Chapter 14

12 0 0
                                    

Awa POV

"Akala ko hindi na ako sisikatan ng araw!" Masayang sabi ni Rafael. Napatingin naman kami sa kanya.

"Ano? Diba ako na yung susunod?" At huminga kami ng malalim. Isang panibagong araw. Paniguradong panibagong bangkay na naman.. At hindi ko yon hahayaang mangyari.

"Ang romantic na sana ng scene Rafael sinira mo lang." At napairap na lang si dally. Tumingin naman ako sa kanya.

"Oo nga ang ganda ng view" at nagulat na lang ako biglang tumingin siya sakin kaya napaiwas na lang ako. Nandito kami ngayon sa pampang pinapanood yung pagtaas ng araw. Kung iisipin romantic nga. Pero hindi naman Ito isang love story. Story ito kung saan inilalarawan kung paano matatapos ang buhay namin..

"Alam mo awa kung may gusto ka sabihin mo hindi yung titigan mo lang hahaha" panginis na sabi ni Clarence. Umirap naman ako sa kanya.

"Wow! Umiirap level up! Nagagaya mo na si dally ah!" At nagtawanan silang lahat. Tumahimik lang ako kung normal na araw lang to nilunod ko na si Clarence pero hindi eh..

"Hindi natin pwedeng titigan lang ang pagsikat ng araw kung gusto pa natin mabuhay.." Mahinang sabi ni dally pero narinig ko parin kasi magkatabi lang kami. Bigla naman siyang tumayo. Tinignan ko lang siya matapang, hindi nagpapatalo.. Yan yung bagay na nagustuhan ko sa kanya..

"Ayusin na natin yung mga gamit natin dahil mahaba pa yung lalakadin natin hindi tayo pwedeng abutin ng dilim." At naglakad na siya pabalik sa rest house. Rest House.. Ngayon ko lang naisip ang meaning niyan ngayon.

"Rest house ba ang tawag dito kasi lahat tayo dito ba mag rerest in peace?" Tanong ko kaya bigla silang napahinto. Bigla naman akong binatukan ni Denver.

"Basta yung mapa ng pilipinas" at umalis na siya. Ano pa bang aasahan mo kay denver? Tama nga yung sinabi ni Franz parang kami ni dally walang konek.

"Hindi tayo dito mag rerest in peace kasi nga diba aalis na tayo dito?" Sabay tapik ni Clarence sa balikat ko. At tuluyan ng pumasok sa rest house.

"Dalhin niyo lang yung mahalaga at kailangan." Paalala naman ni ryan. Bigla naman nagsalita si LA.

"Pano ba yan Chris Ann paki ingatan mo na lang yung sarili mo ikaw lang naman ang mahalaga sakin at ikaw lang din ang kailangan ko.." At kumindat pa ito. Sira talaga utak nito eh. Siya yung nakakasakit na hindi niya pa alam nakita ko naman si ryan na parang wala lang pakielam. Parang isang linggo tuloy siyang hindi nakapag Beauty Rest hahaha.

"Tumahimik ka LA mamatay ka na lang puro pambobola at kasinungalingan parin yung lumalabas diyan sa bibig mo tss.." At umirap ito at nagpatuloy lang sa pagaayos ng gamit niya. Lumapit naman ako kay LA na nakangiti lang.

"Alam mo minsan naiisip ko nasasaktan ka din kaya sa sinasabi ni Chris Ann hahaha alam mo naman kilala kita alam kong siya lang ang sineseryoso mo" kahit naman kasi halos lahat na lang ng babae landiin nito kilala namin siya kaya alam parin namin kung kanino siya totoo..

"Iyon ang akala mo.. Nasasaktan din ako seryoso na ako sa kanya pero siya pa tong makairap wagas!" Bigla namang bumagsak ang bag niya. Sa inis niya siguro.

"Sabihin mo lang kung galit ka hahaha ikaw naman kasi bakit di ka na lang magseryoso una pa lang" at tinulungan ko siya kunin ang mga gamit niya. Nung nakaayos na ay nakita ko siyang ilalagay na sana ang wallet niya sa bag niya nang hablutin ko Ito. Hahaha

"Aanhin mo naman to? Oops! Bawal kunin!" Sabay hagis ko kay Kyle ng wallet. Bubuksan na sana niya Ito ng mabilis na tumakbo papunta sa kanya si LA. Mabilis niya ding hinagis sa akin pabalik yung wallet kaya binuksan ko Ito kaagad

Rest in Shit! Where stories live. Discover now