•°• Kabanata 2 •°•

62 16 25
                                    

Nakikinig lamang ako ng music dito sa bahay. Dahil napaka-boring!! Tapos nakagawa agad ako ng scene. Mukha akong emo sa mga scenes ko pero hindi ah! 😂 Masayahin at palabiro akong tao kaya impossible ang pagiging emo ko. Nadala lang yata ako sa kanta na pinapakinggan ko.

Pagpasensyahan ang wrong grammar at typos. Sadyang minsan ay hindi ko nakikita ang mga mali ko. 😂😂

🎶🎵 Cascada - Everytime We Touch (Slow version) 🎵🎶

Kabanata 2

Mabagal ang aking pagnguya sa kinakain ko. Bawat pagnguya ay may naaalala akong nagbibigay kirot sa aking dibdib. Alaalang kay hirap kung kalimutan. Sa bawat sulok ng bahay na ito ay may alaala na kasama siya. Ito ang pinakamahirap harapin sa araw-araw. Ang makita ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya.

Ang kanyang pagtawa ay ang aking sandata sa lungkot na aking nararamdaman. Siya ang nagbigay kulay sa aming marupok na buhay. Tapos isang iglap ay magugunaw ang lahat at magbabago ang nakasanayan. Nagimbala ang lahat pero pinagpatuloy pa rin ang buhay. Ako lamang ba ang nakakulong pa rin sa panahong iyon??. Sa panahon kung kailan nawasak at nanlumo ang lahat.

Nabitawan ko ang aking kutsara at nakagawa ito ng malakas na ingay sa tahimik naming hapagkainan. Nakatingin lamang ako sa kutsarang maayos na nahulog sa aking plato. Bakit pakiramdam ko ay nandito lamang siya at binabantayan ang bawat katangahan ko sa buhay? Gustuhin ko mang umiyak ay walang lumalabas na luha sa aking mga mata. Manhid na ba ako?

"Jenevva? May nararamdaman ka ba?"

Doon din nawala ang atensyon ko sa kutsara. Walang kaemosyon kung hinarap si Kuya Aris na siyang asawa ni Ate Athena. Napakaswerte ni Ate sa kanyang asawa. Napakamahal siya nito at handang ialay ni Kuya Aris ang lahat para sa kanya. Napangiti ako sa naisip ko. At napatingin sa kanyang larawan na nakasabit sa dingding. " Oo, ikaw din. " anas ko sa aking sarili.

Kung ikukumpara ay may pagkakatulad. Kung paano sila mag-alala at masaktan. Kung paano niya ako yakapin ng sobrang higpit sa tuwing siya'y nalulungkot. Mananakbo siyang umiiyak na parang bata sa tuwing dumarating ako. Katulad ng kaniyang Ina ay napakababaw niya. Hindi ko mapigilang mapangiti sa naaalala.

Na sa tuwing siya'y masaya ay hindi mo maihihiling na matapos ang lahat. Dahil makakaramdam ka ng bigat kapag hindi mo maririnig ang pagtawa at pagngawa niya sa simpleng bagay. Bata kung tutuusin. Napakahirap pakawalan pero alam kung kakayanin ko. Dahil isa yun sa naging pangako ko sa kanya.

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Kuya at ngumiti.

"Wala, kuya. May naalala lang po."

Mahina pero alam kong narinig nilang sabi ko.

"Anong naalala mo, Anak ? May nakalimutan ka ba'ng gamit?"

Tanong ni Mama sa akin na nag-aalala. Nag-aalala sa akala niyang nakalimutan kong gamit kahit wala naman. Ito talaga si Mama kung ano-ano ang iniisip. Alam naman niyang liban sa kanila ay siya lamang ang maaalala ko.

Tumawa ako ng mahinhin para mangunot ang mga noo nila. Ngayon lang ba nila ako narinig na tumawa. Ewan ko ba. Makahulugan akong tiningnan si Mama at ngumiti. And this time Im sure hindi ito isang pilit na ngiti. Ito'y totoong ngiti na ngayong ko lang ulit nagawang gawin sa loob ng limang taon.

"Isang masayang alaala po."

Nagulat sila sa aking sinabi. Narinig ko ang pagsinghap at pagtangis ni Ate Athena sa aking gilid. Alam ko na alam nito ang ibig kung sabihin. Hindi ko ito nilingon sapagkat gusto kung makita ang reaksyon ni Mama sa sinabi ko. Nakita ko ang pagngilid ng luha sa kanyang mga mata at ang pagngiti niya.  Nagpunas siya ng mga mata ang suminghot. Si Mama talaga.

"Kumain na nga tayo! Ang dadrama niyong lahat."

Alam kung gusto ng manakbo ni Mama patungo sa kanyang kwarto. Ilabas ang sakit at luha na parati niyang ginagawa. Pero alam kung pinipigilan niya para sa akin. Gusto niyang maging malakas sa harap ko upang gayahin ko siya. Mahirap gawin pero susundin ko para sa kanya.

Dahil alam kung ito rin ang gusto niya. Na kahit wala siya sa aking tabi ay alam kung kakayanin ko. Kakayanin kung maghintay hanggang sa mapagod ako. Maghintay sa bagay na alam kung hindi na ako babalikan pang muli.

Ito ba ang gusto mo?

Ang masaktan ang taong nagmamahal sayo?

Kung hindi!

Bakit?

A.N:// Sorry Readers 😌 kung masyadong maiksi. Ba ka kase masayang yung effort ko kung tataasan ko ang scene na ito.

So

Balik tayo sa eksena 😂 Ano sa tingin niyo kung bakit nagkakaganito si Althea ? Sino ba ang tinutukoy niyang Bata sa paningin niya ? Sagot na Readers 😂😁 madali lang ito para sa inyo, alam ko! 😂 Sa uulitin mga Madlang Peps 😅😀 Annyeong 😀😁👋

Everything Has a ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon