•°• Kabanata 8 •°•

11 5 2
                                    

March 12, 2017

Oh yeah ✋😆 Hello! This past few days 😕 Wala akong masyadong naiisip na scenes kaya nahihirapan akong sundan ang mga Kabanata ko 😂😅 But I am trying to make a scene pa rin 😅 Kahit na pwedeng masira yung flow nang story ko 😂😂 pabago-bago kase ang takbo ng utak ko, kaya pwedeng pati ang istorya ko ay magbago rin😀😁
So yun lang 😆 Enjoy 💋

Pagpasensyahan ang wrong grammar at typos. Minsan kase ay hindi ko nakikita ang mga mali ko 😂😋

🎵🎶 Missing You Cover by Ryeowook and D.O 🎶🎵

Kabanata 6

We are almost there. Almost! Naiisip ko palang na bibisitahin ko siya ay sumisikip at bumibigat ang puso ko.

Yung pakiramdam na hindi mo alam kung ano ang gagawin. Parang ayaw mong tumuloy dahil alam mung masasaktan ka lang. Pero alam kung magiging masaya siya. Magiging masaya sa desisyon ko.

I am letting him go. And this time I mean it.

Mahirap man ay alam kung ito din ang kanyang gusto.

Mahirap para sa akin ang bitawan ang taong pinaglaban ko kay kamatayan. Masakit dahil siya ang nagsilbing liwanag ko noon at naging bangungot ko ngayon.

Ito ang gusto niya at ang pwede ko lang gawin ay ibigay iyon sa kanya.

"Anak.. Nandito na tayo."

Napamulat ako sa biglang pag-imik ni mama. Napalingon agad ako sa labas ng kotse. Nakita ko agad ang maraming puntod sa paligid. Biglang namasa ang aking mata.

Hindi ako makapaniwalang nandito na nga ako. Sa lugar kung saan nakalibing ang katawan nang taong mahal ko. Ang hindi ko inaasahang makakabalik pa ako dito.

Naramdaman ko ang dalawang kamay ni Mama sa aking balikat. Inaalalayan ang aking pagtayo at paglakad. Kay bigat ihakbang ang aking mga paa. Nanginginig ito at tila gusto nitong tumakbo hanggang sa mapagod na.


Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulhol agad. Nang matanaw ko ang puntod ni Rynard sa di kalayuan ay muntik na akong matumba. Mabuti nalang ay ma-agad si mama.

Ang Mahal Ko.

"Magpakatatag ka anak. Hindi magugustuhan ni Rynard na makita kang nagkakaganyan."

Paano ko iyon gagawin? Kung bumabalik lang ang sakit. Hindi ko pa rin matanggap. Nahihirapan pa rin ako. Kahit buo na ang desisyon kong bitawan siya ay parang ang hirap gawin.

Mabilis kujg tinungo ang puntod ni Rynard. Napaluhod agad ako nang malapitan ko ito. Napasigaw ako sa sakit. Nagtatanong kung Bakit. Nagbaba-kasakaling sasagot siya.


Habang si Mama ay nakatayo sa aking tabi at umiiyak din. Alam kung masakit din ito sa parte niya. Hindi ko nga alam kung paano niya ako napatawad agad. Kung hindi dahil sa akin ay wala sana si Rynard dito.

Si Rynard na siyang pinakamamahal at iniingatan niyang Anak.

"Ry..Rynard!"

Hindi ko kaya! Hindi ko kaya Mahal ko. Bumalik ka na lamang sa tabi ko parang awa mo na!

Napahawak ako nang mahigpit sa lapida nito. Hindi ko na ito makaya. Hindi ko alam kung saan ako huhugot nang lakas. Mababaliw ako sa kakaisip. Hindi ko na alam ang aking gagawin.

"Anak! Huminahon ka."

Garalgal at nagmamakaawang daing ni Mama. Tiningnan ko siya sa kanyang mata. Nakikita ko ang sakit at lungkot dito. Sa sinabing iyon ni Mama. Napapikit ako at pilit na pinapakalma ang sarili. Kahit na gusto ko ng sumabog sa sobrang sakit.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming tahimik at nag-iiyakan. Napakabilis lamang ng oras kung tutuusin. Katulad na lamang kong gaano kabilis siya kunin sa akin.

Nilingon ko si Mama na hanggang ngayon ay nakatayo at nanonood sa akin. Nakikita ko ang pagod sa kanyang mukha.

"Mama.. Umuwi na po kayo. Susunod po ako."

Nagulat si Mama sa sinabi ko. Nakokita ko sa kanyang mukha na siya'y tutol sa aking gusto.

"Hindi kita pwedeng pabayaan dito, Anak."

"Wala po akong gagawin. Please Ma. I want to be alone."

Hanggang sa kayang kong magtimpi ay ayokong pagtaasan si Mama ng boses. Gusto ko lang mapag-isa. Gusto kung makasama si Rynard nang mag-isa.

"Pe..Pero anak! Ba..Baka may mangyari sayo. A..Alam mo na-"

Pinigilan ko agad si Mama sa sasabihin niya. Ayokong ituloy niya ito.. dahil hindi ko iyon iniisip. Hindi bukas at lalong hindi habang ako'y nabubuhay. Hahayaan ko ang lumikha sa akin na siya mismo ang kukuha sa'kin sa mundong ito... sa takdang panahon.

"Mama.. Wala po'ng mangyayari. Uuwi po ako, Pangako."

Tututol pa sana ito nang mariin ko siyang tiningnan sa mata. Gusto kong sundin niya ang aking gusto.. kahit ngayon lang. Ang iwan ako mag-isa at nang makapag-isip ako.

"Si..Sige.. Pero umuwi ka ha? Kapag ikaw natagalan ay babalik ako dito."

"Opo."

Ilang minuto siyang hindi umimik at kumilos. Bago niya hinawakan ang aking balikat upang iparating na siya'y aalis na at walang ingay na iniwan ako. Nang makita ko siyang nakalabas na ay nanghihina ulit akong sinuri ang puntod niya.

"Ma..Mahal? Masaya ka ba'ng nakikita ako ngayon sa harap mo?"

Biglang umihip ang malakas na hangin kasabay ang isang nakakabinging dalugdog sa kalangitan. Tila akoy niyayakap nito. Napayakap ako sa sariling katawan. Napahikbi ako.. dahil alam kung nandito siya sa aking tabi at niyayakap ako ng sobrang higpit.

"Mahal ko.. sa muli nating pagkikita."

Umiiyak kong saad habang nakatingin sa ulap. Sabay nang pagbuhos nang malakas na ulan. Hindi ako umalis sa aking kinauupuan. Kahit sobrang basa na ay mas pinili kong hayaan ang ulan na yakapin ang aking buong katawan.

Napayuko ako dahil may namumuo na namang luha sa aking mata. Ang hina ko talaga. Napakahina ko pagdating sayo.

Pero napatigil ako ng maramdamang hindi na ako nababasa ng ulan. Ang akala ko ay tumila na ito pero hindi pa pala. Napatingala ako at nakita ko ang payong na hawak nang isang lalaking hindi ko naman kilala.

"It's dangerous for a girl to be alone."

Malamig pero may lambing na sabi nito sakin. Naaninag ko ang kaniyang mukha nang may ilaw na tumama sa aming dalawa.

Sino siya?

A.N:// Ola 😂✋ Naiintindihan niyo na ba ang takbo ng istoryang ito ? Okey lang ba o hindi ? 😂😕 Pinipiga talaga ang utak ko sa kakaisip kung anong maganda sa kabanatang ito. Pero sana nagustuhan ninyo. Talagang with effort ko itong ginawa eh.

Salamat sa pagbabasa Madlang Reads 😅😆✋ sa uulitin 💋😆 Annyeong ✋💋😉

Everything Has a ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon