Chapter 16

15 0 0
                                    

Virgo POV

Ang lakas din talaga ni John Marie kanina kaya medyo nahirapan ako. Iyak parin ng iyak si jennyrose pero ano pa bang magagawa niya? Hindi mababalik ng luha niya Ang buhay ng mga kaibigan niya!

"Hoy! Ok ka lang ba nagdudugo kasi yung wrist mo" biglang sabi sakin ni Marian kaya agad na tinakpan ko yung wrist ko at ngumiti lang sa kanya

"Nasabit lang kanina pero Hindi naman masyado masakit ok lang ako" at ngumiti ako sa kanya na abot tenga. Tumango lang siya. Shit! Langya naman kasi yung si Jennylyn kinalmot pa ako! Napaka talaga non!

"Guys alam kong aware naman kayo na nasa atin din Ang killer diba?" Biglang sabi ni Marian. Ano to magaala detective na naman siya? Tss..

"Ikaw Awa pano mo sila nakita?" Sabay napatingin kaming lahat kay Awa na biglang ngumiti pero halata mong hindi mapakali.

"Ahm-- ano--an-- ano kasi--" bigla naman siyang sinamaan ng tingin ni Marian. Kaya bigla siyang napatuwid ng salita.

"Di ko naman sinasadya no! Di naman siya maganda! Pero kasi ano! Ano ba-- basta iyon!" Napakunot ang noo namin sa pinagsasabi niya. Ano daw?

"Ok girls mukhang kami lang ang nakaintindi? Ang ibig sabihin niya ay nadala lang siya ng emosyon" sagot naman ni Clarence at lalo kaming napasimangot sa sinabi niya. Nadala ng emosyon ha?

"Baka kamo nadala ng kamanyakan!" Sa sinabi na yon ni Roiden ay nalinawan na kami.n

"So nakita mo yung killer pero ang pakay mo talaga ay silipan lang si Jennylyn?!" Hindi makapaniwala na sabi ni Marian. Napairap naman ako ng palihim hindi pa ba siya sanay sa kamanyakan ng mga kaklase namin? Tss..

"So nakita mo ba yung itsura niya?" Tanong niya ulit pero umiling lang si Awa. Asa naman na makita niya ang mukha ko.

"May sako yung mukha niya.. At isa pa sa sobrang takot ko napatakbo na lang ako!" Sagot niya. Talaga lang ha? Hindi ba dapat mas matakot siya sa sarili niya? Bwisit!

"Teka si rue! Muntik ko ng makalimutan!" Biglang sigaw ni Harold. Pag ako talaga nainis sa lalaking to pupugutan ko na siya ng ulo! Siguro naman tapos na si Cancer.

"Nakita ko siya kanina sa puno tara puntahan na natin!" At agad na rin akong nagpadala sa hatak nila

Third Persons POV

Agad na nagtakbuhan ang lahat papunta sa puno na tinutukoy ni Marian kung saan niya unang nakita ang kaibigan. Sa bawat hakbang ni Marian ay ang panalangin na buhay pa ang kaibigan. Marami siyang iniisip pero mas nangingibabaw ang takot at kaba niya sa maaaring madatnan nila na lagay ni rue.

Pero mas nagulat siya ng makita na wala na don ang kaibigan.

"Rue nasan kana! Rue hindi to magandang biro! Lumabas ka na!" Buong lakas na sigaw ni Marian hanggang sa lahat sila ay halos ikutin na ang puno sa pagasang nakikipagtaguan lang ang kaibigan.

Lingid sa kaalaman nila ang pakikihalo ng taong siyang may dahilan ng pagkawala ni rue. Patuloy lang ito na umakto na isa sa nagaalala at kinakabahan sa kaibigan. Pero sa loob loob nito ay ang ngiting tagumpay na sa wakas ay may nabawas na naman sa kanila.

