FourtyTwo: Hatred

12.8K 322 34
                                    

Keziah's Pov

"Thank you for making my day more special Keziah" nakangiting sabi sa akin ni Stephan.

It's already 7:00 in the morning at ngayon palang kami uuwi.

Nag joyride kasi kami papuntang Tagaytay at doon kumain.

Well dun na din kami natulog.

Sobrang nag enjoy ako. Maganda na nga yung tanawin sa paradise pero mas magandang mag sight seeing sa Tagaytay.

"You're always welcome honey, it's my duty to always make you feel special" nakangiting sabi ko sa kanya.

"That's the reason why I am falling deeper inlove with you" sabi nya at hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito.

"Hays. Tama na nga, mag kaka diabetes na tayo eh" sabi ko sabay hila ng kamay sa kanya.

Naglakad na kami papasok ng bahay nila.

Pagbukas ng pinto...

"SURPRISE!"

Muntikan na akong mapatalon sa gulat.

May pa popper pa silang nalalaman.

Sila mom,Stephen, Sabrina at Hanna, sila yung sumigaw ng surprise.

Kung gaano ka shock yung reaction ko mas shock pa yung reaction ni Hanna sa akin.

Nakatingin sya sa amin ni Stephan na parang sinasabing bakit kami mag kasama?

Bigla naman akong umaayos at nginitian sila.

"Anong meron?" Patay malisya kong tanong.

Pinaningkitan ako ng mata ni Hanna.

"Mag kasama kayo tapos hindi mo alam kung anong meron?" Tanong nya.

"Dapat ba lahat alam ko? Actually nag kasabay lang kami ng pasok dito right Stephan?" Nakangiting tanong ko kay Stephan.

"Yah, she's right" sagot ni Stephan.

Mabuti nalang nag shopping kami ni Stephan sa Tagaytay, nakapag bihis pa kami ng damit.

"Nakakagutom kain na tayo guys!" Singit na Sabrina at tumingin sa akin.

Binigyan nya ako ng mag kwento ka mamaya look.

"Oo nga naman tara na bago pa lumamig ang pag kain" sabi pa ni tita kaya sumunod naman kami.

Nilapitan kaagad ni Hanna si Stephan at hinawakan ito sa kamay.

Parang gusto kong matawa sa itsura nya. Sobrang sama nyang tumingin sa akin nginitian ko lang naman sya.

"Stephen come here" tawag ko sa anak ko na lumapit sa akin at kinarga ko sya.

Namiss ko kaagad tong anak ko.

"How was your night baby?" Tanong ko sa kanya.

"Happy, mama keep telling me some bed time story" masayang kwento ng anak ko.

"How nice naman, did you sleep well?" Tanong ko ulit.

"Yes mom, how about you where did you sleep?" Tanong sa akin ng anak ko.

"Did you sleep with daddy?" Nakangiting tanong nito.

Napatingin ako kay Stephan.

Nakangisi ito sa akin.

"Tss. Let's eat first" sagot ko sa kanya at dumiretso na kami sa dining area.

Andaming pagkain na nakahain sa lamesa at may cake pa.

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon