SEVENTEEN: MEND

13.9K 435 7
                                    

Keziah's POV

"Stop crying Keziah" chill na sabi ni Stephan at idinampi nya ang labi nya sa ulo ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Ziah" naramdaman ko ang paghila ni John sa braso ko.

Pero hinila din ni Stephan yung isang braso ko.

"Let her go dude mag uusap kami" seryosong sabi ni John.

Kapal ng mukha ahh.

Tinignan ko ang reaction ni Stephan.

Blanko ang expression ng mukha nya na nakatingin kay John.

Imbes na magsalita naramdaman kong hinila nya ako palapit sa kanya.

Dahilan para mabitawan ako ni John.

"Anong pag uusapan nyo ng girlfriend ko?" Malamig na tanong nya.

What the?

Ano daw?! Nabingi na yata ako!

"Girlfriend?!" Hindi makapaniwalang sambit ni John.

"Yes! Girlfriend!" Pag didiin ni Stephan.

"John?!"

Napalingon ako sa babaeng tumawag at biglang yumakap kay John.

Sino naman to? Parang familiar. Hindi ko makita yung mukha natatakpan sya ni John.

Hindi ko namalayang napahigpit na pala ang kapit ko sa braso ni Stephan.

"Tss Lets go!" Sabi ni Stephan at hinila ako palabas ng party ball.

Paglabas namin sumalubong sa amin ang nagkikislapang camera.

"Woah! Is that Stephan Black?!" Gulat na sabi ng mga reporter.

"Nice minsan lang sya mag pakita sa camera kunan nyo dali" hindi magka mayaw na sabi ng mga iba pang reporter.

"Teka may kasama sya! Wow! Si Stephan ba talaga to?!" Hindi makapaniwalang sambit ng mga taga media.

Nakayakap sa akin si Stephan na para bang prinoprotektahan ako.

"Just keep walking" utos nya.

Kaya kahit madaming nakaharang sa amin lakad lang kami ng lakad.

"Mr. Stephan girlfriend mo po ba yang kasama mo?"- reporter1

"Kelan pa naging kayo?"-reporter 2

Maraming mga tanong ang mga media pero ni isa walang sinagot si Stephan.

Matapos ang mahaba habang lakaran sa wakas nakarating na din kami sa parking lot.

Sumakay kaagad ako sa shotgun seat dahil sobrang nanghihina ang paa ko.

Naramdaman kong sumakay na din sya at pinaandar kaagad ang kotse nya.

"Are you okay?" Tanong ni Stephan.

Napalingon ako sa kanya.

"Tinatanong mo ba ako kasi nag aalala ka?" Sarcastic na tanong ko.

"Fuck! Why don't you answer my question instead of answering me with another question." Iritadong sabi nya.

"Wag mo akong tanungin kung obvious na yung sagot" mahinang sagot ko at bumaling sa labas ng bintana.

Biglang bumalik sa isip ko yung mga nangyari kanina.

Fishtea! Bakit ba ako naiiyak?!

Bakit ba parang apektado padin ako sa pagkikita namin ni John?!

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon