•°• Kabanata 4 •°•

48 16 17
                                    

Febraury 7, 2017 pumanaw ang aking Mama. Its Painful but I know we can bare it all. So padayun ta's akung story. Wala ku ga.music karun so wala kuy mahuna2 nga Eksena daw 😂 pruh makaya rmn siguro nakuh ug sulat bisan walay music ai. Basahin ng mabuti at unawain.

Pagpasensyahan ang wrong grammar at typos. Sadyang minsan ay hindi ko nakikita ang mga mali ko. 😂😂

Kabanata 4

"Hindi ko na alam ang gagawin, Anak."

Habang hinahaplos ang buhok nang natutulog na si Jenevva. Pagod sa kakaiyak at kakasigaw. Bumalik sa bahay sila Athena at Aris dahil sa may nakalimutan silang mga dokumento at naabutan nila ang pagwawala ni Jenevva na ipinagsasalamat naman ni Isabella.

Dahil meron ng tutulong sa kanya para pakalmahin ang nagwawalang dalaga.

"Mama, hindi talaga ganun kadali para sa kanya ang makalimut agad."

Anas ni Athena. Habang nakatingin kay Jenevva. Biglang dumating si Aris na may dalang inumin at inabot ito sa mag-ina. Tahimik ang buong paligid at hindi mawari kung ano ang gagawin. Ilang ulit na nilang nakitang magpakamatay ang dalaga. At natatakot silang uulitin niya ito ngayon.

Ilang ulit ma'ng sabihin ni Althea na wala na siyang gagawing masama sa sarili niya. Hindi pa rin mawala sa isip nila ang mag-alala sa pwedeng maisip na gagawin nito.

"Alam naman nating lahat kung gaano sila kasaya. Hindi mawawala kay Jenevva ang mangulila."

Sang-ayon na anas ni Aris. Hindi alam kung anong gagawin para makatulong. Napalapit na rin sa kanya si Jenevva dahil sa taglay nitong pagiging malambing at masiyahin. Kahit siya ay nalungkot sa nakita niyang pag-iyak at pagwawala ni Jenevva kanina.

"Ang pwede lamang nating gawin sa ngayon ay ang maging malakas para sa kanya. Kung magiging mahina tayo ay pwedeng bumalik lamang siya sa dati."

Natahimik ang mag-ina sa sinabi ni Aris. Napaisip sila sa sinabi nito. Kung tutuusin ay tama ang sinabi nito sa pwedeng maging resulta kung magiging mahina sila. Napatingin silang tatlo sa natutulog na si Jenevva at sabay na may naalala

Dala-dala ni Athena ang supas na gawa ni Aris. Patungo sa kinaruruonan ng kanyang Ina at ni Jenevva. Habang dala naman ni Aris ang basong may lamang gatas. Nang makarating sila sa kwarto ay naabutan nila ang tulala pa ring si Jenevva at si Isabella na pinupunasan ang mga braso nito.

"Mama, pakainin na po natin siya."

Inilapag ng mag-asawa ang supas na dala at ang gatas sa maliit na mesa na nasa gilid ng kama. Malayo pa rin ang mga tingin ni Jenevva. Na parang nasa ibang planeta ang utak nito. At walang naririnig sa mga salita nila.

"Mabuti pa nga, Anak."

Pagsang-ayon ni Isabella. Ibinaba nito ang basang panyo na ginamit niya pangpunas para kay Jenevva. Kinuha naman agad nito ang supas. Inabot ni Aris sa kanyang Mother-in-law ang kutsara. Dahilan para mapangiti ito.

"Jenevva.. kumain ka na."

Hindi sumagot ang dalagang si Jenevva. Tulala pa rin ito at hindi man lang kumikilos. Nagkatinginan ang tatlo. Nasasaktan sa nakikita at pangungulila na rin sa dating ugali ng dalaga.

"A-Anak?"

Tawag ni Isabella sa anak. Hinawakan pa nito ang kamay para mahawakan nito ang kutsa pero nabibitawan lamang niya ito. Nasasaktan man si Isabella sa inaakto ng dalaga ay hindi niya naisip na panghinaan ng loob.

Pinipilit pa rin ni Isabella na kumain si Jenevva kahit na hindi naman ito sumasagot sa kanya.

"Ma?"

Hinawakan ni Athena ang balikat ng Ina at umiling dito. Alam nilang tatlo na kahit anong gawin nilang pagpilit na kausapin at sagutin sila ng dalaga ay matatagalan pa bago mangyari iyon.

"Susubuan na lamang kita, Anak. Say Aah?"

Hinawakan ni aris ang panga ni Althea at binuka ito. Pina-inom agad ito ng gatas upang mailunok agad ang kinakain. Ganun ang paulit-ulit na nangyayari. Lumalandas pa nga ang gatas sa gilid ng bibig nito dahil hindi agad ito nalulunok ni Althea.

Araw-araw ay paulit-ulit ang nangyayaring senaryo. Nahihirapan na din sila sa pagiging tulala at walang pakealam sa mundo ni Jenevva. Napapaiyak ang dalawang babae sa nangyayari dito. Pero alam nilang wala silang magagawa dahil hindi pa nito nakakalimutan ang nakaraan.

At natatakot sila na sa pag-gising nito ay bumalik sa dati ang lahat. Na babalik si Jenevva sa pagiging tulala at yun ang ayaw nilang mangyari ulit. Sobra na ang dalawang taon na tulala si Jenevva at hindi makausap. Ayaw nilang madagdagan pa ng ilang taon.

Napasinghap ang tatlo ng makita nilang gumalaw si Jenevva. Itinaas pa nito ang dalawang kamay at kinusot ang dalawang mata. Napako ang mga mata ng tatlo sa kakagising lamang na dalaga na ngayon ay nakatitig lang din sa kanila. Bumalik na ba siya sa dati? Bakit nakatitig lang siya sa amin? Tanong ng tatlo sa sarili nila.

"Okey lang ba kayo? May dumi ba ako sa mukha?"

Nagulat sila sa pagsalita ni Jenevva. Nakahinga sila ng maluwag dahil hindi ito bumalik sa dati. Gulong gulo ang isipan ni Jenevva dahil sa reaksyon ng tatlo sa harapan niya. Ano ba ang nangyayari sa kanila?

"Wala naman, Anak. Masaya lang kami. Okey na ba ang iyong pakiramdam?"

Ngumiti sa kanya si Isabella. Napangiti naman si Jenevva at ang mag-asawa. Umupo ito at tiningnan ang Mama nito.

"Ganun po ba. Okey lang naman po ako. Nasobrahan yata po ako sa pag-iyak kanina.

Nagtaka sila dahil parang alam nito ang nangyari sa sarili nito kanina. Sanay kase silang ipaalala ang nangyari sa kanya sa tuwing nahihimatay siya sa pagwawala. Hindi nila mawari kung paano nangyari iyon gayung ngayong lamang ito nangyari sa loob ng limang taon.

Ito na ba ang simula ng pagtatapos sa nararamdamang sakit?

A.N:// Masasagot na ba ang mga tanong o hindi pa? Alamin natin sa susunod na kabanata 😊😀 Sa uulitin mga Madlang Reads 😂 Annyeong 😂👋😉

Everything Has a ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon