•°• Kabanata 11 •°•

15 5 2
                                    

May 12, 2017

Gusto kong humaba 'to. Pero naalala kong sobrang rami pala ng istorya ko na nakapila na dapat kong ring simulan matapos . Hanggang Kabanata 15 o kaya Kabanata 20 lang yata eto.

Pagpasensyahan ang mga mali ko dahil sadyang bulag po ako hahaha.

Kanata 11

Isang linggo na ang lumipas ng walang tigil na bumibisita si Dominic dito. Hindi ito maubusan ng regalo. Hindi ko batid kong bakit palagi siyang pabalik-balik dito gayung alam kong wala namang kinalaman ang Kuya Aris.

Minsan ay hindi ko mapigilan ang sariling mapaisip na may ibang sadya ang binata. Wala ba itong nobya? O kaya naman babaeng nililigawan niya. Napapaisip talaga ako sa tuwing nakikita ko siya palagi sa pamamahay namin.

Kung gaano ikinalito ng utak ko ang walang tigil na pagpunta ni Dominic dito. Ang siya namang ikinasaya ni Mama dahil sa wakas ay may bumibisita na raw sa akin.

Binibisita niya ko? Ano naman ang nagbigay nang ideya sa kanya na ako ang binibisita nito palagi? Bakit niya gagawin 'yon? Ano nga ba ako sa buhay niya?

Pagkatapos naming magpakilala sa isa't isa n'ong nakaraang araw ay hindi na nasundan pa. Bigla na lang kaseng dumating ang Mama na may dalang Juice para sa kanya. Matapos maghapunan ay nauwi agad sa kwentuhan na naging sanhi ng pagkailang ko sa taong bago ko palang nakilala.

Dahil ang pinakamamahal kong Mama ay ginawa akong topic nila. Ikinuwento nito sa binata kung gaano ako nasaktan at kung paano ako nagluksa. Napakadetalye pa ng pagkakasabi nito. Kulang nalang ay hayaan ko ang lupang kainin ako sa kahihiyan. Akala ko ba sekretong malupit ang pinagdaanan ko. Wala talagang preno ang bibig ni mama. Hindi na nahiya. Napapangiwi na lamang ako ng palihim.

"Kung alam mo lang Dominic. Napapaiyak na lamang ako sa tuwing nakikitang tulala itong si Jen at umiiyak." Sabi ni mama. Ang nagpabalik sa ulirat ko.

Panglimang beses na yata niyang kinukwento ang nangyari sa'kin kay dominic sa tuwing naabotan niya ito. Napapairap na lamang ako sa mga nagiging reaksyon nito. Dahil mahahalata mong napapagod na siyang makinig sa paulit-ulit lamang na kwento. Hinawakan ko si mama braso niya kaya napatigil siya sa pagsasalita at naguguluhang napalingon sa'kin.

"Ma.. memoryado na yata ni dominic ang kwento mo. Tigil na po." Nakangiti kong anas. Kahit ako nga ay memoryado na ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito.

"Tingnan mo ito, hijo. Nahihiya pa'ng ibahagi sayo ang nakaraan niya." Gulat na lamang akong napatitig kay mama. Nahihiya? Ako? Bakit ko ikakahiya yon?

Ang mga luha at pighati ko ay ang patunay na totoo ang aking pagmamahal. Wala akong dapat ikahiya doon.

"Mama.."

"Anak. Nakalimutan mo yatang kaibigan ito ng Kuya Aris mo. Sa tingin mo ba ay hindi siya mapagkakatiwalaan?" Out-of-Knowhere nitong tanong. Ang kulit ni mama talaga.

"Wala po akong sinabing ganun Ma. Paulit-ulit niyo po kaseng kinukwento. Parang wala ako dito sa tabi mo." Napabusangot tuloy ako. Piningot lamang nito ang ilong ko at tumawa.

"Natutuwa lamang ako. Kase liban sa Ate at Kuya mo ay may iba na akong mapagsasabihan ng saloobin ko." Malambing nitong pagpapaliwanag sa'kin. Napatango na lamang ako ng wala sa oras.

"Maiwan ko muna kayo dito. Nakalimutan kong may trabaho pa palang naghihintay sa'kin." Paalam ni mama.

Hinalikan ako nito sa noo habang sa pisnge naman kay dominic. Nagpaalam ulit ito bago nilisan ang sala. Nagkatitigan na lamang kami ni Dominic at sabay na napangiti.

"Sorry for not stoping your mother-in-law... for telling me your story."

"Wala 'yon. Nahihiya na nga ako sayo dahil sa tuwing dumadalaw ka dito ay paulit-ulit nitong kinukwento ang pinagdaanan ko." Nakayuko kong anas. Nahihiya na tuloy ako sa kanya. Alam na kase nito ang pinagdaanan ko ng mawala ang asawa ko sa'kin.

"Actually, it's fine. Ako mismo ang nag-iinsist kay tita na magkwento tungkol sa nangyari sayo. I find it amusing. You're a brave woman." Deretsa nitong saad. Narinig ko ang pagkamangha sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Nahihibang na ba ako at nakikita kong may pamilyar akong nakikita sa titig niya.

"Bakit mo 'yon ginagawa?" Tanong ko.

"I want to know you better. And knowing your past can also make me know you more. Wala kang dapat ikahiya. Kung naiilang ka dahil alam ko ang bawat nangyari sayo ay huwag kang mag-alala..." Hindi nito pinuputol ang titig naming dalawa. Kahit saan ako lumingon ay bumabalik lamang ang titig ko sa maaamo niyang mata.

"The truth is... it's inspire me to fight." Lumawak ang ngiti nito ng mabigkas ang mga salita. Litong-lito kong sinusundan ang bawat pagkurap at pagkilos niya.

"It's inspire you to fight? Bakit.. ano ba ang pinaglalaban mo?" May bahid na kuryosidad na tanong ko.

"Correction, My Lady. Sino... Sino ba ang pinaglalaban ko?" Naging seryoso naman ang mukha nito.

Biglang kumalabog ang dibdib ko. Napahawak pa ako dito dahil sa bilis ng tibok nito. Bakit ganito ang naramdaman ko ng sabihin niya iyon sa akin? Unti-unting bumibigat ang paghinga ko. Gusto kong magsalita pero tila'y napakabigat ng aking labi kaya hindi ko magawa ang ninanais ko.

Pero hindi ako mapapakali kapag hindi ko malalaman ang taong pinaglalaban niya. Kong bakit ganito nalang ang epekto nito sa akin. Napaka-swerteng nilalang dahil siya'y pinaglalaban ng taong minamahal siya.

"Sino?" Agaran kong tanong ng mahanap ko ang boses ko. Hindi na nakakatuwa ang nararamdaman kong ito. Ito ang magiging dahilan ng pagkabaliw ko kapag nagpatuloy ang nararamdaman kong 'to.

"Ikaw." Walang pasikot-sikot nitong sagot. Nanlaki ang mata ko at sa hindi malamang dahilan ay napaluha ako.

A.N//~ Ito na talaga. Malapit na ang katapusan nito. Magagawa ko ng magdiwang bwahaha. Salamat sa pagbabasa Madlang READz sa uulitin.

Everything Has a ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon