Keziah's Pov
Magka-hawak kamay kami ni Stephan habang nag lalakad sa gilid ng kalsada.
Masaya kaming nag tatawanan at nag kwe-kwentuhan.
Maya maya napadako ang tingin namin sa kalsada.
"Hala yung pusa masasagasaan!" Tarantang sabi ko.
Nagulat ako nung bumitaw si Stephan sa kamay ko at tumakbo sa gitna ng kalsada at kinuha yung pusa.
*beeeeppp*
Nanlaki ang mata ko nung makita ko ang papalapit na sasakyan.
Tatakbo sana ako palapit sa kanya pero...
Huli na ang lahat nasagasaan si Stephan.
Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap sya.
Punong puno sya ng dugo.
Bago sya pumikit tumingin sya sa akin ng malungkot
"Stephan"
"Ms. Ziah anong nangyari sayo bakit ka umiiyak?" Tanong ni Harold.
Iniangat ko ang ulo ko, naka idlip pala ako at hindi ko namalayang lumuluha na pala ako dahil sa panaginip ko.
Madalas kong mapanaginipan yung scene na yun, hindi ko alam kung bakit.
Sa tuwing mapapanaginipan ko yun lagi akong nagigising na lumu-luha.
Tumingin ako sa cellphone ko, mag i-isang buwan na since the last time na nag usap kami.
Hindi nya man lang ako maalalang i-text o tawagan, ni hindi nga nya ako binisita sa condo ko kahit minsan.
Nag sawa na ba kaagad syang suyuin ako?!
Ugh! Napaka impatient naman nya.
"Ms. Ziah, ready na po ba kayo for photo shoot?" Untag sa akin ni Harold.
Aish. Oo nga pala hindi ko alam kung anong nakain ng mga to at pinilit akong gawing model ng isang wedding gown.
One week na akong nag mo-model may potential daw kasi ako sabi ni Harold, so bilang libangan pumayag na din ako.
"Ms. Ziah yuhoo where are thou~?" -Harold
"Ugh. I'm sorry. Oo ready na ako" sagot ko.
Tumayo ako at inayos ang sarili.
Pero bago pa man kami tuluyang makapag umpisa ay nag ring yung cellphone ko kaya agad ko itong tinignan.
Kumabog ng malakas ang puso ko nung nakita ko kung sino yung tumatawag.
Si Stephan.
Excited ko itong sinagot.
"Steph---"
"Ziah" biglang nawala ang ngiti sa labi ko nung marinig ko na babae yung nag salita.
Alam ko si Brina to.
"Brina, asan si Stephan?" Tanong ko.
Narinig ko ang pag buntong hininga nya at mahinang pag hikbi.
Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko.
"Ziah~ w-wala na si Stephan!" Pagkasambit nya nun bigla syang humagulgul.
Nanginig ang kamay ko at muntikan ko ng mabitawan ang cellphone ko, pero kinalma ko ang sarili ko.
"Ano bang sinasabi mo Brina?" Tanong ko sa kanya.
"A month ago,na-aksidente si Stephan nasagasaan sya ng truck nacomatose sya pero dahil sa head injuries na natamo nya bumigay ang katawan nya a-at...."
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to my Boss [Under Revision]
Storie d'amore"Who are you?!" galit na tanong nya sa akin pag katapos ng kasal. Who are me? my gosh hindi ko din naman sya kilala personally eh >../\<) Ayaw ko ding makasama ng matagal sa isang bubong ang halimaw na to (T.T) ---***--- HI WATTPAD READERS :) This s...