TWENTYNINE: Chasing

12.3K 376 3
                                    

Keziah's Pov

"Anak? Ikaw ba yan?" Tanong ni mama na parang hindi makapaniwalang makita ako.

"Mama" tanging nasambit ko at tumakbo ako palapit sa kanya para yakapin sya.

"Bakit ka umiiyak?! May nangyari ba?" Nag aalalang tanong ni mama.

"Sorry ma" sabi ko habang patuloy sa pag iyak

"Tumahan ka nga muna, ano bang nangyari?" May pag aalala parin sa tono ni mama.

"Kasi ma... May nagawa akong kasalanan." Malungkot kong sabi.

"Ano naman yun? Wag ka ng umiyak dyan" pang aalo sa akin ni mama.

Kwenento ko kung anong nangyari simula umpisa hanggang sa dulo.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh..."

"Hindi dapat pagka tiwalaan ang mga lalaking yan, gusto mo ba sugurin natin bukas ha?" Pagalit na tanong ni mama.

"Hala ma wag na. Ayaw ko na ng gulo. Dito muna ako habang wala pa akong trabaho" sabi ko.

"Okay anak. Mag pahinga kana at mukhang stress na stress ka" sabi nya at hinatid ako sa kwarto.

"Good night ma" tinanguhan lang ako ni mama.

....

~2weeks later~

"Anak, hindi muna kayo makakapag aral..."

"Wala na kasi tayong pang tustus ehh, yung natitirang pera dyan ng ate mo para sa gamot na yung ng papa nyo"

Napansin ko parang lagi nalang ako nakikinig sa may usapan ng usapan dito.

"Okay lang ma, naiintindihan ko" dinig kong sabi ng kapatid ko.

Napabuntong hininga ako. Dalawang linggo na ang lumilipas pero heto tengga pa din ako.

At hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit kapag kumakain ako ehh bumabaliktad ang tiyan ko.

Tsk. Dahil siguro naninibago lang ulit ako sa mga pag kain dito.

Madalas din akong mahilo tuwing umaga. Waaahh. Stress na siguro ako dahil sa pag ka broken hearted ko.

Napag pasyahan ko munang lumabas ng bahay para mag isip nung makita ko ang isang kotse na huminto sa tapat.

Inantay kong bumababa kung sino man ang sakay nung sasakyan.

At nung makilala ko kung sino napataas ako ng kilay.

Nakangiti itong nag lalakad palapit sa akin.

"Kamusta ka na Ziah?" Bati ni John.

"Anong ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ko.

"Binibisita ka?" Sagot nya pero parang may iba pa syang sasabihin.

"Tss. Anong sasabihin mo?" Tanong ko.

"Pwede bang umupo muna tayo?" Nakangiting tanong nya.

"Tara pasok ka" yaya ko at pumasok kami sa loob ng bahay.

"Tubig gusto mo?" Tanong ko

"Ahh hindi na..." Sagot nya. "Andito ako para alukin ka ng trabaho" sabi pa nya.

Biglang nag panting ang tenga ko.

"Trabaho? Anong trabaho?" Excited na tanong ko.

Kahit anong trabaho tatangapin ko para makatulong na ako sa pamilya ko.

"Gusto ko sanang gawin kang manager ng isang restaurant ko sa America" nakangiting sagot nya.

O.O ganyan yung reaction ko.

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon