TWENTYSIX: WhySheGetMad

12.2K 357 2
                                    

Sabrina's Pov

"Bitawan mo nga ako!" Pag pupumiglas ko kay John.

Binitawan nya naman ako at huminga sya ng malalim.

"Sab mali ang iniisip mo" mahinahong sabi nya.

Tinignan ko sya ng masama.

"Alin ang mali? Mali yung iniisip kong may relasyon kayo ng kaibigan ko?!" Halos pabulyaw na tanong ko.

Hindi ko maitago sa sarili ko ang pagka irita sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mukha ni John at Ziah.

"Wala kaming relasyon ni Keziah, so please calm down" mahinahon pading sabi nya.

"Wala?! Care to explain kung ano yung naabutan ko kanina?!" Taas kilay na sabi ko sa kanya.

"I just need to realize something..." Sabi ni John at biglang umiwas ng tingin sa akin.

"Realize what?!" Gigil na tanong ko.

"If I am still inlove with her" nakayukong sagot nya.

Kung kanina parang binibiyak yung puso ko nung magkalapit ang mukha nilang dalawa

Ngayon parang nabasag ang eardrum ko sa sinabi ni John.

Ano daw?

If he still inlove with her?!

STILL?!

Why I didn't know na may past sila?!

"What do you mean? Ex mo si Keziah?" Tanong ko.

Napansin kong bumuntong hininga sya.

"Yes. She's the reason why we broke up last time" mahinang sagot nya.

Para akong binuhusan ng yelo.

So si Keziah pala yung ex nya na dahilan kung bakit nahirapan syang balikan ako.

Sya pala yung rebound girl ni John nung nag break kami pero nung nag break sila ni Keziah narealize nya na mahal nya pala ito.

Sya pala yung babaeng niyakap ni John nung araw ng party.

Hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko ngayon.

Si Keziah pala yung babaeng halos hilingin ko na sana mamatay na sya para sakin nalang lahat ng atensyon ni John.

All this time, si Keziah lang pala na tinuring kong kapatid ang karibal ko sa taong mahal ko.

Bakit?! Sa sobrang dami ng tao sa mundo si Keziah pa?!

Hindi ko na namalayan ang pag tulo ng luha ko....

Naramdaman ko ang paglapit ni John at pinahiran nya ang luha ko,

"Stop crying, you know what I had realized earlier?..."

"I am not inlove with her anymore, Its beacause I love you more than anyone" malambing nyang sabi at niyakap ako.

Itinulak ko sya ng bahagya, sakto lang para mapahiwalay sya sa akin.

"Hindi ko alam kung papaniwalaan pa kita, sa sobrang pag mamahal ko sayo nag mumukha na akong tanga..."

"Pero please nakakapagod ding maging tanga, saka mo na sabihing mahal mo ako kapag sigurado ka na talaga sa nararamdaman mo.."

"Ayaw kong maranasan ang naranasan ni Keziah na rebound lang" mahabang sabi ko habang patuloy sa pag daloy ang luha ko.

Hahawak sana sya sa kamay ko pero iniiwas ko ang ito.

"Alam mo kung gaano kita kamahal, alam mo kung saan ako pupuntahan kung sakaling sigurado kana na ako lang talaga" sabi ko at humakbang palabas ng opisina nya.

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon