March 12, 2017
Hello 😉✋ Wala akong masabi ngayon HAHAHA 😂 Kaya ang masasabi ko lang ay ang magbasa na lamang kayo 😁😀
Pagpasensyahan ang wrong grammar at typos 😁😂 sadyang minsan ay hindi ko nakikita ang mali ko 😆😅
🎵🎶 This Love - Davichi 🎶🎵
Kabanata 6
Flashback (1)
February 7, 2013
"Ma! Sa tingin mo ba ay magugustuhan niya 'to?"
Tanong ni Rynard sa kanyang Ina. Napangiti na lamang si Isabella sa inaakto ng kanyang anak. Ito'y sobrang nag-aalala na hindi magustuhan ng asawa ang kanyang sorpresa.
"Ikaw talaga!" Piningot nito ang tenga ni Rynard at napahiyaw na lamang ito sa sakit.
"M-mama!?"
"Kanina mo pa ako tinatanong niyan. At paulit-ulit lang din ang SAGOT KO! Magugustuhan niya ito."
Ngumit si Isabella sa anak nito. Hindi maiwasang mapailing si Isabella sa inaakto ng anak. Makikita mo mismo ang saya at kaba sa mukha nito.
Napakasaya ni Isabella dahil napalaki niya ng tama si Rynard. Hindi niya inakalang magkakaroon siya ng Anak na lalaking maipagmamalaki niya sa lahat.
Maaga ma'ng nag-asawa ay nakita niya itong naging responsable. Kaya hindi siya nababahala sa pag-aasawa agad nito nang makagraduate ito sa college.
Dahil alam niyang kakayanin ni Rynard ito. At nakikita niya sa mag-asawa na mahal na mahal nila ang isa't isa.
"Ate! Okey na ba itong bulaklak na binili ko? Mabango ba siya? "
"Ikaw talaga Rynard! Ang kulit mo rin eh."
Inakbayan ni Athena ang kapatid na inaamoy pa ang sarili at ang mga bulaklak. Talagang gusto nitong magpa-impress sa asawa. Napatawa na lamang ang Mag-asawang Athena at Aris dahil sa inaakto ni Rynard.
Tumunog bigla ang cellphone ni Rynard. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at binuksan ito. Tumambad agad ang mensahe ni Jenevva na nagsasabing uuwi na siya at magpapasundo na.
Hindi makapaghintay ang binatang si Rynard na makita si Jenevva at ipagdiwang ang Wedding Anniversary nila.
Napasigaw ito dahil sa excitement. Hinarap niya ang kanyang Mama at niyakap ito nang sobrang higpit.
"Salamat sa lahat Mama. Kung wala ka hindi ko talaga alam ang gagawin ko."
"Ano ba iyang sinasabi mo Rynard? Syempre anak kita eh. Sino ba ang tutulong sayo kundi ako na siyang Ina mo, hindi ba?"
"Hahaha! Oo nga po."
Hindi malaman ni Isabella kung ano ang kaniyang nararamdaman. Hindi niya maipaliwanag pero nag-aalala siya't nasasaktan. Niyakap siya ulit ni Rynard at hinalikan ang kanyang noo ng napakatagal.
"Mahal na mahal kita Mama! Remember that always, okey?
"Ikaw talaga! Mahal din kita Anak. Hala sige na! Malamang ay nilamok na si Jenevva doon kakahintay sayo."
BINABASA MO ANG
Everything Has a Reason
RomanceWithout you has a reason. All the Pain has a reason. You wont leave me without a reason. I know Everything Has A Reason. And later on Everything will be answered by a Reason. But wait.. there's more. I can only accept valid Reason.