XIII. move forward...

11 1 2
                                    

HEAVEN'S P.O.V.*))

...aw!aw!aw!aw!aaaaaw!!!!
       Hehe.. hindi po aso yun ah.. ansakit kasi ng ulo ko. Kahit alam kong wala naman akong ulo..ahihi.. bad bad heaven.
      Pero ang sakit talaga ng ulo ko..
   Ano bang pinaggagawa ko?!
  Nagiinom ako kagabi!
    At wala akong maalala!
Tama nga sila,wala nga akong maalala.

Tumayo na ko para sana magshower pero...
   ------- O_______O!!!!----

Nasaan ako?!!!!
   Inilibot ko ang paningin sa kwartong pinaglalagyan ko.
Panglalaki ang kwarto.. kulay itim ang unan nya na may white na lining.. gray ang bedsheet. Dark blue ang kurtina.. napunta ang tingin ko sa nasa bedside table.

    Breakfast! Bigla akong nagutom sa amoy palang ng bacon,pancakes at itlog..

   Nilantakan ko kaagad yun kahit di ko alam kung nasaan ako at kung kanino toh.

    Sa kalagitnaan ng pagkain ko.. sarap na sarap pa yung mukha ko.. 😄
  Biglang bumukas ang pinto at awtomatikong nalaglag ang panga ko kasabay ng paglaglag ng bacon na hawak ko.

"B-Blaze??..."--hindi makapaniwalang tawag ko sa pangalan nya.. "s-sayo ba t-tong b-breakf-fast?.. s-sorry.. k-k-kas-si n-nagutom a---------"

"It's for you."-- malamig na putol nya sa sinabi ko.. hindi ako makahinga..im still inlove with him.

"Ah.. s-salam-mat pero.. b-bakit ak-ko------"

"I was in the bar last nigth.. and some strangers are....."--napahilamos sya sa mukha nya.   "My god!,binabastos kana kagabi!. Pasalamat ka at nandun ako!"

   Numula yung mukha nya.. galit sya sakin?  "Salamat sa pagligtas-----"

"Hindi kita niligtas..wala lang akong choice kasi wala naman yatang may gustong tumulong sayo.! Kaya wag kang magpasalamat.. bilisan mo na jan at umalis kana sa condo ko pagkatapos na pagkatapos mo! Kasi dadating yung girlfriend ko. "-- tapos lumabas na sya ng kwarto..

   May hiya pa naman ako.kaya nilapag ko na ang pagkain sa plato at nagmamadaling lumabas..nakakapanghinayang yung breakfast..gusto ko pa..😣..

nakita ko syang nakaupo sa sofa na kulot na kulot ang noo..

"Sorry...uhm,y-yung bag ko? k-kasi nandun yung-----"  nagulat ako nang biglang may tumama sa dibdib ko.. napakagat labi ako sa sakit kasi mabigat yung bag ko e.. bigla akong nakaramdam ng inis.

"Ano kaba naman ?!! Naiintindihan kong may galit ka pero sobra kana para ibato sakin to ha!!!"--umuusok usok pa yung ilong ko..  nakakainis. Kung pumunta lang sya noon sa kasal.... hayyyy! Naku naman!

"Lock the door when you leave."-- malamig nyang sabi.. pero may pumasok bigla sa utak kong kalokohan.

"Sir,wag po.."--balot balot ko pa nung bag ko yung dibdib ko. Tapos nagkunwaring parang natatakot.. .nag tiger look sya saakin..    "joke lang.. aalis nanga. Ang harsh mo kasi."

    Dali dali akong lumabas..at syempre ni lock ko.. baka sakalin na ko nun.. pwede nya na kong sakalin kasi.. di na nya ako mahal.,nanlamig ang sikmura ko sa iniisip..

   Itinext ko si mommy na kina marj ako natulog. Tapos tinext ko si marj na pag nagtext si mom..magdahilan na dun ako natulog.. napailing ako sa pagpapalusot..  minsan lang naman eh..

   Habang naglalakad ako.. papunta sa sakayan ng jeep,naalala ko yung kalokohan ko kanina at wala sa sariling napangiti ako.. kasi naman nahawa ako kay marj ng mga kalokohan!

  Tapos yung blaze na yun,napakasungit.. palibhasa may bago na.  At ngayong alam ko nang nakalimot na sya. Siguro ako naman ang dapat makalimot ngayon.

     Nang makarating ako sa sakayan ,agad akong sumakay .para makauuwi na kaagad.

"Mom!sorry.nagbonding kami ni marj kagabi eh."

"Dapat kagabi palang nagpaalam kana! Pasalamat ka at wala din ang mga kuya mo,baby... nag breakfast kanaba?"

"Opo.pero,gusto ko pa kumain ulit mom..gusto ko parin yung luto mo."

   Kaya sandali nyang iniwan ang aming kayamanan (sari sari store namin) may bantay naman si mom dun..sinuswelduhan lang nya..

"Sabay na tayo..nagpapahinga pa ang dad mo eh.tulog pa yata,naka 3 rounds pa kasi kami----"

"Mom naman.. saan mo ba natututunan yan ?"---natatawa kong sabi.. ang bastos kaya!

"Kay sally...loka loka kasi yung batang iyon.. but she's always make us laugh.."--yung bantay sa tindahan namin.

"Ahh...naku..sasabihin ko nga kay ate sally wag kung anuano ang otuturo sa inyo mommy..nagiging makulit kayo eh."

"Sasabihan ko din si marj na wag masyadong mag-asta ng kung anu anong kalukahan sayo at nahahawa ka sa kakulitan."

"Mommy naman.!"--ang kukulit namin dahil sa makukulit naming kaibigan...

   Nagulat kami nang bumukas ang pinto at iniliwa si kuya cloud na kunot na kunot ang noo.

"Mom,palitan mo nanga yang tindera natin!"--😧  nabadtrip nanaman yan kay ate sally.

"Why?,she's so nice cloud."-si mom

"But mom,,ayoko sa presensya nya!nakakainis sya! Bakit ayaw nya kong magbantay ng tindahan?! Bakit si sky ang gusto nyang magbantay?!! Nambubwisit ba yun?!"

"Eh ikaw naman kasi,sinusungitan mo,anak, ka-close nya lang talaga si sky... isa pa hindi ka dapat magselos kasi may girlfriend naman si sky"--derederetsong sabi ni mom kay kuya cloud..nanlaki ang mga mata ni kuya cloud

"Hindi ko sya gusto mommy!!"- umuusok din ilong ni kuya..

"Si kuya pabebe!"-- sabat ko pa..

"Ewan ko sa inyo ni mom!"--walang nagawa si kuya cloud..kundi ang mag walk out. Napatawa naman kami ni mommy.. kapag kasi walang pasok sina kuya sa pinag applyan nilang trabaho.,gusto nila sila ang magbabantay ng tindahan..kaya lang hindi sila peace ni kuya cloud at ate sally..

"Good morning our queen and princess!!"---si dad

"Dad!"--agad ko syang niyakap na parang matagal kaming di nagkita..

"Baby,saan ka natulog kagabi?may boyfriend kanaba ulit? Dalhin mo dito."

   Napailing ako kay dad..  "kayo talaga dad.. wala po,natulog po ako kina marjorie!.."

"Sya parin ba baby?"--- wala sa sariling tumango ako ..

:)  ako...nandito parin..

Sya,nakamove forward na.

heaven and hellWhere stories live. Discover now