Chapter 12

116 2 4
                                    

Denver POV

(List ng pagkakasunod ng mamatay base doon sa journal. Tinignan namin kung anong merong ugali ang bawat isa at hindi na kami nagulat ng makita namin yung pagkakapareho namin sa mga Tao sa journal)

Transferri (at hindi namin alam kung may transferri nga sa amin)
Chritz
Maria Luz
Jana
Jasper
Roberto
Rafael
Jennylyn
John Marie
Rue
Kyle
Richelle
JennyRose
Marian
Ayson
Aaron
Dally
Awa
Shermaine
Harold
Maybelyn
Mhaicie
Franz
Denver
Roiden
Don
Ryan
LA
Chris Ann

"So totoo nga? Una munang pinatay si Maria luz bago si jana?" Medyo hindi siguradong sabi ni Marian. Lahat kami nagtipon tipon dito ulit sa sala.

"Sa journal. Pangatlong namatay yung kaklase nilang lalaki na pinapaasa ng Mga magagandang babae. Pero sa atin ngayon si Maria Luz yung lalaki nayon at ang nagpapaasa sa kanya walang iba kundi ang dakilang paasa.. LA" medyo hindi pa malinaw sa amin ang nangyayari..

"Pero diba pangatlo na siya? Ibig bang sabihin may namatay ng dalawa?" Napaisip naman kaming lahat. Tama si Harold. Sa journal pangatlo nang namatay yung lalaking umaasa.

"Sigurado ba kayong basehan yan ng pagkakasunod sunod din ng mamatay satin?" May pagdududa  na sabi ni rue. Pero sa tingin talaga  namin tumutugma lahat ng nangyayari sa journal at ngayon.

"Si Chritz? Counted ba siya? Pero-- pinatay siya ng hindi kilalang tao. At pangalawa siya. Kung ganon sino ang una?" Nalilito parin kaming lahat. So sino nga ba yung una?

"Posible din kayang nasa atin lang din yung pumatay kay chritz?" Lahat kami ay napatingin kay Richelle. Nitong mga nagdaang araw at linggo hindi namin nagpaguusapan si Chritz kahit pa ang mga kaibigan niyang babae hindi narin siya nababanggit. Kaya ngayon na nangyari Ito maraming tanong ang naungkat.

"Wag na natin isipin yan. Patay na sila wala na tayong magagawa. Ngayong alam natin ang pagkakasunod sunod siguro naman mas magiging alerto na kayo? Kailangan niyong ingatan ang mga sarili niyo.. Masakit man pero pwedeng ang taong lubos niyong pinagkakatiwalaan ang siyang tatapos ng buhay niyo.. Natin.." Napatingin ako sa lahat. Parang sa isang iglap nawalan ng saysay yung tiwalang binuo namin sa ilang taon na magkasama kami. Parang sa isang iglap titignan ka nila na parang hindi ka na nila kilala.

"Pero buhay pa si jasper. Ibig sabihin buhay pa si Roberto!" Napatayo bigla si Jennylyn na parang nabuhayan ng pagasa. Doon lang din namin napansin na pangapat pa si Roberto sa mamatay kaya..

"Akala koba hindi niyo siya nakita don?" Bigla naman tumingin si ryan kay don pero nagkamot lang Ito ng ulo.

"Hehehe ano kasi-- pagod na kami non. Pero isang floor na lang yung hindi namin natignan! Tama! Sa pinakataas!" Agad naman kaming nagpunta sa taas.

Pinasok namin lahat ng kwarto at kahit sa huling kwarto wala kaming nakitang Tao. Wala si Roberto?

Third Person POV

Dahil sa nabuhay na pagasa sa kanilang lahat. Agad agad silang pumunta sa pinakamataas na bahagi ng rest house para hanapin si Roberto. Samantalang nakatulala lamang si jasper sa nakikita niya.. Tuluyan nang nakaalis sa sala ang iba pa niyang kaklase samantalang naiwan naman siya magisa.. Hindi , mali. May kasama pala siya.

"Teka--s-si-no-ka! Lum--Luma---yo ka-sakin..Pa--rang awa-- mo na-- Ayaw..Ayaw --ko pa--pang mama-mamatay!" Habang umaatras si jasper ay siya ding paglapit sa kanya ng killer. Apat na hakbang, hinto, apat na hakbang, hinto. Ito lang ang paulit ulit na ginagawa ng killer..

Rest in Shit! Where stories live. Discover now