•°• Kabanata 12 •°•

34 5 2
                                    

March 15, 2017

Ola! Amegas/Amegos. Bwahaha. Nababaliw na po ako. Huwag kang ano (irap) nagshashare lang ako. Basa ka na ulit hahaha.

Pagpasensyahan ang Otor dahil bulag siya sa sariling kamalian niya.

🎵🎶 Crush - Beautiful 🎶🎵

Kabanata 12

"Jenevva? Bakit ka umiiyak?" Tanong ng kakarating lamang galing sa trabaho na si Kuya Aris.

Hindi ako nakasagot sa tanong nito. Bagkus ay napatingin lang ako dito. Napahawak ako sa aking pisnge. Naramdaman ko ang pamamasa nito na dulot ng luhang biglang kumawala sa aking mga mata.

Bakit ako lumuluha? Ano ba ang dahilan ng mga luha ko? Para saan nga ba ang mga luhang ito?

Napalingon ako kay dominic. Batid sa mukha nito ang pag-aalala at pagkalito. Napatayo ako at napatalikod.

"Jenevva? May nangyari ba?" Nagdududang tanong ni Kuya Aris.

Bahagya akong lumingon. Wala akong dapat ipaliwanag. Dahil mismong sarili ko'y hindi ko maipaliwanag kong ano nga ba ang nararamdaman nito.

Mabilis ko silang iniwan at nanakbong pumanhik sa kwarto ko. Napa-upo agad ako sa aking kama. Tila'y nawalan ako ng lakas.

Nanlalambot ang aking mga tuhod at nanginginig ang aking mga labi. Umiiyak ako? Bakit?

Nabaling ang aking paningin sa litrato ni Rynard. Inabot ko ito at sinuri ang kabuuan nito. Nanginginig kong hinaplos ang nakangiti niyang mukha.

"Mahal ko... ano ba itong na..nararamdaman ko? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko." Umiiyak kong anas sa sarili. "Wa..wasak na wasak na ako. Hindi ko na alam."

Inilapit ko ito sa dibdib ko at niyakap ng sobrang higpit. Ano ba talaga ang plano mo, mahal ko? Bakit ako nasasaktan ng ganito?

Sa tingin niya ba ay magagawa ko siyang ipagpalit agad. Ang ipagpalit sa taong hindi ko lubusang kilala. Kung ito ang paraan niya upang sumaya ako ulit. Bakit kumikirot ang puso ko? Kung tutuusin ay dapat maging masaya ako. Dahil kahit miserable ang naging nakaraan ko ay may nagawa pang magmahal sa tulad ko.

Hindi ko lubusang maisip ang pwedeng mangyari kapag hinayaan ko si dominic mahalin ako. Paano na lang ang pamilya niya? Paano na lang kong hindi nila magustuhan na pumatol sa isang byuda ang anak nila?

Naranasan ko ng ipaghiwalay sa taong minamahal. Naranasan kong lumaban upang makasama lamang ang taong pinapangarap. Nagawa kong saktan ang sariling magulang upang gumawa ng sariling pamilya. Lahat ng 'yon ay nalampasan namin ng magkasama ni Rynard. Karma ko ba ito dahil sa nagawang pagkakamali sa sariling pamilya?

Hindi ko nais saktan si Dominic.

Kaya lang ayoko ng maulit yon. Napapagod na akong lumaban. Hindi ko na yata kakayanin kapag nangyari ulit ang kinakatakotan ko.

"Rynard... hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko ng mag...magmahal muli liban sayo. Pa...patawarin mo ko. Hindi ko kaya."  Napahiga ako sa kama habang yakap ang litrato niya.

'Gabayan mo ako mahal. Hindi ko alam kong anong klaseng daan ang inihanda mo para tahakin ko.'

Bulong ko. Bago pumikit ang aking mga mata sa pagod.

Dominic's POV

Nasasaktan ako. Hindi dahil pakiramdam ko'y nareject ako. Nasasaktan ako dahil nakikita kong nasasaktan ang babaeng minamahal ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything Has a ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon