

Pagpasensyahan niyo na't bulag po ako sa mga kamalian ko.

🎵🎶 Park Yoon Ha - Day by Day 🎶🎵

Kabanata 10

"Mama? Nakita mo ba ang librong hawak-hawak ko lang kanina!?"

Hindi mapakaling tanong ko kay Mama. Kanina ko pa hinahanap ang librong binabasa ko lang kanina. Hindi ko talaga mahanap kahit saang sulok ng bahay. Pinagpapawisan na nga ako sa paghahanap eh. Umiinit na rin ang ulo ko dahil hindi ko ito mahanap-hanap. Hindi pwedeng mawala yun.

Hindi pa naman ako tapos magbasa n'on. Nasa part nako nung nagselos si Eros d'on sa doctor eh. Ewan ko ba kung sino yung doctor. Napakamot tuloy ako sa aking ulo. Nakalimutan ko kase.

Ito po pala ang librong tinutukoy ko 👇👇👇👇

Ito po pala ang librong tinutukoy ko 👇👇👇👇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi eh." Sagot ni Mama.

"Aish! Saan ko ba nailagay yun?"

Napapadyak ako sa inis. At ginulo ang buhok sa pagod. Kung kailan hinahanap ko, pinapahirapan akong mahanap agad. Kung hindi ko naman hinahanap nakikita naman.

"Kuya Aris? Nakita mo ba yung bagong librong binili ko kahapon?" Tanong ko.

"Walang alam ang Kuya niyan, Jen." Sagot nito habang busy sa ginagawang trabaho.

"Argghh! Kung minamalas ka nga naman oh. Itutuloy ko na yung binabasa ko eh."

Napapadyak ako ng paa ulit dahil sa inis. Naiiyak na ako. Rynard naman! Huwag mong itago yung libro, kung tinatago mo man. Gusto kong magbasa eh.

"Nand'yan lang siguro yan Jen. Hanapin mo lang, hanggang sa magpakita sayo." Biglang imik ni Ate Athena na siyang naghahanda ng kakainin namin ngayong hapon.

"Kanina pa ako eh. Napapagod na'ko." Matamlay kong anas.

Ikaw kaya maghanap sa buong bahay. Tapos buhatin mo lahat ng gamit para sigurado ka na wala doon yung hinahanap mo. Tapos ulitin mo ulit. Sino ang hindi mapapagod aber?

"Kung napapagod ka na anak. Mas mabuti pang magpahinga ka muna. Mamaya mo na hanapin 'yan."

"Pero Ma.."

Napailing ako habang nagpapadyak. Ayokong tumigil sa paghahanap. Paano nalang kung hindi na ito magpakita. Sayang pera ko ha. Pinag-ipunan ko pa naman yung perang binili ko sa librong yun.

"Ito ba ang hinahanap mo?"

Napalingon kaming lahat sa pintuan at inilabas d'on ang lalaking nakilala namin sa sementeryo. Hindi maipagkakailang may kaayaya siyang kakisigan. Sa suot lamang niyang puting damit ay   bumagay na sa kanya. Mas lalo lang siyang gumwapo sa ayos nito. Nakatsinelas lamang ito at nakashort. Pero pak na pak na. Ano pa kaya kung nag ayos talaga?

Everything Has a ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon