John Marie POV
"Saan ba kasi nagtago si Maria luz!" Kumpara kasi kala Chris Ann na hinahanap si Jana mas alam nila saan pupunta dahil sa gubat huling nakita at nagtago si jana. Eh kami? Ni hindi namin alam kung anong katangahan ang pumasok sa utak ni Maria luz.
"Saan ba yung sa tingin niyo na pagtataguan ni Maria luz?"tanong ko para naman may alam kami kung saan talaga pupunta.
"Kung matalino si Maria luz--" Hindi pa tapos magsalita si Harold ay pinutol na siya ni Awa.
"Hindi siya matalino kaya doon tayo sa pinakatangang Lugar na mapagtataguan niya." Sagot nito ng May serysosong mukha. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis dahil sinabi niya lang naman na tanga si Maria luz. O matuwa dahil sa pagiging honest niya?
"Sa tingin ko sa puno tulad ng Ginawa namin?" Medyo hindi siguradong sagot ni harold. Pero sa huli doon parin kami pumunta kung saan sila nagtago. May puno kasi malapit sa dagat. Kung dito man talaga nagtago si Maria luz medyo matalinong pagiisip yon. Mahirap naman talaga tumingala para lang maghanap ng tao.
"Wala naman ata dito Baka sa ilalim ng lupa?" Medyo patanong na sabi ni Rafael. Pero hindi tulad kanina kay Harold hindi namin iisipin na maghanap sa ilalim ng lupa no!
Bigla naman akong napatingin sa dagat at may nakita akong parang Tao?
Nagulat na lang ako nang biglang tumakbo si Jenny rose at Richelle sa dagat. Sumunod na lang kami sa kanila. Nakita na lang namin na umiiyak si Richelle habang hawak hawak si--
"Maria luz! Anong nangyari sa kanya?" Napaupo na lang ako malapit sa kanila at sa bangkay ni Maria luz. Sa itsura kasi nito halatang wala na itong buhay. Puno ito ng saksak at sa tingin ko ay nalunod din ito. Pinigilan ko ang luha ko na lumandas sa pisngi ko hindi Ito isang biro.
"Kailangan malaman na Ito ng iba pa Tara na dalhin niyo siya Awa." Pero nakita ko lang siya na tulala sa bangkay ni Maria luz.
"Kung may gusto ka Kay maria luz dapat dati mo pa sinabi hindi yung patay na siya papatayin mo pa sa titig." Aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita.
"Ahmm.. An-- Ano kasi-- hindi--ko kaya-" inis naman ako na humarap dito.
"Kalalaking mong Tao hindi mo kaya? Ano pang silbi ng katawan mo? Kaya nga mo ata magbuhat ng babae sa kama!" Inis na sigaw ko dito. Hindi ako tanga para hindi malaman na isa pang siraulo itong si Awa. Kung si LA nilalandi lang ewan ko ba kung mas malayo pa ang nararating nitong si Awa!
"Pero hindi ng bangkay! Ta-- takot ako sa bangkay!" Nagulat naman ako sa sinabi niya takot siya? Seryoso?
"Harold at Rafael kayo na ang magdala sa kanya. Kapag hindi niyo ginawa at sinabi niyong takot din kayo. Kayo ang gagawin kong bangkay!"
Don POV
"Teka wala naman ata dito si Roberto eh!" Bagot na sabi ko. Oo naiinis na ako! Kanina pa kami hanap ng hanap sa bakla na yon pero hanggang ngayon wala parin! Baka akala niya hindi pa tapos yung laro at balak niyang magtago na lang habangand buhay? Kapag patuloy akong nainis papangit ang gwapo kong mukha mahirap na! May dahilan na para maging pogi ako!
"Sa laki ng rest house nato saan natin siya hahanapin?" Tanong ni maybelyn. Pagod na kami sobrang laki ng Lugar nato kapag nakita ko talaga si bakla patay siya sakin!
Nagpatuloy lang kami sa paghahanap malapit na Kami sa pinaka fourth floor ng biglang dumating sila Awa na namumutla. Agad kaming bumaba at nakita namin sila na may hawak hawak na tao.
"Maria luz? Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni ryan. Alam kong halata at nakikita na ng dalawa kong malalaking mata pero hindi talaga kapani paniwala.
YOU ARE READING
Rest in Shit!
Misterio / SuspensoI thought were friends.. I thought we will last forever.. Until you betrayed us.. Until we rest in shit..