Hindi na napigilan ni Marian ang umiyak habang pilit na pinapaniwala ang sarili na nakikipag lokohan lang ang kaibigan. Nawalan na siya ng kaibigan at hindi niya kaya na tuluyan na siyang maging magisa.

"Rue! Nasaan ka na ba! Pangako sayo hati na tayo sa crush ko basta lumabas ka lang.. Parang Awa mo na.."  At tulayan na siyang humagulgol. Labis ang awa at pagaalala ang makikita sa mga kasama niya pero alam ni Marian na may nagpapanggap lang sa kanila.

"Dugo" isang salita lang ang sinabi ni dally habang nakatingin sa kamay niyang may bahid ng dugo at halata sa noo nito ang dugong tumutulo rito. Agad na napatigil sa pagiyak si Marian at sabay sabay nilang inalam ang pinagmumulan ng pulang likido na tumulo Kay dally.

Napaupo si Marian na parang biglang nanlambot ang tuhod niya at halos lumuwa ang mata niya sa nakikita. Sunod na sunod ang pagagos ng luha ni Marian pati narin ng iba.

Hindi sila lubos makapaniwala sa nakikita nila. Parang kanina lang nagtatampo si yanyan dahil hindi siya binigyan ni rue ng pagkain pero ngayon miss na miss niya na ang kaibigan.

Parang nanuyo ang lalamunan niya sa gulat at labis na lungkot. Pakiramdam niya ay wala ng dahilan para mabuhay. Ang pagkamatay ni Chritz at ngayon ni Rue pakiramdam niya siya ang may kasalanan ng lahat.

"Waaah!" Nagulat lalo sila ng biglang sumigaw si dally at biglang napatalon para lang mapalayo sa babagsakan ni rue. At ngayon ay katabi na lang ni Marian si rue. Kanina at nakabigti ito gamit ang barb wire at ngayon ay kitang kita nila ang pagbaon ng palakol sa ulo nito. Iyak lang ng iyak si Marian pero walang lumalabas na tunog sa bibig nito. Kahit na may talsik narin siya ng dugo at may laman pa ni rue ay hindi siya umalis sa tabi nito at dahan dahang hinaplos ang mukha ni rue. Biyak na ang ulo ni rue at halos hindi narin makilala ang mukha nito pero hindi ni Marian. Halos mapugot narin ang ulo ni rue dulot ng barb wire sa leeg nito.

Tinapik lang ni Virgo si Cancer at palihim na ngumiti. Isa lang ang malinaw kay marian medyo gumaan din ang pakiramdam  ng maisip niya na ang tunay na ibig sabihin ni Chritz sa sinabi nito. In order to fight your enemy you have to be one. Tumayo si Marian at pinahid ang luha na nasa pisngi niya at ngumiti.

Kahit na sila Virgo ay nagtaka sa ngiting ipinakita nito. Ang iba naman ay kinalibutan sa ngiting gumuhit sa mga labi nito kahit pa na namatay si rue. Pinilit ni Marian na ngumiti at tinatagan niya ang loob niya para lang masambit ang bagay na naisip niya.

"Kung hindi ikaw ang papatay, ikaw ang mamatay. In short kung hindi ka papatay hindi ka mabubuhay." At umalis tumalikod ito. Pero mas lalo silang nagulat pero mas kinabahan ang taong nagmamayari ng pangalan na sinabi nito.

"Hindi ba Denver?" At tuluyan na itong umalis. Sa gulat ni Denver ay hindi ito nakapagbiro para lang kahit papaano ay mawala sa isip niya ang biglaang pagsambit ng kaklase sa pangalan niya.

Lahat ay nagtaka kung bakit binanggit ni Marian ang pangalan ni Denver pero sa isang iglap ay biglang umusog ng konti ang mga kaibigan niya mula sa kanya.

"Ikaw ba ang gumawa sa kanya niyan? Denver?" Nanunuring mata tinignan ni La si Denver pero umiling lang ito at tumakbo.

Rest in Shit! Where stories live. Discover now