Chapter 15

15 0 0
                                    

Marian POV

Nandito parin kami ngayon sa gubat. Hays! Una pa lang pakiramdam ko may mali na. Bakit ba kasi sumama pa ako! Katabi ko ngayon si rue umaga na pero siya gumagawa parin ng mapa ng pilipinas sa mukha niya tss.. Yung huni ng ibon.. Yung bawat pagpagaspas ng dahon. Hindi mo aakalaing sa tahimik na lugar nato kami mamahinga lahat literal na pahinga! Bawat buntong hininga ko bakit parang feeling ko may nanunuod sakin? Tumingin naman ako sa paligid at wala naman akong nakitang kahinahinala. Gustong gusto ko na makaalis dito. Minsan naiisip ko parusa niya ba to samin? Eto na ba yung karma?

"Hoy! Lalim ng iniisip mo" biglang bangon ni rue. Nagulat naman ako sa biglang pagbangon nito! Nabuhay ang patay! Hahaha

"Gaga may mapa ka pa ng pilipinas sa pisngi mo!" Kinapa kapa niya naman ang pisngi niya at tinanggal narin. Bigla naman bumalik sakin yung tanong niya.

"Yung kanina.. Iniisip ko lang kung parusa niya ba satin to." At tinignan ko lang kung paano sumisilip ang sinag ng araw sa mga puno na nagbibigay lilim samin. Naramdaman ko naman siyang napatingin sakin.

"Sa laki ng kasalanan natin.. Sa akin kulang pa ata buhay ko--" bigla naman akong napatingin sa kanya pero ngumiti lang siya.

"Pero kilala naman natin siya diba? Hindi niya magagawa yon. Isa pa patay na siya kaya pano pa siya makakapaghiganti? Nagkataon lang siguro kaya wag mo na isipin yanyan" at tumayo na siya. Nakatingin lang ako sa kanya inabot niya naman ang kamay niya para tulungan ako pero bago ko yon tanggapin

"Paano kung may naghihiganti para sa kanya?" Tanong ko at tinanggap narin ang kamay niya. Totoo naman diba? Kung hindi man siya tulad ng sa kdrama na mabubuhay at yayaman at maghihiganti posible kayang tulad sa wattpad? May mga nabasa na kasi akong ganun eh.

"Epekto ba yan kakapanood ng kdrama o pagpupuyat sa wattpad? Wala tayo sa isang pelikula at mas lalong sa libro lang nageexist ang mga bagay na ganyan ang layo niyan sa reality!" Medyo inis na sabi niya Pero nagkibit balikat lang ako. Paunti unti narin silang nagising natutuwa ako na nakapagpahinga kami kahit papaano. Tulad din kasi ng ginawa namin sa rest house nagpalitan kami sa magbabantay at matutulog.

"Naisip ko lang yung cellphones natin? Diba iyon yung dapat na kukunin ni maam kechos nakuha niyo ba?" Biglang tanong ni ryan. Kinuha naman ni Awa yung bag niya at nilatag ang mga cellphones namin. Para na itong individe sa 3 pero ngayon parang 2 lang.

"Pano natin gagamitin may screen may case pero walang battery?" Nanlumo ako na kinuha ang cp ko. May alam ang gumawa nito o may gamit. Hindi naman basta basta matatanggal battery ng iPhone ko eh! Huhuhu

"Ako! May cellphone pa ako dito!"Biglang nagtaas ng kamay si Jennylyn. Parehas na parehas kasi ang cp niya madalas niyang gawin yon kasi lagi siya nahuhuli na nagtetext sa klase.

Kinuha naman ni ryan yon. Kahit papaano malaking tulong yon samin.

"Pero walang signal dito. Hindi pa natin to magagamit kailangan na natin magsimula maglakad." At tumayo na kami agad na pinangunahan ni ryan.

Tahimik lang kami na naglalakad na parang gusto namin maging alerto sa paligid namin. Malay ba namin kung katabi na namin si kamatayan. O kung may papalipad ng patalim papunta samin?  Kailangan naming magingat lalo na at alam kong nasa amin lang ang kalaban. Bigla naman binasag ni Chris Ann ang katahimikan.

"Guys pwede bang magsalita kayo kahit papaano nakakapanis kasi ng laway eh!" At nagkamot pa siya ng ulo.

"Mas gusto ko ng mapanisan ng laway kaysa matuluyan ni kamatayan" biglang sabi din ni Roa. Sumama naman ang tingin namin sa kanya pero sinagot din siya pabalik ni Chris Ann

"Ay Oo nga pala sanay ka na sa mabahong hininga" at inirapan niya si Roa. Kahit kailan talaga hindi ko maisip kung paano pa namin nagagawang magasaran sa mga panahon na tulad nato na parang nasa ilalim na kami ng hukay.

Rest in Shit! Where stories live. Discover now