Chapter 1

148 5 1
                                    

Russel POV

Nanginginig ang mga kamay ko na pinihit ang doorknob papasok sa cr..Ramdam ko ang pawis na lumalabas sa buong katawan ko dahil sa kaba.. At ang luhang lumalandas sa pisngi ko dahil sa takot..

Flashback

"Pwede ka ng pumasok sa klase mo mamaya para magkaroon ka na kaagad ng kaibigan" nakangiting sabi sa akin ng principal.

"Sige po! Mukhang mababait din po talaga ang mga estudyante dito!" Abot hanggang tainga ang ngiti ko. Excited na kasi talaga ako! Hehehe

"Oo naman! O Sige na kung gusto mo maglibot libot ka muna sa buong school at sa itsura mo mukhang mageenjoy ka sa cafeteria" sinasabi niya bang mataba ako? Aba! Pero syempre magpapakabait muna ako!

"Ah Sige po! Salamat po!" Nakangiti naman akong lumabas sa office niya. Wala nadin masyadong estudyante dahil nagsisimula na ang klase. Second quarter na kasi pero kakayanin ko naman siguro humabol!

Naghuhum na naglibot ako sa school habang kumakain ng footlong. Napahinto naman ako ng mabasa ko ang nakapaskil sa isang pinto.

"Library? Matry nga!" At mabilis na pumasok ako sa loob at nakita ko naman yung librarian. Masungit din kaya Ito? Kadalasan ng librarian sa movie at story masungit eh.

"Library card?" At nilahad niya sakin yung kamay niya. Ano daw?

"Ha? Ano po yon? Sorry po pero transferri po kasi ako" pagkatapos kong sabihin yon ay bumalik na lang siya ulit sa pagsusulat.

Dumiresto naman ako sa mga libro. At naghanap ng pwedeng basahin. At dahil ang hirap mamili. Pumikit ako at nagpadulas sa sahig. At nang huminto na ako ay mabilis na idinilat ko ang mata ko.

"Gotcha! Botcha!! Nakita din kita!" At mabilis na kinuha ko yung libro at umupo sa isang table. Tinignan ko naman kung anong title pero nagtaka ako ng makitang Wala ni isang letra sa harap nito. Binuksan ko pa at umasang meron sa unang pahina pero nagkamali lang ako.

Tinignan ko pa yung likod pero wala din akong nakita na kahit anong letra o numero doon.

"May libro bang walang title?" Tanong ko sa sarili ko. Maliban na lang kung may kasama pa ako? Tumingin naman ako sa paligid at wala naman akong nakita na ibang Tao maliban sa librarian at isang estudyante na tulog at nakapatong ang ulo sa libro. Pano na lang kung tulo laway siya at mabasa pa yung libro tapos may amoy pa yung laway niya edi naging scented pa yung libro?

Binalik ko naman ang atensyon ko sa libro at tinignan ang unang pahina nito. Napansin ko din yung gilid nito na parang medyo nasunog. Feeling ko ang daming pinagdaanan ng libro nato hahaha!

Patuloy ko lang na binasa ang libro at hindi ko namalayan na nahinto na pala ako sa pagkain ko. Kinilabutan ako ng mabasa ko yung pagpatay sa mga kaklase niya. Totoo ba to?

Bigla naman akong napalingon ng maramdaman kong parang may dumaan sa likod ko. Actually kanina ko pa nararamdaman na parang may nakatingin sakin.

"Guni guni ko lang siguro.." At mabilis na itiniklop ko na ang libro. Pumunta naman ako ulit kung saan ko Ito nakita kanina. Pero nagulat ako ng ilalagay ko na ang libro ay may nakita akong mata sa kabilang side.

Rest in Shit! Where stories live. Discover now